chapter 3

6 0 0
                                    

WANTED:FOREVER KO
BY:lr_mac21
CHAPTER 3

Ilang araw na ako dito sa d'ertin montefalco academy at ilang beses na akong napapagtripan ng d'iriel na yun. Tinitiis ko kahit na inis na inis na ako syempre para kay inay ito kaya i would sacrifice anything.

nakatayo ako ngayon sa harap ng classroom namin. Kinakabahan nanaman ako dahil paniguradong pagtitripan nanaman ako ng d'iriel nay un.

Pinihit ko ang doorknob at humakbang sabay pikit.

Nag hintay ako ng ilang sandali pero wala namang kung anong bumuhos saking likido ngunit napuno ng tawanan ang aming klase.

Binukas ko na ang aking mata at agad tumungo sa upuan ko.

Sanay na akong mapahiya sa ilang araw ko dito. Nginitian ko nalang sina shane at kim para malaman nilang ayos lang ako. Napakabait ng dalawang yan at lagi nila akong tinutulungan. Si shane nga, ilang beses ng naki usap sa kuya niya na tigilan na daw ako ngunit kahit ang kuya niya wala daw magawa. Ganun ba talaga kataas at kinakatakutan si d' iriel? Sabi ko naman kay shane na hayaan niya nalang at never akong mag papatalo dun sa lalaking yun. Humanda talaga sakin yun kapag nakita ko. Dumating na ang aming guro at nagsimula ng mag turo.

Habang nasa kalagitnaan kami ng lesson sa hindi inaasahan, biglang tumunog ang celphone kong nokia na dipindot. Shit! Napatingin naman saakin lahat ng kaklase ko at nagtawanan.

"Shut up class! Ms. De Vera! Stand up and give me your celphone! How many times did i tell that cellphones are not allowed when there is class!" sigaw ng aming guro. Hays naman! Binigay ko sakanya yung celphone ko habang nag riring parin.

"ohwwwwww!!!! Ms. Target! Hindi ba uso ang mag napkin?" sigaw ng kaklase naming lalaki at nag tawanan nanaman ang mga kaklase ko. Ano nanaman ba?

Napkin? Tinuro nila ang pwet ko at agad namang nglaki ang mata ko. Shit!

Napatingin ako dito at meron nga!

Agad namang tinakpan ni shane ng jaket yung pwetan ko at ipinaalam ako ni kim sa aming guro.

Sinamahan na ako ng dalawa kong kaibigan sa cr, at binigyan ako ng napkin.

Pagtingin ko, wala naman. Sa pagkaka alala ko, kakatapos ko lang. Tiningnan ko ang palda ko, hinawakan ko ang parteng may pula at napagtanto ko na kung ano to. Kakainis!! Pintura lang pala! Paniguradong si d'iriel nanaman ang may gawa nito. Lumabas ako ng cr at nakita ang mga nag aalalang muka ni shane at kim.

"kamusta ka na ysabela? Ok kalang ba? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong sa akin ni kim.

" aba oo naman, ako pa ba? Hahaha! Tsaka wala naman talaga akong tagos, pintura lang pala yun na pula. Sigurado akong si d'iriel nanaman ang may gawa nito! Tss... hintayin niya ang talaga! Gagantihan ko siya!" sabi ko sakanila

"ysabela, sorry kung wala akong magawa hah! Kasi si kuya ayaw kausapin si d'iriel e" sabi ni shane.

Ngumiti lang ako sakanya at sinabing ok lang. Bumalik na kami sa classroom at saktong 1 minuto nalang bago mag break.

Dumiretso lang kami sa canteen at as usual sa akin nanaman nakatingin ang lahat. Marahil dahil ako ang target ng kanilang panginoon. Tss.. sumasamba pala sila ng devil. Buti pa ako si lord lang ang nag iisa hahahaha.

Nagprisenta na ako na ako na ang kukuha ng pagkain. Dito kasi, libre lang ang pagkain at pipila ka nalang para kunin ang gusto mo.

Pagkakuha ko ng tray, paalis na sana ako ng tawagin ako ni ate dahil nakalimutan ko pala yung isa pang tray. Ngunit, dirediretso lang ako kaya may nabanga ako. Natapon sa damit nito ang juice at cake na inorder ko. Napatingin naman ako sakanya at laking gulat ko na si d'iriel pala ito.

WANTED: forever koWhere stories live. Discover now