Trigger 41 - We finally meet

Magsimula sa umpisa
                                    

Nicolet: "Saan naman siya pupunta na pwedeng delikado?"

Knight: "Kahit saan naman delikado dahil hina-hunting siya noong Jerome na iyon, 'di ba?"

Kyoko: "I'm worried, Belle-nee."

Bigla kaming napalingon kay Micaela noong malakas itong napa-singhap at nagmamadaling umalis sa office. Sinundan ko naman ito kasama na ang ibang agents. 

Nagtataka na talaga ako sa mga kilos niya e.

Nakita namin siyang pumasok sa isa sa mga room sa Training Center at dahil ata sa pagmamadali hindi niya na naisara ang pinto kaya pinigilan ko ang mga agents na nasa likuran ko at pinatahimik muna sila.

Naririnig kong parang aligaga ito.


End of PoV

Micaela's PoV :

Shit! Belle, please! Don't do this! Paulit-ulit iyan na sinasabi ng utak ko habang inuulit ko ring tawagan siya. Pero hindi naman sumasagot ito. 

Akala ko hindi niya itutuloy ang naiisip kong plano niya, akala ko joke lang iyon. Pero sa nangyayari ngayong hindi niya pag-sagot ng tawag namin, lalo na ng tawag ko, mukhang nakaisip na siyang kumilos mag-isa at iyon ang naisip niyang plan B.

Micaela: "Shit! Belle, please, answer."

Sa ika-sampung tawag ko ay wala pa ring sumagot kaya iba na ang tinawagan ko. Si Selene, na mabuti at nakuha ko ang number.

Selene: *Anyeong, Micaela--*

Micaela: "Did Belle went there?"

Selene: *O-oo. Actually, kakaalis nga lang niya e. Sabi niya may mission raw siyang tatapusin. Medyo ang weird nga ng babaeng iyon kanina. Para siyang nag-h-huling habilin kaya napa-drama tuloy ako.*

Agad ko na ring pinatay ang tawag at nanghihinang napaupo sa sahig. Nako, lagot talaga ako nito. Naghihinala na nga si Demi sa mga kilos ko tapos iyong ginawa ko pa kanina. Lalong magtataka ang mga iyon sa akin e.

Halos maputulan ako ng hininga at malakas na napasinghap noong bumukas ang pinto at ang seryosong mga agents ang bumungad sa akin. Kasama pa sina Boss, Tita Brenda at si Mamita Rosa. 

Boss: "Snow, I'd expect you to say what you know right now. Hindi ko na kailangang i-utos pa iyon."

Ang kalmado nito magsalita pero mararamdaman mo ang takot at ang awtoridad sa boses nito, hence he's our Boss Dominic.

Wala na akong kawala kaya kailangan ko nang mag-salita. Sinabi ko naman kay Belle na kapag napahamak siya ay magsasalita na ako. At sa nangyayari ngayon, talagang nako-konsensya na ako.

I told them all I know. Including our secret mission.


End of PoV

Belle's PoV :

Dalawang bahay ang pagitan noong pinagparadahan ko ng sasakyan mula sa bahay na hinintuan ng sasakyan ni Joseph. Dahan-dahan akong lumabas ng sasakyan at naglakad papunta sa bahay at pinakikiramdaman ko rin ang paligid, baka may tauhan si Jerome na sinusundan ako.

Nakita kong pumasok si Joseph sa malaking gate ng malaking bahay na iyon, I saw a glimpse of his face and I know for sure, that something is going on. May sinabi siguro ang magaling niyang amain sa kanya, maybe he threatened him.

Nilakasan ko ang loob kong pumasok sa loob. Noong may dalawang tauhang nakakita sa akin ay binaril ko agad ito, gamit ang baril na may balang hindi nakakamatay pero nakaka-paralisa ito ng katawan at agad silang nawawalan ng malay. Nilagyan ko rin ng silencer ang baril ko kaya walang nakarinig ng pagputok nito.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon