Wala ng nagawa yung bell boy kundi sundin si Sander..

Yung mata ko naman dilat na dilat na nanlilisik na di maintindihan...

basta alam ko namumula na ako sa inis...

tinignan ko lang ulit siya ng masama at padabog na kinuha yung mga bagahe...

"Follow me." he said.

aiisshhh!!!

talagang di niya ako tinutulungan sa mga dala dala ko...

huminto siya sa tapat ng isang pinto..

nilapag ko muna sa lapag yung mga dala dala ko sa lapag dahil namamanhid na yung kamay ko kakabuhat...

nakatalikod siya sa akin habang kinukuha niya yung card para dun sa pinto..

paswipe swipe kasi dito...chuchal eh...

Habang nakatalikod siya, tinaas ko yung kamay ko at pormang babatukan ko siya...

aishhh...

kaso bigla siyang humarap...

Patay! Unti unti kong binaba yung kamay ko...

"may galit ka talaga sa akin noh?!" he said sarcastically.

yumuko lang ako...

kinuha niya yung mga bagahe at dinala sa loob.

Napabuntong hininga na lang ako...di naman ako galit...naiinis lang..

Pumasok na ako sa loob...

Ang gandaaaaa!!!

Lumibot libot ako para tignan yung kabuuan ng kwarto...

yung bahay kong inuupahan kasinglaki lang ng cr nito...

grabe mukhang mamahalin yung mga gamit...

Kaso bakit isa lang yung kama?

Saan ako matutulog?

Tatanungin ko sana si Sander kaso dumiretso siya sa banyo, magshoshower daw siya...

ako naman natapos ng libutin yung grandyosong kwarto kaya umupo muna ako sa gilid ng kama.

nakita ko yung remote ng tv,, kinuha ko ito at binuksan yung tv...

ayun! may cartoon!

Just MarriedWhere stories live. Discover now