Epilogue

225 11 1
                                    

Epilogue

After 5 years

"A band named Starlight will have their 2nd world tour concert next month! What are you waiting for? Grab your tickets now!" Pinatay ni Aiden ang TV kung saan binabalita ang concert ng kanyang banda at prenteng umupo sa kanyang sofa, binuksan niya ang cellphone niya at bumungad sa kanya ang wallpaper niyang litrato nila ng kanyang minamahal na si Krishna.

"You wanted me to be successful, right? We're succesful now." Ngumiti ito habang nakatitig sa kanyang cellphone na para bang si Krishna talaga ang kanyang kinakausap.

Nakarinig siya ng yabag mula sa hagdan kaya tinignan niya ito. Ito ang kanyang ate Chyree, nakasuot ito ng kulay puting bistida na hanggang ibabaw ng kanyang tuhod ang haba.

"Hindi kapa magbibihis?" Tanong ng kanyang ate.

"Magbibihis na." Sagot ni Aiden, mabigat ang katawan nitong tumayo mula sa kanyang inuupuan at nagpunta sa kanyang kwarto.

Nang mabalitaang uuwi na ang kanyang kaisa-isang minamahal na dalaga ay samu't-saring pakiramdam ang nadama ng binata.

Limang taon na ang nakalipas, ngunit wala paring nagbabago sa nararamdaman nito para sa dalaga. Mahal na mahal niya parin ang ito. Wala siyang pinalampas na araw para hindi sabihin rito kung gaano niya ito kamahal at kung gaano niya itong kagustong makita muli. Ilang taon siyang nagtiis sa isang beses sa isang buwan nilang communication dahil sa nagpapagamot nga iyong dalaga.

Suot ang kanyang suit na kulay itim ay umalis na sila ng kanyang ate lulan ng kanyang sasakyang pinag ipunan niya simula noong sumikat ang kanilang banda.

Sa loob ng limang taon ay marami na rin nagbago, iyong mga bagay na hindi mo aakalain mangyari ay nangyari. Mahirap man paniwalaan ay pumayag ang mga magulang ni Aiden na tuparin ang kanyang pangarap. At ngayon, ito na ang pinaka-sumusuporta sa kanya hanggang sa sumikat ang pinapangarap nitong banda. Nakatapos siya ng pag-aaral at gano'n rin ang mga ka-banda niya ngunit mas pinagtuonan nila ng pansin ang pagbabanda. Dumami ang umiidolo sa kanila hanggang sa umabot ang kanilang kasikatan hanggang sa ibang bansa.

Nang makapunta sila ng Amerika ay hindi mapakali noon si Aiden, bukod sa napakalaki ng bansa ay hindi niya pa alam kung nasaan doon ang kanyang kasintahan. Hindi na rin ito nagpaparamdam sa kanya noon kaya hindi niya maitanong. Miski ang kuya ni Krishna na si Silas ay di niya rin macontact. Oo nga't sikat siya ngunit hindi parin siya masaya dahil kulang parin. Dahil wala pa rin si Krishna.

"Ibibigay mo ba talaga 'to, Aiden?" Tanong ng kanyang Ate Chyree na nasa passenger seat nakaupo habang hawak iyong regalo ni Aiden kay Krishna.

Isa iyong babasaging garapon na naglalaman ng mga maliliit na makukulay na papel, sinusulatan 'yon ng happy thoughts ni Aiden para sa kanilang dalawa ni Krishna.

Naka-park na sila sa tapat ng bahay nila Krishna sa probinsya, bukas na bukas ito dahil sa madaming bisita ang dumating para salubungin pabalik ang dalaga.

"Limang taon kong ginawa 'yan, she'll love it." Sagot ng binata habang nakatingin ng diretso sa labas.

"But Aiden—"

"No buts, I'll give it." Mariin na tugon ng binata. Hindi na umimik pa ang ate niya at inilapag na ang regalo ng binata sa sasakyan.

"Mauuna na ko sa loob, sumunod ka nalang kung gusto mo." sabi ng kanyang ate. Hindi tumugon ang binata kaya lumabas nalang si Chyree at pumasok na sa bahay nila Krishna.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ni Aiden habang nakatitig parin sa labas. Naroon ang pamilya ni Krishna pati na ang mga kaibigan nito. Ang mga babae ay nakausot ng puti, kagaya ng sa ate niya at iyong mga lalaki ay mga nakaitim. Ngumiti ng mapait ang binata.

Like A Star || bbh x kty (SS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon