Chapter 6

3.1K 101 1
                                    


"Ako si Minda."

"At ako naman po si Helen at siya naman po si Girlie." 

Sumunod ay napatingin naman si Valeria sa hardinero.

"At ikaw naman anong pangalan mo?" tanong ni Valeria sa hardinero.

"Brando po." nakangiting sabi nito.

Nang narinig ni Melania ang pangalan na 'Brando' ay napahinto sya sa paglalaro ng iphone at biglang kinabahan sya, at kanyang tiningnan kung sino iyon.

At binaling nya ang kanyang mata sa hardinero at namangha sya ng nakita nya na ito nga ay si Brando na lagi nyang hinahanap-hanap, ngunit hindi sya nagpahalata.

Napatingin si Brando kay Melania at nakangiti sa kanya ng matatamis na ngiti, at iniiwas niya ang kaniyang mga mata dito, ngunit di nya maiwasan na di tumingin kay Brando, at nakaramdam si Melania ng lalong pagkagusto kay Brando.

Habang nagtitinginan si Melania at Brando ay nahalata ito ni Minda at nakaramdam ng selos kay Melania, dahil may gusto ito kay Brando.

"Sumama kayo sa akin upang ituturo ko ang inyong gagawin." sabi ni Valeria.

"Aalis po muna ako." sabi ni Iris.

"Saan ka na naman pupunta?" nakakunot noong sabi ni Valeria.

"Kakain lang po kami ng mga friends ko sa labas."

"Huwag kang mag papakagabi."

"Opo!" sabi ni Iris at nagmadaling umalis.

"Halina na kayo." sabi ni Valeria sa mga katiwala.

Unang tinuruan si Brando,

"Gusto ko laging malinis ang swimming pool at yung mga halaman at orchids ay lagi mong didiligan at di ka maaaring pumasok sa loob ng bahay hanggang hardin ka lang, maliwanag ba?"

"Opo ma'am." magalang na sabi ni Brando.

"At ang iyong silid ay doon sa mga kuwarto ng mga guard sa tabi ng gate."

"Opo nakilala ko na po si kuya Roger at iba pa."

"O sige mag umpisa ka na." sabi ni Valeria.

"At kayong tatlo sumama kayo sa akin sa loob ng bahay." sabi naman ni Valeria sa tatlong katulong.

Nakasunod si Melania kay Valeria at madalas magtama ang mata nila ni Brando hanggang nakapasok na si Melania sa loob ng bahay at nagtuloy sya ng kanyang silid.

Pagpasok ni Melania sa kanyang kuwarto ay dumungaw sya sa bintana at tinanaw nya si Brando na nag uumpisa ng magdilig ng halaman.Magdamag nakasilip si Melania kay Brando hindi sya umaalis hanggang di umaalis si Brando sa hardin.

A Mannequin's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon