Chapter 1

9.8K 197 9
                                    


...

Sa isang tagong lugar, ay mayroong mundo ang mga mannequin. Pinamumunuan ito ng isang Reyna na nangangalang Gricielda, sya ang Reyna ng mga mannequin, nakatira sya sa isang malaking palasyo na kulay puti, may matataas na mga haligi at nagtataasang mga tore at malawak na hardin, may magaganda at kakaibang uri ng mga puno, halaman at mga bulaklak, at sa paligid ay may mga nakatayong mga kakaibang uri ng gusali at doon nakatira ang mga mannequin. Ito ang mundo at kaharian ng mga mannequin.

May isang batang babae na napunta sa kahariang iyon. Ang pangalan nya ay Melania, labing pitong taong gulang, sya ay chubby, kayumanggi, petite , at medyo pango ang kanyang ilong at naka pony tail ang kanyang di kahabaang buhok, at nakasuot sya ng mahabang bestida na kulay asul..

Nakatayo si Melania sa tapat ng malaking pintuang iyong ng palasyo at naghihintay na ito ay magbukas.
At ilang sandali ay biglang nagbukas ang mataas at malaking pintuan ng palasyo.
Pumasok sa loob ng palasyong ito si Melania.

Namangha si Melania ng sya ay pumasok sa loob nito, di sya makapaniwala sa kaniyang nakikita, may naglalakihang mga 'chandelier' na nakasabit sa mataas na kisame, may magagandang mga palamuti sa paligid nito na sa 'fairy tale' book lamang nya nakikita.

At habang sya ay naglalakad sa loob ng palasyo ay may isa pang malaking pinto ang nagbukas at siya ay pumasok dito, at lalong laking gulat ni Melania sa kaniyang nakita...

Nakahelera ang mga mannequin sa kaniyang dadaanan, nakahelera sa kaliwa ang mga lalaki at mga babaeng mannequin naman ang nasa kanan.

Iisa lamang ang itsura ng mga mannequin na ito, ang mga babae ay may makakapal na kulay black na mahabang mga buhok na hanggang baywang at may mga bangs at sila ay nakasuot ng kulay puting mga gown, at ang mga lalaki naman ay nakasuot ng Tuxedo na kulay puti at maiitim din ang mga maikling buhok ng mga ito, nakatingin ang lahat kay Melania habang sya ay naglalakad sa gitna patungo sa isang trono kung saan naghihintay ang isang Reyna, si Gricielda ang Reyna ng mga mannequin, maganda ang kanyang mukha, matangos na ilong, malaking mga mata na kulay emerald green na may mahaba at makakapal na eyelashes na naka fly away, maliit na kulay pulang labi, magandang kilay, at may mahabang ma alon alon na mga buhok na kulay black at perfect na hugis ng mukha, nakasuot ito ng bolgang gown na sayad hanggang sahig na kulay puti at may mga nakadikit na mga emerald at mga gintong bids at nagkikislapan ang mga ito, at nakaupo sya sa malaking gintong trono na may mga nakaukit na ruby at brilliante ngunit wala itong suot na korona sa kanyang ulo, hinihintay niyang makalapit sa kaniya si Melania.

"Halika Melania lumapit ka!" Malamig na boses na sabi ng Reyna.

Patuloy sa paglapit ni Melania sa Reyna ng mga mannequin, nanlalamig ang pakiramdam ni Melania habang siya ay naglalakad, nakakaramdam siya ng takot sa tuwing dinadaanan niya ang mga mannequin na nakatingin sa kaniya, ngunit napapawi ang takot na iyon ng nakita niyang nakangiti ang Reyna na naghihintay sa kaniya.

Papalapit ng papalapit si Melania sa Reyna.....

Nang biglang ginising siya ni Iris.

"Tabachingching gumising ka na papasok na tayo." malambing na sabi ni Iris..

Nagising si Melania..

"Ate Iris inaantok pa ako!" naghihikab na sabi ni Melania.

"Gumising ka na baka ma late na tayo sa school."

Pinatayo ni Iris si Melania na antok na antok pa, napuyat sila dahil nag movie marathon ang magpinsan nung gabi.

"Inaantok pa nga din ako napuyat kasi tayo sa movie marathon kagabi eh." Ani Iris.

Maya maya ay pumasok ang ina ni Iris na si Valeria.

"Kaya naman pala hirap niyo gisingin, nag movie marathon kayo?"

"E kasi po nay ang tagal ninyo umuwi kagabi, hindi kami makatulog." ani Iris.

"Kahit wala ako kailangan ninyong matulog sa tamang oras, ginabi ako ng uwi dahil namili ako ng mga tela, natagalan ako sa sobrang traffic at inabutan pa ako ng malakas na ulan hay, sige na mag ayos na kayo at maghahanda na ako ng almusal."

"Opo nay." sabi ni Iris.

"At ikaw naman Melania huwag ka ng magpupuyat." pasermon na sabi ni Valeria.

"Opo nay Valeria." sabi ni Melania habang humihikab pa.

Ulila na si Melania, namatay ang kanyang ama at ina sa isang aksidente nung siya ay limang taong gulang pa lamang, at ang kapatid ng kaniyang ina na si Valeria ang kumupkop sa kanya, isa itong balo at may isang anak na babae, si Iris, maganda ito at petite mas matanda lamang ito ng tatlong taon kay Melania, mananahi si Valeria, at mayroon itong maliit na patahian sa harapan ng kanilang bahay na inuupahan.

Nagtungo ng banyo si Melania at naghilamos ng mukha at naglinis ng katawan.
At sa tuwing nakikita nya ang kanyang sarili sa salamin ay nadidismaya sya dahil mataba sya.

"Gusto ko ng pumayat, bakit ba ang taba ko?" malungkot na sabi ni Melania sa sarili.

A Mannequin's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon