Chapter 29:

19.6K 371 2
                                    

HUminga siya ng malalalim saka kumapit kay Kirro ng makakababa na sila sa sasakyan napagod siya sa biyahe kahit dalawang oras lang naman , Cebu to Manila.

Hinapit ni Kirro ang bewang niya saka siya marahan na hinalikan ang nuo niya kaya napangiti siya.

"Kaninong bahay ito?"takang tanong niya ng igayak siya nito papasok sa loob.

"My parents, agapi mou."kumabog ang dibdib niya sa narinig.

"They like you kung iyan ang inaalala mo."saka siya nginitian nito..

Pagkapasok pala nila ay may dalawang tao kaagad ang bumungad sa kanya parang gusto na niyang tumakbo at sa tingin niya ay namumutla na talaga siya sa kaba.

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Kirro sa kamay niya kaya napatingin siya dito saka niya itong binigyan ng pilit na ngiti.

"Oh my Kirro you here siya naba?"sumalubong ito ng yakap kay Kirro na ginantihan naman ng yakap ang kanyang ina pagkatapos ay bumaling sa kanya naiilang siya sa ginagawa nito pag kuway umiwas na siya ng tingin.

Na bigla siya sa ginawang pagyakap nito sa kanya at hinalikan ang pisnge niya.

"Your a perfect for my son hindi ako makapaniwala na ikaw ang dahilan kaya hindi na tuloy ang kasal nila ni Yleena and I don't like her for my son, Lane right?"tumango siya dito at magaan na nginitian ang ginang.

"Sayang at hindi ka tumuloy sa kasal nababaliw ang anak ko ng malaman na naglayas ka dahil sa arranged marriage but all of that kayo parin.So bakit pala na pauwi kayo dito ng walang pasabi edi sana nakapaghanda man lang tayo."wika ng ama nito.

"Biglaan Dad saka mamaya na namin sasabihin kung bakit pagod pa kami sa biyahe pagpahingain na muna natin si Lane."aniya ni Kirro dito.

Ngumiti na lang siya sa magulang ni Kirro ng lagpasan na namin sila.

***

NAkaramdam na siya ng gutom at kakagising palamang niya samatalang si Kirro ay natutulog parin.

Nag ayos na muna siya bago lumabas ng kwarto.Naglalakad siya pababa ng hagdan ng makasalubong niya ang Kuya ni Kirro na may kunot-noong pinagmamasdan siya saka ito lumapit sa kanya.

"Dumating na pala kayo kamusta ang biyahe, Lane.?"panimula nito.

"Ok lang naman.Alam kung hinahanap mo siya." Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mata nito at lungkot tinapik niya ang braso nito at binigyan ng magaan na ngiti.

"Hindi pa huli ang lahat tingnan mo kami ni Kirro kahit may nangyari hindi magandan hindi siya sumuko sakin at napatawad ko siya kahit na hindi naman niya intensyon na gawin iyon."

"Sana katulad mo siya pero alam kung hindi dahil subra ko siyang nasaktan."mapait na saad nito.

Malungkot siyang ngumiti dito."Kayanin mo."saka niya itong iniwan.

Pumasok siya sa kusina nakaramdam na talaga siya ng gutom ng biglang pumasok ang Ina ni Kirro.

"Oh,Lane nandito kapala nagugutom kanaba?"tanong nito sa kanya.

"Opo."mahinang sabi niya. Naglabas ito ng pagkain galing sa ref at pinasok sa oven para initin.

"Alam mo bang ikaw ang babaeng bukang bibig ni Kirro nong college days pa niya nakakatawang isipin my baby is now a real man.Nakita kung paano siya masaktan at umiyak ng parang bata nong umalis ka dahil para sa kapakanan mo daw at ekwento niya narin tungkol sakin ang balak ni Yleena hindi ko akalain na magagawa niya iyon."

Nagulatang siya sa narinig pero napangiti siya.Si Kirro pala ay hindi nagtatago ng sekreto sa kanyang ina may nalaman na naman siya tungkol dito kakaiba ka talaga, agapi.

Nang tumunog na ang oven ay pinaghanda siya nito ng pagkain sa plato.

Ang sweet ng Ina ni Kirro at napaka swerte nito.

"Kain kana alam kung napagod kayo sa biyahe kaya kumain kana para naman bumalik ang lakas mo."ngumiti ito at hinaplos ang buhok niya.

"My baby boy may iba ng kinababaliwan at napakaganda naman kasi ng bumihag sa puso ng anak ko."namula siya sa narinig dito.

Panay kain lang siya habang pinagmamasadan siya nito.

"Bakit biglaan ang uwi niyo?"takang tanong nito kahit may kunot-noo ito hindi parin nawawala ang ganda ng ina nito.Nakuha ni Kirro ang features ng ina pero ang ama nito ay ang mata na kulay asul.

Paano niya ba sisimulan.Uminom muna siya ng juice saka siya nagsalita."Nalaman na po kasi ni Kirro ang tungkol sa anak po namin dadating na po kasi si Kirra sa Friday."

Mabilis itong tumakbo palabas kaya sumunod siya narinig niya ang pagtitili ng ina ni Kirro.

"Love! Love! My apo na pala tayo!" Sigaw nito.Humahangos na lumabas ang Daddy nito pati si Kirro na tanging boxer lang ang suot at gulo-gulo pa ang buhok nito nagising yata dahil sa lakas ng boses ng ina.

Nangmakita nito si Kirro ay nakatanggap ito ng sapak galing sa ina at maluluhang yinakap nito si Kirro na kaagad naman pinatahan.

"Stop crying , Mommy."saka nito pinahid ang luha nakita niya ang ama ni Kirro na may ngiti sa labi nakita na naman niya ang soft side ni Kirro sa magulang.

"Bakit di mo kaagad sinabi anak na may apo na kami."ani ng ama ni Kirro saka marahan na hinila nito ang asawa sa bisig ni Kirro at ito na ang pumalit sa pagkakayakap.

Sumingit na siya sa pag-usapan nila."Ano po kasi bago niya lang nalaman hindi ko sinabi na buntis ako nong umalis dito sa Pilipinas kasi akala ko hindi niya ko mahal kaya po ganon po ang nangyari, sorry po." Napayuko siya na kaagad naman inangat ni Kirro at ngumiti sa kanya.

"Its ok we undertand gusto ko ng makita ang apo ko!."bakas sa mukha ng ina nito ang excited.

"I can't wait to see my daughter too."mahinang bulong nito sa punong tenga niya.

Nagring ang cellphone niya na kaagad naman niyang kinuha..

Si Ree ang tumawag.

Ni loudspeaker niya iyon para marinig nilang lahat nakita nga niyang napahinto ang kuya ni Kirro sa paglalakad.

"Hello?"ngumiti siya kay Kirro.

Nakarinig sila ng bungisngis ng tawa bago nagsalita si Kirra.

"Mommy!"tili nito sa kabilang linya.

Napaka kulit talaga nakita niya ang pagsihap nila pero hinayaan na lang niya ang cute kasi ng boses ng anak niya at hindi pa nakikita ni Kirro ang picture ng anak nila.

"Yes baby?"

"I miss you Mommy. I can't wait to see you.."narinig niya ang paghikbi nito na ikinabasag ng puso niya.

"I miss you too, stop crying baby ok hindi na kita iiwan promise ni Mommy iyon, makikita mo narin si Tita ganda ok."

Ngumiti siya sa kanila.

"Mommy, makikita ko na ba si Daddy?"lumingon siya kay Kirro na bakas sa mukha ang saya ng marinig ang tanong ng kanyang anak.

"Yes baby, hindi lang si Daddy marami ang nag-aabang sayo na makita ka ok."

"I miss tita ganda."mahinang saad nito.

"Miss ka na din ni tita Leigh mo ok kaya sleep kana dahil biyahe niyo pa mamaya."

"I love you ,Mommy."

"I love you too baby. Mahal ka namin ni Daddy."

Binaba na niya ang tawag bakas sa mukha nila ang saya na marinig ang boses niya.

"Ano pala pangalan ng apo ko?"tanong ng ina ni Kirro.

"Kirra Lane Fortalejo Villaluz."sabay na sabi namin ni Kirro.

***
Ms_shandria

Social Media Accounts.

FB:Sheandra Drilon Gevero

IG: Shasha_0109

Twitter: seandra09gevero

Villaluz Series 1:The Run Away(Completed)  Where stories live. Discover now