Chapter 1: FAILURE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Si...sino kha?.." Ang biglang napalunok na si Odessa habang nakamasid sa lalake na papalapit sa kanya.

"Hindi ba dapat ako ang magtatanong sa'yo niyan? Sino ka at ano ang ginagawa mo sa pag-aari ko?" Ang tugon ng lalake sa kanya gamit ang isip nito.

"Ako si Odessa. Hindi ko rin alam bakit ako napunta rito sa isla na 'to. Ang huling pagkakaalam ko ay inililigtas ko ang aking kapatid na si Laurea kay Anilaokan. Sinundan ko sila sa lagusang ginamit ni Anilaokan sa pagtakas. Pagpasok ko sa lagusan ay nakita ko na lamang ang sarili ko dito sa isla." Ang paliwanag ni Odessa sa kakaibang nilalang sa kanyang harapan.

Napansin ni Odessa na kahit tinatamaan ng papalubog na sikat ng araw ang lalake ay lumulusot sa katawan nito ang tila kulay gintong mga sinag.

"Ikaw si Odessa? Totoo nga ang sinasabi ng mga engkanto tungkol sa'yo. Si Laurea, ang dakilang si Mariang Sinukuan na ngayon ay nasa kamay ni Anilaokan. Pero imposible." Ang malakas na wika ng Lalake.

"Huh? Alin ang imposible? Bakit imposible?" Ang naguluhang tanong ni Odessa sa lalake.

"Imposibleng si Anilaokan ang bumihag kay Mariang Sinukuan, Odessa. Matagal ng pumanaw sa mundo ang itim na diwata. Ang sino mang nilalang ang napatay gamit ng Eskrihala ay hindi na kailan man mabubuhay pa." Ang paliwanag ng lalake sa kanya.

"Pero nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano itinakas ni Anilaokan ang aking kapatid. Kasama niya si Impong Sendang."

"Impong Sendang? Ang matandang Bruha, ang kinatatakutan kahit na ng mga diyos at diyosa? Kung gayon..." Ang biglang natigilan at napaisip na wika ng lalake.

Napansin ni Odessa na nag-iba ang hitsura ng mukha ng lalake. Kanina pa tumutulo at hindi natutuyo ang tubig sa katawan nito. "Kung gayon ano? " Ang biglang tanong ni Odessa.

"kailangang malaman ng sandaigdig ang tungkol dito Odessa. Hindi ko inaasahan na muling mangyayari ito. Nagtagumpay ang mga anak ng buwan sa pagkabuhay ni Anilaokan, ang ibig sabihin nito ay nahuli nila ang aking kapatid."

"Ang inyong kapatid? Sino ang iyong kapatid at ano ang pangalan mo? " Ang matigas na boses ni Odessa na napa-isip sa binanggit ng lalake.

Mukha ng pagkainsulto ang naging hitsura ng lalake kay Odessa. Payapa ang panahon ng mga sandaling iyon kaya payapa rin ang takbo ng kanyang isipan. Pero pinili pa rin ng lalake na kalmahin ang sarili at sagutin ang tanong ni Odessa.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon