9:

8 1 0
                                    


9:

(A: Hey guys! I know matagal akong mag-update tapos every vacation lang ako nagsusulat pero sana andyan pa rin kayo guys na nagsusupport pa rin sakin... Para mas ganahan pang sumulat ng stories... )

9:

*Sa Kaharian ng Shizen...*

Kasalukuyang nagsisigawan ang mga ibat-ibang nilalang.

"Patayin ang lahat! Wag kayong magtitira ng kahit isa man lang! Ako ang tatapos sa hari nila..." sabi ni Heneral Luna habang nakangiti na nakakapanindig balahibo sa mga kampon nito.

*flashback...*

Papaangat palang ang araw ay makakarinig ka na ng mga mabibigat na yabag tungo sa isang kaharian...

Ang Kaharian ng Shizen.

Mahihimbing ang mga tulog ng bawat nilalang sa kanilang tahanan.

Walang kamalay-malay sa mga paparating na kampon ng kadiliman sa kanilang lugar.

Ang mga shadow demons ay pinaghihila ang mga kumot ng mga natutulog na nilalang at kinaladkad papalabas ng bahay. Ang iba naman ay tinapon nila palabas ng  mga bahay mula sa bintana ng mga ito.

Walang kalaban labang pinaslang ng mga kampon ang mga nilalang ng Shizen.

Lasog lasog at nagkakagulo ang mga nilalang.

"Tulong!" sigaw pa ng isang nilalang bago gilitan sa leeg ng kampon ng kadiliman.

Ang shadow dragon na dala ng pwersa ng Kurai ay pinagkakain lang ang mga kaawa-awang guwardiya at mga tagapagsilbi ng palasyo ng Shizen.

Masasabing tuluyan ng bumagsak ang Kaharian ng Shizen.

*End of Flashback...*

"Kamahalan tila'y wala na ang pinakamamahal mong nasasakupan..." sabay tawa ng nakangingilabot si Heneral Luna at dila sa sandatang espada.

"Ipaglalaban ko ang aking kahariang ito hanggang sa huling hiningang meron ako!" sabi ng ama ni Fern.

"Masyado kang madada para sa isang hari...nararapat lang sayong manahimik na!" nakangising sambit ni Heneral Luna.

Naglaban sila ngunit dahil sa kabilugan ng buwan ay doble ang lakas na tinataglay ni Heneral Luna pati na rin ang kanyang bilis.

"Masyadong nakakainip ang paglalaban na ito..." sabay kunwaring hikab at gilit sa leeg ng hari.

Sa kabilang banda ay nakita ni Fern kung paano nawalan ng buhay ang kanyang ama. Napaiyak na lamang siya ng tahimik.

Hinila siya ng kanyang ina para makatakas at tumungo sila sa Misuteri.

Makalipas ang ilang sandali ay narating na nila ang Misuteri at agad na tumungo sa loob habang bakas pa rin ang takot sa kanilang mga mukha at umiiyak.

Wala na ang kanilang tirahan, nasasakupan at wala na rin ang isang pinakamahalagang lalaki sa kanilang pamilya ang hari ng Shizen.

Kinausap sila nina Lumina ngunit tikom ang kanilang mga bibig dahil sa trauma.

Masyadong maraming nangyari at pilit nilang pinatatatag ang kanilang mga loob kahit masakit at halo-halo ang emosyon.

Ilang sandali ay di na nakayanan ng mag-ina ang pagod at sila ay nawalan ng malay.

"Dalhin niyo sila sa kumportableng mga silid..." mahinang sabi ni Lumina na sapat lang upang marinig ng mga nandoon.

*Sa Royal Court ng Misuteri...*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

*THE FILTER*Where stories live. Discover now