Chapter 7

3.3K 89 1
                                    

Sumunod ang mga araw habang nag lilinis ng swimming pool si Brando ay nagpunta doon si Melania.

Lalong gumanda si Melania na tulad ng isang supermodel.
Laging syang nag aayos at kung tititigan ay mukha syang magandang manika at kaakit akit.

  Laging syang nag aayos at kung tititigan ay mukha syang magandang manika at kaakit akit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Panay ang sulyap sa kaniya ni Brando, at kanya itong nilapitan...

"Mam Melania magandang araw po." masiglang sabi ni Brando.

"Huwag mo na ako tawaging mam, Melania na lamang ang itawag mo sa akin."

"Kamusta na po kayo, napapansin kong hindi ka lumalabas ng bahay?"

"Hmm, wala akong hilig lumabas masaya ako na dito lang ako."

"Ganon po ba, ayaw mo ng mag aral?"

"Bakit ba tanong ka ng tanong?"

"Ah sorry po kasi..."

"Kasi ano?"

"Ah wala po."

"At huwag mo na ako 'po' in, mas matanda ka pa ata sa akin eh, 17 years old lang ako."

"Ah oo nga, 19 naman ako."

"Ikaw naman ang tatanungin ko, bakit ganito ang trabaho mo, maaari ka naman makakita ng mas higit na trabaho kesa dito?"

"Nahinto kasi ako sa pag aaral, isang taon na lang matatapos na, kaya kailangan ko lang mag ipon para makatapos, kaya hindi na ako namimili ng trabaho, ok din sweldo ko dito eh, libre pa food and lodging."

"Ah ok!"

"Alam mo nakita na kita, bumili ka ng sapatos doon sa department store na pinagtrabahuan ko dati, natatandaan mo ba ako?"

"Ah hindi ko na matandaan." nagkunwaring sabi ni Melania.

"Hindi ko makakalimutan yung araw na ako ang nagsuot ng sapatos mo eh."

"Wala akong matandaan sorry."

"Pero ako hindi ko malilimutan ang araw na yon.Kaya lang, last day ko na nun, tapos na kasi yung 6 months contract ko eh."

"Ah kaya pala wala ka na doon nung bumalik ako?" nadulas na dila na sabi ni Melania.

"Ha?"

"Ay wala ang s-sabi ko madalas kasi ako mag shopping doon eh." natarantang sabi ni Melania.

Maya maya ay lumapit si Minda.

"Mam Melania eto na po ang orange juice mo."

Kinuha ni Melania ang baso ng orange juice at pumasok na ito sa loob ng malaking bahay.

Sinundan siya ng tingin ni Brando.

"Oi bakit ba tingin ka ng tingin kay Melania."

"Sobrang ganda niya kasi eh, nakaka inlove siya."

A Mannequin's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon