4-Nung uso pa ang YM

100 1 0
  • Dedicated to Arces Talavera
                                    

Chapter Four

Hindi ko matanggap na mukhang matutulad nanaman 'to sa nakaraan. Hindi ko na talaga kaya na mawalan pa ng isang taong napakahalaga sa'kin. Tama na!

Ivy_16: Arudo.

DanielArudo: bkt

Ivy_16: seryoso ka ha

DanielArudo: makipag-usap ka sa sarili mo

Ivy_16: joke lng...for good na ba o bakasyon lng...?

DanielArudo: ayaw na nga ni mommy d2.

Ivy_16: ah.

DanielArudo: bkt b?

Ivy_16: wla. Nagtatanong lng nman.

DanielArudo: concerned...?

Ivy_16: ewan

DanielArudo: wehehe concerned yan

Ivy_16: mukha mo concern

DanielArudo: tlaga lng

Ivy_16: bhala ka nga

DanielArudo: eh di bahala na

Ivy_16: ...

Sana 'di na lang siya seryoso. Sana, sana, sana...pero naiinis na yan eh. Mukhang totoo nga. Naku naman, ba't ngayon pa?

Tinanong ko ng paulit-ulit yung sarili ko hanggang sa biglang may sumagot na.

Eh 'di masaya!

Bakit naman?

Pag sinabi mo na yung nararamdaman mo, ayos lang kasi aalis na din naman siya, 'di ba? At least, tapos na paghihirap mo.

Napaisip ako sa mga pinagsasasabi ng mga boses sa utak ko. May punto nga naman dahil paalis na din naman siya, ba't hindi pa nga ngayon? Ano pa bang tamang oras? At matatapos na rin naman ang taon.

"Tama nga, no? Tama lang ang oras ko..." ngiti ko sa sarili. At napatingin ako sa aking kanan at nakita ang larawan naming magkakaibigan. Naalala ko pa kung bakit 'to kinuha. Natawa na lang ako, eh dahil isa nanaman 'to sa mga napakamemorable na panahon sa buong high school life ko—bakit?

"Grabe, 'di ko yata kaya 'to. Miss ko na agad first year." Sabi ko kay Patty habang papunta kami sa may harap ng church na katatapos lang. Kakapatayo lang ng Fountain na ito last year pero ang ganda na agad nito.

"Oo nga eh. Miss ko na kayo nina Kayla."

Tumambay lang kami doon at nag-usap nung sumulpot na sina Sandra, Kris, Enzo, Cedric, Kayla, Dana, Cesar, Drew at Daniel. Nagkatuwaan kami dahil buhay pa rin ang first year na seksyon namin!

"Simula ngayong araw," dineklara ni Sandra, "dito tayo magkikita-kita!"

"Yes!" sigaw naming lahat. Kauumpisa pa lamang ng bago naming taon at 'di kami handa na bitawan pa lahat...sang-ayon kami na ipagpatuloy ang first year namin. Pero ilan lang ang natira at 'di lahat sa tropa namin ngayon ang dumalo sa mismong araw na iyon.

Eventually, dumating sina Jason, Jessica, Ian, Francis at Jan. Nawala na sina Sandra, Kris, Enzo, Dana at Drew. Paminsan tambay si Tristien pero bihira lang talaga.

Maliban kina Kris...nawala rin si Daniel. Nakabuo siya ng sarili niyang tropa pero kung saan kami tumambay andun din siya kaya parang parte pa rin namin siya.

The Drama Queen ConfessionsWhere stories live. Discover now