*The following story is fictional. Any resemblance to real persons, living or dead, events, places, and other stories are coincidental. No part of this story may be copied or reproduced in any form without the prior written permission from the author.*
Prologue:
May isang tagong mundo sa mundo ng realidad o mundo ng tao...
Ito ay ang Erementaru
Nahahati ito sa anim na parte...
Sa pinakagitna ay ang Kaharian ng Misuteri na tumatayong sentro ng lahat dahil ang kahariang ito ay ang pinakamalakas sa lahat ng kaharian at mga nasasakupan nito...
Sa kaliwang bahagi ay ang Kaharian ng Mizu o Elemento ng Tubig
Sa kanang bahagi naman ay ang kasalungat nitong elemento, ang Elemento ng Apoy o Kaharian ng Kasai
Sa ibabang bahagi naman ay ang Kaharian ng Shizen o Elemento ng Lupa o Kalikasan
Sa itaas na bahagi ang Kaharian ng Kuki o Elemento ng Hangin
Sa underground makikita ang Kaharian ng Kurai, bihira ang kaharian na ito na makihalobilo sa ibang kaharian dahil na rin sa dahilan na ito'y nasa ilalim ng lupa o underground at madami ding tao o nilalang sa kaharian na ito ang masasama...
Sa mundong Erementaru ay mayroon ding pasulpot-sulpot na dimension o portal na patungo rin sa isang kaharian, ang Kaharian ng Amai...
Sa Kaharian ng Misuteri ay umilaw ang Libro ng Propesiya na nagpapahiwatig na may bago muling propesiyang naukit sa mga pahina ng libro...
Agad-agad naman itong binuksan ng pinakamatandang salamangkero ng kaharian na siyang nag-aalaga rito...at inumpisahang basahin...
"May mga mawawala...may mga dadating...kaya humanda ang lahat, maraming mangyayari..."
Pagkatapos nun ay bigla nalang sumara ang libro at nawala na ang liwanag nito...
"Aba'y loko kang libro ka ah...simula nang ako ang nag-alaga sayo eh parang gusto mo akong atakihin sa puso lagi...walanjo uh oh tsk tsk"
Umalis na ang salamangkero sa kanyang silid at nagtungo sa Hari at Reyna upang ibalita ang kanyang nabasa na kahit siya rin ay di maintindihan kung ano ba ang nais nitong ipahiwatig...
Sa paglipas ng panahon...
Isinilang ng Mahal na Reyna ng Misuteri ang isang batang babae...batang babae na kakaiba dahil sa di maipaliwanag nitong aura na nakapalibot na mistulang nagpapahiwatig ng mysteryo...
At isang araw...di inaasahan na naglaho ang sanggol na parang bula...
#JustWriteIt
YOU ARE READING
*THE FILTER*
FantasySiya ay isang simpleng babae lang na namumuhay sa simpleng buhay hanggang sa napunta siya sa isang mundo na puno ng hiwaga at samo't-saring mahika. Mula sa pagtuklas niya makikilala siya sa ibang pagkatao, makakakilala ng iba't-ibang tao at bagay o...