Trigger 41 - We finally meet

Start from the beginning
                                    

I am being careful until I get inside the house. Sinalubong ako ng malaking living room at may staircase sa magkabilang gilid niyon at walang tao. Nakaramdam ako ng kaba pero mas pinalakas ko pa ang loob ko at pinilit kong mag-concentrate sa pandinig.

May narinig akong iyak ng isang babae sa itaas kaya't dahan-dahan kong inakyat ang staircase sa kanan at mas lumalakas pa ang naririnig ko hanggang sa mapunta ako sa isang pinto. 

Narinig ko ng mas malinaw ang iyakan doon. It was Joseph's mother, I bet.

Where is Joseph? I can't hear his voice.

Jerome: "Are you looking for me, young lady?"

Nanigas ang katawan ko sa narinig na boses sa likuran. That voice.. ang boses na sobrang pamilyar sa akin. Ang nagparanas sa akin ng mga bangungot sa gabi at ang boses ng taong pakay ko sa pagpunta dito.

Dahan-dahan akong tumalikod hanggang makita ko ang isang lalaki, may katandaan na rin ang hitsura nito pero hindi ang katawan nitong matitipuno at kinilabutan ako sa uri ng ngising ibinigay nito sa akin.

A sinister smile.

Belle: "J-jerome Salcedo.. we finally meet, killer."

Jerome: "That's a nice word to hear, young lady. And how brave and courageous of you to stepped into my house and kill my men outside. You know that, that's a serious offense."

Kahit sa pananalita niya at naramdaman ko ang mga balahibo kong nag-tayuan dahil sa kilabot at takot. Pero hindi dapat ako magpakita ng kahit anong nararamdaman ko dahil kapag ginawa ko iyon, matatalo ako agad. 

I put my poker-faced on and faced him.

Belle: "Let's end this fuckin' sick game of yours, crazy old man."

Pagkasabi noon ay sinabayan kong ilabas ang baril ko at itinutok sa mukha ni Jerome na parang hindi naman natatakot o nagulat sa ginawa ko, instead, he smiled. 

Jerome: "Kaya mo bang gawin? Sige iputok mo. I dare you to pull the trigger of that gun, Princess Trigger. I dare you."

Nanggigigil ako sa kanya at biglang pumasok sa isip ko lahat-lahat ng mga nangyari, kay Ambia noong mabaril ito, sa restaurant kung saan muntik nang mapatay si kuya Pete at higit sa lahat, noong makita ko ang duguang katawan ni Papa sa harapan ko. Handa na akong kalabitin ang gatilyo ng baril.

Pero biglang may isang tao ang pumasok sa isip ko. A guy named Therbie with a smile on his face.

'I'll always be here for you.'

Jerome: "Oh? Nanahimik ka, hija? Hindi mo kaya ano? Hahahahaha! I knew it! You're just like your Father! Pare-pareho kayong mga duwag! Hahahaha!"

Para itong baliw na tawa ng tawa, pero biglang nagbago ang hitsura nito at naging seryoso. Nakakatakot ang pagpapalit niya ng ekspresyon sa mukha. It's creeping me out.

Belle: "Hindi kami duwag. Ikaw iyon, Jerome. Dahil hindi mo matanggap na magaling ang Papa ko kaysa sa'yo. 'Di ba't inggit ka sa kanya? Kaya ka nga nababaliw ngayon e."

Biglang nanlisik ang mga mata nitong tinitigan ako at akmang hahawakan ako nito pero may isang kamay ang humawak sa braso ko at hinila ako.

Joseph: "Anong ginagawa mo dito, Belle?! Tanga ka ba?! Alam mo namang delikado dito e!"

Belle: "Leave with your mom, Joseph. Now's the time--"

Joseph: "At magpapa-iwan ka dito? Sa baliw na iyan? No, hindi kita iiwan dito."

Belle: "I said leave! leave while i'm still here!! Makinig ka sa akin, Joseph Ramos! Leave this hell with your mom and bring her to a nearest hospital. Hurry up!"

Jerome: "Walang aalis dito! Mamamatay tayong lahat dito! Hahahaha!"

Napabalik ang tingin ko kay Jerome at para na talagang natuluyan itong mabaliw. Pero mas nakakuha ng atensyon ko ang sinabi nito. 

Jerome: "I've installed toys here in this house and in just a minute, ka-boom! We will be saying goodbye to this fuckin' world!! Hahahaha!"

Putang ina! Nagkandaleche-leche na! Agad kong pinasok ang kwarto at saglit akong napahinto noong makita ko ang kalagayan ng ina ni Joseph, talagang kalunos-lunos ang hitsura nito kaya't sinabihan ko si Joseph na buhatin ang ina niya at agad na nga silang dalawa lumabas. 

Bumalik ako sa loob at binalikan ko si Jerome na nakahiga na sa sahig at natuluyan na ngang nawala sa tamang katinuan ito. 

Belle: "Where is the bomb?"

Jerome: "Who you..? Ah, it's my best friend, Johanne. You know what, i don't like what i've done. It's not me! It's not me! May bumulong lang sa akin na patayin ka pero hindi ko gusto iyon.. hindi ko gusto iyon!! Mahal ko man si Belinda pero mas mahal kita dahil kaibigan kita! Hindi ako iyon!! Hindi ako iyong pumatay sa'yo, Johanne!! Patawarin mo ako.. patawarin mo ako.."

Nilapitan ko si Jerome na umiiyak na ngayon, pero bigla ring tumatawa pero lumuluha pa rin ito at pinilit ko siyang tumayo. Hindi pwedeng mamatay siya agad, kung talagang gusto niya ng kapatawaran, kailangan niyang pagbayaran iyon sa tamang paraan at iyon ay ang pagkakakulong.

Pero alam ko sa sarili ko, napatawad ko na siya. Napatawad na rin siya ni Papa sigurado ako.

Pinilit naming magmadali, pero dahil sa kabigatan nito, hindi kami makausad ng maayos. Inisip ko nang ito na ang katapusan ko. Mukhang wala na kaming kawala nito. Bigla ring sumakit ang paa ko, iyong natamaan ng matulis na bagay noong nakaraan, at bigla nalang akong hindi na makatayo kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko sa loob kasama si Jerome.

Therbie, I love you, goodbye.


End of PoV



#EditedVersion #WhatWillHappen? #BelleJeromeMeeting #Forgiveness

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Where stories live. Discover now