[27] New Life With A New Love

Magsimula sa umpisa
                                    

"Chloe..." I called out weakly.

She smiled sarcastically. "Wow. Nakauwi ka na pala?"

Tumingin ako kay Dustin. Tinanguan niya ako. I gave him a slight smile.

"Yeah, I came back 2--"

"Kaye Anne!"

Nagulat ako nang iwasan niya ako at inakbayan si Kaye Anne. Medyo napaatras pa ako kasi sinadya niyang banggain ako. Who would have not get mad at me, of course!? I've been acting such a b*tch to them for the past months.

"Kaye Anne, namiss kita."

A sigh escaped my lips. "Chloe, gusto kitang makausap. May ipapaliwanag ako pero hindi dito."

Lumingon siya sa akin. Nakataas pa rin ang isang kilay. "Wala akong oras--"

"Chloe naman! Magpapaliwanag nga siya eh!" Singit ni Kaye Anne.

Chloe rolled her eyes. "Oo na! Oo na! Bawal mag-inarte kagaya niya?"

Sunod-sunod na sermon ang natanggap ko kay Chloe pagkatapos kong magpaliwanag sa kanya. What I told her was as same as I told Kaye Anne. Si Dustin, nagpaalam muna na pupunta sa isang Sport's shop. We need a time to have a girl talk nga naman daw.

"Mali pa rin ang ginawa mo. Kaibigan mo ako. Pinsan mo siya. Nakalimutan mo bang best of friends tayo?"

"Fine, I'm wrong. Gusto ko lang namang tumayo sa sarili kong paa. I don't want to rely on you again... Lagi nalang ako--"

"Blah! Blah! Blah! Tama na," putol niya sa akin. Napailing nalang tuloy si Kaye Anne. "Lumayo ka na nga tapos iiwasan mo pa kami? Sabihin mo nga Gail, tama ba yun?"

I sipped on my fruit shake and turned my head down. I have nothing to defend myself. They're all right.

"Tapos, hindi mo pa nasabi na magiging Top endorser ka? At eto pa ah! Nagpose ka ng bareback mo sa highway. Por Dios!" Chloe hysterically added.

Natawa naman si Kaye Anne. "But what's coolest among your ads is... yung kasama mo ang Big Bang! Kyaaah!"

At ayun, mukhang nagiba na ang pader sa pagitan naming tatlo. I could now breathe properly... At least, hindi na sila galit sa akin. That fast. Thanks heavens!

"Geez! T.O.P yun! Anak ng! Ganda mo, sissy! Ba't 'di mo tinuloy yung halikan?!"

I giggled remembering the actual scene. "I wish I could. But that's what written on the script."

Hinampas naman ako ni Kaye Anne. "Gwapo ba si GD ha???"

"Lahat sila gwapo," tumingin naman ako kay Chloe. "As well as Taeyang..."

"Shemay! Iniwasan mo pa kasi ako non eh! Edi sana, naki-sneak in ako dun sa shooting n'yo!"

Medyo nagtagal din kami sa cafe' na pinagtatambayan namin. We talked about a lot of things. Hindi ko na nga namalayan na isang oras na rin pala kami dun sa cafe'.

"Hindi ba nakakahiya dito? Ang tagal na natin nag-i-stay dito," Kaye Anne whispered to us.

"We're eating. What's wrong with that?" I commented and turned to Chloe. "How was the honeymoon? Did it go well?"

That made her cheeks blushed. Okay, I think I hit a sensitive part.

"Ayos naman," she replied.

"Ayos ka rin, Chloe eh! Hindi ka man lang nagsabi na nandito ka na pala. Kailan ka nga pala nakabalik?" Kaye Anne asked while eating her sansrival.

"Last weekend pa. Actually, napaaga ang uwi namin kasi..."

"Kasi...?" Sabay na tanong namin ni Kaye Anne. Weird... Why does she look so bothered?

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon