The Truth

6 0 0
                                    


Ang totoo niyan, after all this time, that's still how I imagined everything happened. Lakas din ng imagination ko 'no? 

I'm wondering now all the what-ifs. Paano kung pumunta ako sa high school reunion namin, would things between Daniel and I happen that way? Batangas? Spending time with my imaginary adopted daughter? Kung naglakas loob ba 'ko na sabihin lahat ng gusto kong sabihin, magkakaroon din pa kaya ng sparks at hindi restraining order? 

I've been in therapy. Hindi ko kinaya yung mga pangyayari sa buhay ko and somehow, I've been hopeful that things like this really did happen. Unfortunately, the reality is this:

My name is Ana Ivory Villanueva, and I am a drama queen. 

Never ko na ulit nakita si Daniel after graduation, kahit nung high school reunion. My last memory of him is a hug after the ceremony, yung tipong walang ibang tao sa paligid at halos kami lang yung nandun. Hanggang ngayon, pakiramdam ko tuloy, gawa-gawa ko lang yun. 

Hindi ako naging writer. Not yet, anyway. Hindi rin ako nag-adopt because realistically, I can't provide for myself let alone another human being.

But the good thing is, buhay pa rin yung tropa. Hindi ba ito naman talaga yung punto ng high school? It's not about your first love or your first relationship. It's not about the drama you set up for yourself or the high standards you try to achieve to make it a memorable experience. Ang high school ay para sa lifetime friends. Hanggang ngayon, hindi man kami laging nasa capital tambayan namin (dahil honestly, tambayan na siya ng nagbebenta ng lobo at ice cream), hindi pwedeng hindi kami nagkakasama. Kahit gaano pa katagal ang lumipas, nagkapamilya man kami o busy sa work, nag-abroad and what-not, it's a promise. 

Hindi ka sawi sa kaibigan. Yan ang forever mo. 


Officially signing off (for now),

Miss Ana Ivory Villanueva

The Drama Queen ConfessionsWhere stories live. Discover now