"Sigurado na bang hindi na nila tayo nasundan dito Awen?" Ang nag-aalalang tanong ng babae sa kanyang tagapangalaga.

"Hindi pa po nagkamali kahit minsan ang aking pang-amoy mahal na Reyna. Base sa aking pang-amoy ay aabutin pa sila ng dalawang araw bago pa nila tayo matutunton dito sa kinaroroonan natin. " Ang paniniguro ni Awen kay Reyna Baguinua, ang asawa ng nababaliw na hari ng Elitheria.

Nais patayin ni Haring Khalil ang kanyang bagong silang na anak dahil na rin sa propesiya ng mga Mangagaway at Babaylan na ito ang magpapabagsak sa kaharian at magiging dahilan ng kanyang kamatayan.

Dahil sa sobrang pagmamahal at pagkaganid sa katungkulan bilang hari ng pinakamakapangyarihang kaharian sa buong Murcia, ay ninais ni Haring Khalil na patayin ang sariling anak pagkasilang pa lamang nito.

Pero iniligtas ng kawal na si Jaed ang Sanggol at ang Reyna Baguinua. Itinakas niya ang mag-ina kay Haring Khalil para hindi niya mapatay ang bagong silang na sanggol. Napagkasunduan nila na dadalhin ni Reyna Baguinua ang kanyang anak kay Mariang Makiling na kanyang kapatid at diwata na nangangalaga sa kabundukang sakop ng Makiling sa Mundo ng mga tao.

Ang Eudhoria ay bahagi ng pitong kaharian sa Murcia na kung saan pansamantalang nananahan si Mariang Makiling. Ito ay nakapaloob sa ikatlong mundo, ang dimensiyong sumasakop sa mundo ng mga elemental at iba pang mga anak- lupang nakatira sa kagubatang sakop nito. Ang ikatlong mundo ay ang tinatawag nilang Sinukluban.

Sa mundo ng ikatlong dimensiyon ay iba't-ibang klase ng nilalang ang nakatira rito. Mga walang kasing-bangis na nilalang na gumagala sa mga lupa at tubig, maging sa himpapawid. Mga iba't-ibang uri ng mga elemental ang namumuno at sumasakop sa mga kabihasnang itinayo ng mga sinaunang mga pinuno o mga elders. Pero napalitan sila ng mga tinatawag na hari at bumuo ng kani-kanilang kaharian sa Sinukluban.

Walang lugar ang mga mahihina sa mundong ito. Lalo na ang mga mortal o ang mga tao. Bagamat isang taong mortal si Haring Khalil, tinulungan naman siya ng Diwatang si Magayon para magkaroon ng kapangyarihan at maging isang imortal sa pamamagitan ng pagsalin ng dugo ng diwata sa kanya. Nang dahil sa dugo ni Magayon ay nagkaroon ng kapangyarihan si haring Khalil na naging dahilan para lumaki ang ulo nito at maging ganid sa kapangyarihan. Upang madagdagan ang kapangyarihan ay umanib siya kay diyosang Bulan na hindi nalalaman ang noo'y prinsesa pa lamang na si Baguinua na siyang kasintahan niya.

Pero iba ang naging kapalaran ni Khalil sa mga mortal na nakarating sa Elitheria nang ikasal sila ni Prinsesa Baguinua. Nakuha niya ang loob ng mga taga-Elitheria at naging dahilan para gawin siyang kauna-unahang tao na pamumunuan ang kaharian ng mga diwata. At iyon ay sa tulong ni Prinsesa Baguinua na ngayon ay ang Reyna ng Elitheria at asawa ni Haring Khalil.

Naging palalo at sakim ang hari lalo na ng nabigyan siya uli ng kapangyarihan ng diwatang si Magayon. Si Magayon na labis ang galit sa mga mortal na tao, pero nagbago ang lahat ng iyon ng makilala at magkaroon sila ng relasyon ni Haring Khalil.

Kapalit ng pag-ibig ay ang kapangyarihang kaloob ng diwata sa hari na huli na ng malaman ni Reyna Baguinua ang relasyon ng dalawa. Si diwatang Magayon ang kumokontrol sa isipan ng kanyang asawa, kaya nagbago ito't tuluyan ng nabaliw.

Dumidilim na ang paligid sa loob ng masukal na kagubatan. Nakaupo si Reyna Baguinua sa isang napakalaking ugat ng puno ng Guian na nakausli sa masukal na lupa ng gubat. Hawak ang natutulog niyang anak ay nakapako ang kanyang mga mata sa mukha ng sanggol. Maingat niyang hinahaplos ang pisngi ng kanyang anak at nangingilid ang mga luha sa mga mata na baka iyon na ang huling pagkakataong masilayan at mahawakan ang anak.

Hinalikan niya ang noo ng sanggol at napapikit habang pinipigil ang kanyang sarili na huwag maiyak. Pero naputol ang mga tagpong iyon nang lumapit sa kanya si Jaed ang pangalawa sa mga tagapangalaga niya.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now