다섯 (daseot)

931 50 200
                                    

Turn off...



NAKATULALA ako sa mannequin na nasa aking harapan habang kagat ang ballpen. Sabado ngayon at walang pasok, kaya narito kami ngayon sa basement nila Two. Pinapanood ko kung paano maghalukay si Mommy Sonia ng damit at sinusuot sa mannequin. Ang totoo kanina pa siya may kinukwento sa akin, pero hindi ko iyon iniintindi dahil lumilipad ang utak ko sa nangyari kagabi.

Nilagpasan ako ni Caiden at nilapitan si kuya. May binulong ito saglit matapos ay kay Johnny naman. Aminin ko man o hindi, sa kanya lang nakapako ang paningin ko, hindi kay kuya lalong hindi kay Johnny. Which is weird!

Kanina ko pa iniisip 'yon. Bakit parang ini-enjoy ko ang panoorin siya katulad ng pakiramdam kay Johnny? Hindi! Ayokong lokohin ang sarili ko. May kakaibang feeling kapag siya ang tinignan mo. Parang kapag tumingin ka sa kanya, mapapasailalim ka sa kanyang sumpa at hindi ka na mag-aabalang tumingin sa iba. No wonder, why Two is really hook up with him.

Napanganga ako dahil sa naisip, kasabay nang paglagapak ng ballpen sa sahig. Nilingon tuloy ako ng mag-ina. Hindi sila umimik, pero kung makatingin alam mong nagtatanong.

"Mommy Sonia, gusto mong mag-coffee sa Costa?" tanong kong nagpangiti sa kanya kasabay nang pagsingkit ng mata ni Two.

Iyon na ang huling sinabi ko dahil tahimik na ako hanggang makarating kami sa Costa. Ang totoo magkagalit kami ng kape kaya tiyak nagtataka si Two, kung bakit ako nag-aya ro'n.

Nauna kami ni Two sa Costa, nag-park pa kasi si Mommy Sonia ng kanyang Chevy. Naging pagkakataon naman ng bruha ang bombahin ako ng tanong, kesyo kung may problema raw ba ako. Ang totoo wala naman! Maganda pa nga 'yung nangyari dahil nagka-chat na naman kami ni Johnny. Actually, I'm a total stranger for him. Kunwari hindi ko alam ang nangyari sa kanya dahil nagkwento siya sa mga nangyari sa kanya kahapon. Ang hinihintay ko ngang sabihin niya kung anong kaugnayan nila ni Carmela, kaso hindi niya iyon nabanggit na para bang hindi iyon mahalaga para malaman ko pa. Hindi lang ako pinatulog ng huling message niya.

Johnny: I want to meet you personally. I feel bad because we're only talking here.

Pakiwari ko sobrang interesado na siya sa akin at dumating sa puntong gusto niya akong makilala sa personal. Wala akong binabanggit sa kanya tungkol sa pinagkakaabalahan ko o kung sino ba talaga ako, dahil panay buhay niya o interes niya ang topic. Hindi siya nag-abalang magtanong tungkol sa akin na para bang wala rin siyang interes, kaya ang huling mensahe niya na 'yon. Ang lakas makapang miss universe ng beauty. Feeling ko ang ganda-ganda ko para pagkaabalahan niyang ma-meet. Ito na ba 'yung level up na gusto ko? Pero paano ko siya haharapin kung ako si Angelika? Paano kung may expectation siyang ibang tao ako o magandang babae? Matutuwa kaya siyang malaman na si Sweet Anj ay si Angelika?

"One Belgian chocolate shake and two caramel cappuccino, please!"

Nilingon ko si Two na nakaharap sa menu. She knows my favorite. "Wala nga kasing problema Two," wika ko bago  hinarap ang waiter, "Please, add two blueberry. Thanks!"

 Thanks!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Curious Where stories live. Discover now