6:

18 3 0
                                    


6:

(A: Hello readers!!! matagal-tagal na rin nung huli akong nag-update and currently im experiencing a hard time and a little headache kaya pagpasensyahan niyo kung pangit tong update na to... keep reading my stories and vommenting in it...I love you all <3 )

6:

*Sa Kaharian ng Kurai*

Sa tagong silid...

Ganun pa rin naman pero...

Ano nga ba ulit ang laman ng garapon?

Biglang may nagsalita mula rito...

"Ilang araw nalang at makikilala mo na ko Lumina...sa pagtapat ng kabilugan ng buwan isisilang ulit ang isang kampon at magmamana ng trono ko..."

Trono? Pinuno ba siya ng mga taga-Kurai?

Oo, maituturing niyong siya ang pinuno o namumuno sa kanila dahil siya ang maituturing na pinakamasama, pinakamalala, at katakot-takot...

Kaya mo kaya siyang harapin?

*Crystal*

Naasikaso na namin lahat dito at kahit na ayaw namin ay wala kaming choice kundi burahin ang memorya ng mga tao na tungkol o may kinalaman samin para sa ikatatahimik ng lahat at para walang mapahamak na mundo...

Ngayon pabalik na kami ni Gray sa Erementaru...

Mamimiss ko ang mundo ng tao sigurado pero may tungkulin akong dapat gampanan...ang pagiging prinsesa sa Erementaru para sa mga nilalang doon...sana nga ay magampanan ko yon ng maayos...

*Sa Kaharian ng Misuteri*

"Handa na ba ang lahat?"

"Opo mahal na reyna...may ilang detalye na lang pong inaayos..."

"Mabuti naman...nasasabik na ako sa pagdating ng anak ko at si Gray..."

"Sige po kamahalan aalis na po ako..."

"Sige...salamat ulit..."

Napatingin ang mahal na reyna sa paligid at ngumiti...

Masaya ito dahil natagpuan niya na ang kanyang anak matapos ang matagal na panahon ng paghahanap...

*Flashback...*

Nagsasaya ang mundong Erementaru dahil sa pagdating ng anak ng kamahalan ng Misuteri at anak ng kamahalan ng Kuki...

Ngunit nagimbal ang lahat ng sa isang iglap ay nawala ang anak ng kamahalan ng Misuteri...

Sabi pa ng mga katiwala na nagbabantay sa bata...ay may itim na usok na biglang pumasok sa kwarto at pinatulog sila...pagkagising nila ay wala na ang bata at suspetya nila na ang usok mismo ang kumuha sa bata...

Sabi ng isa pang katiwala ay nakita niya rin ang pangyayari tinangka nga ng itim na usok na kunin ang bata ngunit bigla nalang daw may nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong kwarto at nabura sa liwanag ang itim na usok at naglaho kasabay ng liwanag ang bata na tila nagteleport...

Labis na depression ang naramdaman ng reyna sa mga unang araw matapos ang nangyari...

*End of Flashback...*

Humupa ang saya na nararamdaman ng reyna matapos maalala ang pangyayari...

"Di bale na yung nakaraan...ang mahalaga yung ngayon..." sabi ng reyna sa sarili at bahagya ulit ngumiti...

*THE FILTER*Where stories live. Discover now