Chapter 23

87 15 1
                                    

Chapter 23

Aiden's

As I came home, naabutan kong wala nanamang tao sa bahay. Hindi naman talaga nagkaron ng panahong mabubuo kami sa bahay na 'to dahil wala naman silang ibang inisip kundi ang magtrabaho.

Simula bata palang, ganoon na si mama at papa, they didn't even bother to look over me and ate. Si ate Chyree lang ang nag-alaga sakin simula bata palang. She's 2 years older kaya siguro naman alam niyo kung gano kahirap ang pinagdaanan namin noon.

But as the years pass by, ganoon rin ang nangyari sa kanya. Natulad siya kina mama at papa, wala na rin siyang pakielam sakin. And they even told me to study hard for my future. Noong nalaman nga ni mama na gusto kong bumuo ng banda, nagalit siya. Wala raw kasi akong mararating sa pagbabanda. But then, nang magtransfer ako sa Everdeen, nagawa kong suwayin ang gusto nila. Bumuo ako ng sariling banda. Sinunod ko ang gusto ko.

'Nung oras na 'yun, naisip ko na kahit hindi ko nakuha 'yung babaeng gusto ko, nakuha ko naman 'yung matagal ko ng pinapangarap.

Kaya naman nang makabuo ako ng banda, naisip kong pangalanan itong Starlight. Dahil bukod kay Krishna, ang magkaroon rin ng banda ang isa sa hiniling ko sa mga bituin. It sounds cringy but the hell I care.

Nahiga ako sa kama nang makapasok ako sa kwarto at pumikit ng mariin. Natuyo na iyong mga damit kong nabasa kanina ng ulan at ganon rin ang buhok ko.

Hindi ko aakalaing kung kelan maabot ko na si Krishna saka nanaman kami pinaglayo ng tadhana.

Hindi ba talaga kami ang para sa isa't-isa? Bakit kami pinapahirapan ng ganito? Ang sakit sakit na.

Nagriring ang cellphone ko kaya sinagot ko kaagad ito nang hindi manlang tinitignan kung sino ang tumawag.

"Hey..." kumunot ang noo ko sa narinig na tinig mula sa kabilang linya.

"Wag mo na kong tatawagan ulit, Eumee." Giit ko rito, hindi ko na siya hinayaang sumagot pa at pinatayan ko na ito ng tawag.

Masyado ng magulo ang isip ko para pakinggan pa ang paliwanag niya.

We often met nang lumipat ako ng Everdeen, nagkikita kami sa bar ayun lang. Kaya di ko maintindihan kung bakit sunod siya ng sunod sakin at ngayon ay tatawagin niya pa kong babe sa harap ni Krishna.

Ngunit hindi ako makapaniwalang naniwala ako sa mga kasinungalingan niya. Kay Krishna dapat ako nagtiwala noon. Bakit ba ko naging isang malaking tanga?

Nananatiling sariwa sa mga alaala ko iyong mga kasinungalingan niya tungkol kay Krishna...

Nanginginig man ang kamay ko'y tinawagan ko parin si Krishna upang kumpirmahin iyong litratong nakaipit sa composition book. Litrato kung saan naroon siya na may kasamang ibang lalaki.

Selos ang una kong naramdaman nang makita ko iyon at sinundan ng galit dahil pakiramdam ko'y tinraydor ako ng taong pinaka-pinagkakatiwalaan ko. Ngunit pumasok rin sa isip ko na maaaring kaibigan niya lang iyon.

"Krishna..." nanginginig kong sabi nang sagutin niya ang tawag

"Aiden? Napatawag ka ata" Napatigil ako nang marinig kong si Eumee ang sumagot. Tinignan ko ang screen ng phone ko at nakitang siya pala ang natawagan ko at hindi si Krishna.

Like A Star || bbh x kty (SS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon