Chapter 8

2.9K 100 1
                                    

Makalipas ang ilang mga araw, ay hindi na lumalabas ng bahay si Melania.     

Isang araw...May dumating na tatlong truck at minamandohan ni Valeria ang kaniyang mga tauhan.

Nagpunta ang mga tauhan sa kabilang parte ng basement at kinukuha nila ang mga Mannequin. 

Nakikita ito ni Brando habang nag didilig ng halamanan.

At isa isa nilang ipinapasok ang mga mannequin sa loob ng mga delivery truck.

"Ideliver niyo na lamang yan sa Adeline Corp." sabi ni Valeria sa mga tauhan.

"Opo mam, kami na ang bahala dito." sabi ng driver.

Pagkaalis ng mga truck ay nakita niyang pumasok na nang malaking bahay si Valeria.

Hindi mapalagay si Brando, hindi na lumalabas si Melania ilang araw na at nangungulila sya araw araw.

Nagpunta si Brando sa basement at sumilip sa maliit na bintana ngunit wala syang makita at nakasara ang pinto.

"Nasaan na kaya si Melania, nandito kaya siya sa loob?" Nag-aalalang sabi ni Brando sa sarili.

Maya maya ay bigla siyang nagulat, nakita siya ni Valeria.

"Brando, ano ang ginagawa mo dyan?"

"Ah eh mam, wala po."

"Anong wala, nang I spy ka ano?"

"Naku hindi po mam!"

"Kapag nakita pa kitang pumunta dito ay sisisantihin kita, maliwanag ba?"

"Ah opo, hindi na po mauulit."

"Hanggang hardin ka lang at wala kang karapatan na pumasok sa loob ng bahay at kahit sa basement na ito, naiintindihan mo ba?!" Nandidilat sa galit na sabi ni Valeria.

"O-Opo."

"Mabuti at nagkakaliwanagan tayo!"

At umakyat na sa itaas si Brando at nagpatuloy sa pag didilig.

〰〰〰

Pagka alis ni Brando ay binuksan ni Valeria ang pinto sa basement at pumasok siya sa pinaka loob nito, at doon ay may bagong sariling silid si Melania, at malaki na ang pinag babago ng anyo ni Melania.

Lalong pumuti ang mga balat nito na kasing puti ng puting semento at tumangkad at humaba at umitim ang mga buhok, humaba din ang kaniyang mga pilikmata at lalong tumangos ang ilong at numipis at pumula ang kaniyang mga labi.

Hindi na gaanong nagulat si Valeria sa itsura ni Melania dahil araw araw niya itong nakikita at nasasanay na sila ni Iris na makita si Melania na ganoon ang pagbabago ng kanyang itsura.

" Melania, bakit di ka magpahangin sa labas?"

Humarap sa kaniya si Melania, mukhang mannequin na ang itsura nya.

"Dito na lamang po ako." malamig na boses na sabi nito, nagbago na din ang kaniyang boses.

Nakakaramdam ng takot si Valeria sa itsura ni Melania ngunit hindi na lamang siya nagpapahalata.

"Bukas na ang graduation ng ate Iris mo."

Maya maya ay dumating si Iris.

"Melania may pasalubong ako sayo!" Masayang sabi ni Iris.

May dala itong magagandang mga damit.

Nagustuhan ni Melania ang mga damit at sinukat niya ito, at nang kanyang naisuot ay lalo siya nagmukhang mannequin.

Lumabas na ng silid ang mag ina..

"Bakit nag kakaganyan na ang itsura ni Melania, pati ang kaniyang pananalita at paglalakad,  mukha na siyang mannequin?" sabi ni Valeria.

"Natatandaan ko, nung maliliit pa kami lagi niya sinasabi na gusto niyang maging mannequin, at nung dumating yung mannequin na si Gricielda, lagi niya itong sinasabi sa akin"

"Bakit kaya nangyayari ang mga bagay na ito, hanggang ngayon ay di ko pa rin maunawaan?"

"Oo nga po, natatakot ako sa tuwing nakikita ko siya"

"Pero wala na tayong magagawa, ako din natatakot, wala tayong magagawa kundi sundin kung saan masaya si Melania,  wala ang lahat ng ito kundi dahil sa kaniya"

"Sa tingin niyo masaya ba siya?"

Nang napag isa si Melania..

"Brando miss na miss na kita." nangungulilang sabi ni Melania at tumulo ang kaniyang mga luha.

〰〰〰

Author's note:
Please follow me po thank you God bless you❤️
Get ready for the next chapter 😃

A Mannequin's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon