8:

8 2 0
                                    


8:

(A: Hey Guys! ... tagal kong di nakapag-update kaya nawala ako at actually di ko alam kung paano ko dudugtungan yung nasimulan ko pero its a challenge so here it goes...)


8:

*Sa Kaharian ng Misuteri...*

Ganun pa rin ang kalangitan...mapula at madilim...

Ngayon ay nagpupulong ang mga may dugong bughaw sa palasyo...

"Ngayong wala ang pinakareyna anong gagawin natin? Tanging siya lang makakapigil sa kapatid niya tulad ng dati..." nanginginig na sambit ng nanay ni marina...

Habang nag-uusap-usap pa rin ang mga hari at reyna ng natirang mga kaharian ay nag-uusap-usap din sina Lumina...pagkatapos ay pumunta sa harap si Lumina kadahilanan upang mapunta sa kanya ang mata ng lahat...

"Ako...ako ang pwedeng pumigil sa reyna ng Kurai..." mahina ngunit malinaw na sambit ni Lumina upang ikagulat ng lahat ng nasa silid...

"Ngunit masyadong siyang malakas para makalaban mo... at isa pa ay ni hindi mo pa masyadong nahahasa ang kakayahan mo para lumaban Lumina..."

"Hindi pa ngunit kakayanin ko dahil ako ang prinsesa niyo... I'm willing to take the risk because its my responsibility... Now are you with me?" matapang na sabi ni Lumina sa lahat...

Sumang-ayon naman lahat at nag-umpisa nang magplano ng mga gagawin...

"Napag-alaman naming lahat ng patay na nilalang na nakita kahapon na nagkalat ay ang lahat ng nilalang na naninirahan o mula sa Kaharian ng Kurai...mukhang naglinis ang reyna ng Kurai sa kaharian niya upang palitan ang mga sundalo niya ng mas malalakas..." sabi ng tatay ni Fern

"Ito ang buong mapa ng mundo natin... at base nga sa sinabi ng tatay ni Fern ay nakaramdam din kami ng kakaibang paggalaw ng hangin mula sa ilalim ng lupa..." sabi naman ng tatay ni Gray...

Nagpatuloy ang pagpupulong hanggang sa ito ay matapos rin...

Isa-isang lumabas ang mga nasa silid at pumunta na sa kanya-kanyang kaharian maliban sa magkakaibigan na dumiretso sa mga training rooms upang magsanay at maghanda...

Bawat isa ay humanda na sa fighting position maliban kay Lumina na nakatayo lang sa gilid...

Nilabas ni Gray ang kanyang Air Eagle...

Si Red ay naglabas naman ng kanyang Fire Gumiho...

Si Fern ay naglabas ng Earth Golem...

At huling naglabas si Marina ng Water Dragon...

"Lumina...di ka ba sasabay magtraining samin?" takang tanong ni Fern...

Bumuntong-hininga si Lumina at bahagyang ngumiti... "May gusto nga sana akong hilingin sa inyo ngayong training kaso baka hindi kayo pumayag..."

"Ano ba yun?" nagtataka ring sabi ni Marina...

"Atakehin niyo ko... gusto kong malaman kung hanggang saan kaya ko...mas maganda pag nagsanib kayong lahat..."

"What?! Are you crazy?!" gulat na sabi nilang lahat kay Lumina...

"Lumina alam naming malaking kalaban ang reyna ng Kurai pero hindi pwede yung hinihingi mo samin..." sabi ni Gray...

"Alam ko pero gusto ko talagang gawin to..."

Pumunta siya sa harapan nila at nagsimulang magfocus ng nakapikit...

*THE FILTER*Where stories live. Discover now