Chapter 10

3K 86 6
                                    

Isang araw nakaupo si Melania sa kanyang silid, iniisip niya si Brando,    nananabik  na siya sa mga yakap at halik nito, ngunit tuwing pinagmamasdan niya ang kaniyang itsura ay naiiyak siya.

Kusa na lamang tumutulo ang kaniyang mga luha.

〰〰〰

Makalipas ang ilang araw...

Binibigyan ni Valeria ng sweldo sila Helen, Girlie at Minda .

"O eto ang sweldo ninyo, dinagdagan ko pa yan."

"Maraming salamat po mam Valeria." sabi ng mga kasambahay.

"Walang anuman." sabi ni Valeria, ngunit napansin niyang may gustong sabihin ang mga ito sa kaniya.

"Eh mam Valeria, mag papa alam na po kami." sabi ni Helen.

"Ano at bakit naman?"

"Natatakot na po kasi kami kay Melania, sa tuwing nakikita namin siya, kaya aalis na po kami mam."

"Naku, iyon lang ba, bakit kayo natatakot sa kaniya, wala naman siyang ginagawang masama sa inyo."

"Eh oo nga po, pero natatakot po kami sa itsura niya tuwing nakikita namin siyang nag lalakad dito sa loob ng bahay,"

"Pero huwag na kayong umalis!"

"Pasensya na po mam di na namin kaya."

Nagpasukan ng kuwarto ang mga kasambahay at kinuha ang kanilang mga gamit, sinundan sila ni Valeria para pakiusapan.

"Titriplehin ko pa ang mga sweldo ninyo huwag lamang kayong umalis!" nakikiusap na sabi ni Valeria.Maya maya ay nakita nila si Melania na lumalapit, matigas ang mga katawan nito habang lumalakad, lalong natakot ang mga kasambahay nang nakita nila itong lumalapit sa kanila.

"Ahhhhh!" Napasigaw na sabi ng mga kasambahay.

"Aalis na po kami!" Nagmadaling naglabasan ang mga kasambahay.

"Bakit sila umalis saan sila pupunta?"

"Ha ah eh, pina alis ko na sila."

"Bakit?"

"Para wala ng nakaka alam ng lihim natin, nagiging matanong na sila, mabuti at umalis na sila."

"Natakot po ba sila sa akin?"

Hindi agad makapagsalita si Veleria  ayaw niyang masaktan si Melania,

"Ah hindi naman, syangapala may nagawa ka bang mga bagong Manekin?"

"Marami na ako nagawa na mga manekin sa basement ipadeliver na po ninyo."

"Mabuti naman, ipapadeliver ko na ngayon din."
........

Mula noon ay madalas mag isa si Melania, naglalakad ito sa tabi ng pool, alam niyang wala na doon si Brando, sinasariwa niya ang ala-ala nila ni Brando.

〰〰〰

Isang araw...

Katatapos mag gym ni Brando,  laging bumabalakid sa kaniyang isipan si Melania.

Lumabas ng Gym si Brando at sa kaniyang paglalakad ay may nadaanan siyang isang karinderia at pumasok siya sa loob nito upang mag meryenda, may nakita siyang mga pamilyar na babae na kumakain sa isang lamesa.Ang mga dating kasambahay sa malaking bahay.

"Manang Helen, Girlie, Minda? " sabi ni Brando,

Napatingin sa kaniya ang mga ito at natuwa sila ng nakita nila si Brando.

"Brando?" Sabi ni Helen.

"Kamusta na po kayo?" Sabi ni Brando sa kanila.

"Heto naghahanap ng mapapasukan,  ikaw kamusta ka na, ano na trabaho mo ngayon ?" Ani Girlie.

Naupo si Brando sa tabi nila.

"Ok lang naman  ako, instructor po ako dyan sa Gym, wala na ba kayo doon sa malaking bahay?"

"Oo kusa kami umalis." ani Helen.

"Bakit naman po?"

Hindi sila makapagsalita.

Nagkatiniginan sila, napansin ni Brando na parang may gusto itong sabihin sa kaniya.

"Sabihin mo na manang Helen, Ano po nangyari?"

"Umalis kami dahil natatakot na kami."

"Kanino kayo natatakot ?"

"Kay Melania."

"Kay Melania, bakit?"

"Alam mo Brando, kaya hindi nagpapakita sayo si Melania ay dahil...." Ani Girlie.

"Ano po ang nalalaman ninyo sabihin niyo sa akin, bakit di siya nagpapakita sa akin nung nandoon ako?"

"Dahil iba na ang itsura niya ngayon."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Mukha na siyang Manekin, hindi na namin kaya na makita siyang ganon, natatakot kami sa tuwing makikita siya."

"Pero papano nangyari?"

"Yan nga ang aming pinagkakatakahan kung bakit? Nakakatakot siya, para ka na ring nakakita ng isang manekin na gumagalaw, kinikilabutan na kami."

Hindi makapaniwala si Brando sa mga sinasabi nito..dahil nung huling nakita niya si Melania ay napakaganda nito at malalambot ang mga kamay.

Tumayo si Brando at nagpaalam sa kanila.

"Saan ka pupunta?" Sabi ni Minda

"Pupuntahan ko si Melania."

"Sige puntahan mo sya ng makita mo ang kanyang itsura! At siguradong ako pa rin ang babalikan mo Brando!"

Hindi sya pinansin ni Brando.

〰〰〰

Pinuntahan ni Brando ang mansyon, pagdating niya dito ay may mga guardya na nagbabantay sa malaking gate, mga bago ang guard ngunit may isang dating guard at kilala ito ni Brando.

"Mang Roger, maaari ko bang makita si Melania?"

"Naku pasensya na Brando bawal kami magpapasok ng kahit sino dito."

"Parang awa niyo na gusto ko lamang siyang makita."

Lumapit ang isang guard.

"Sir hindi kayo maaaring pumasok, umalis ka na!"

Walang nagawa si Brando at siya ay umalis, ngunit nagtungo siya sa kabilang bahagi ng mansyon at nag ober de bakod siya sa mataas na pader.

Nakapasok siya ng malaking hardin at nagpunta siya sa malaking bahay at sumilip sa  bintana na salamin.

A Mannequin's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon