Ito ang dahilan kung bakit nagtatago kami madalas ni Timmy. Kung hindi halik, yakap o kurot sa pisngi, binibihisan nila kami na parang manika.

"Sammy, ipahiram mo na ulit sa'min si Tammy, please!" sabi ni Ninang China.

"Hindi pwede, may pasok siya," tanggi ni Mama. "Bakit may mini skirt dito?"

"Samantha naman, decent length 'yan," paliwanag ni Ninang Maggie. "Kasing haba lang 'yan ng school uniform niya. One inch above the knee."

"Strict parin ni Sammy," bulong ni Ninang Michie na hindi inaalis ang yakap sa akin.

"Sammy please, one day lang naman. Ipahiram mo na sa'min si Tammy," pakiusap ni Ninang Maggie.

"No means no, busy siya sa school niya. Kakaumpisa lang ng klase," paliwanag ni Mama.

Humiwalay na sa akin sa wakas si Ninang Michie. Nilapitan niya si Mama para siguro makiusap.

"Sammy, please? Please, please, please?" pangungulit ni Ninang Michie kay Mama. "Pleaaaase?"

"Hindi sabi pwede!"

"Kyaaa! Scary!"

Biglang tumunog ang doorbell namin. Mabilis akong tumakas mula sa kanila. Sa totoo lang, walang kaso sa akin kung hihiramin ako nina Ninang. Hindi naman ako ganoon ka-busy sa pag-aaral ko. Naituro na sa akin ni Mama lahat ng topics namin ngayon sa school. Kahit may ma-miss pa akong klase, hindi iyon makakaapekto sa akin.

Medyo nakakapagod nga lang ang mga ipinapagawa sa akin ng mga Ninang ko. Pero sa tuwing nagagawa ko nang maayos ang gusto nila, natutuwa ako. Siguro ito ang tinatawag na sense of accomplishment?

"Hello, Tammy! Willow is here!" bati sa akin ni Willow nang makita ako.

"Ah, Pillow."

Agad siyang sumimangot. "Willow! Willow, okay?!"

Binuksan ko ang gate at pinapasok siya.

"May bisita kayo?" tanong niya nang mapansin ang itim na kotse sa tapat ng gate.

"Mga ninang ko."

"OMG! Sina tita MCM!" kuminang ang kanyang mga mata.

Tita MCM?

Bigla siyang naluha. "Finally. Sa wakas masusuot ko na rin ang mga damit nila. I'm so happy!"

"Alam mo naman na may large size sila, diba?"

"Hmph! You don't understand me at all, Tammy. Ayokong masira ang image ng line nila kung isusuot ko 'yon sa chubby kong katawan noon. At bakit large? Medium lang, okay?!"

"How troublesome." Mas cute talaga siya noon.

"Shut up! Hindi mo maiintindihan dahil... dahil..." tinignan niyang mabuti ang katawan ko. "Wala kang alam Tammy, wala kang alam!"

Napabuntong hininga ako. My Saturday...

***

"Kyaaa! Bagay sa'yo!" natutuwang sabi ni Ninang Maggie.

Ipinasuot nila kay Pillow ang mga damit na hindi pumasa kay Mama. Isang itim na off-shoulder long-sleeves shirt at black and red mini-skirt. Si Pillow na ngayon ang bagong human sacrifice.

"Ang cute mo naman!" puri ni Ninang Michie.

"Thank you po! Hihihi!" masayang sabi ni Pillow.

"Tch." Hindi siya cute.

Malambot siya noon, ngayon hindi na. Cute ang cheeks niya noon, ngayon wala na. Nag-eenjoy talaga akong pakainin siya nang marami noon dahil kasing cute siya nang hamster kapag kumakain. Lalo na kapag napupuno ang bibig niya, lumulobo ang mga pisngi niya. Cute. Pero ngayon, wala na akong makurot sa kanya. Hindi na rin siya masarap gawing unan. Hindi na siya kasing laki ng polar bear.

High School ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon