"Oo nga promise!" Promise mo mukha mo! Ayan sana ang gusto kong sabihin pero baka mabuko kaya hindi ko maibulalas. Bahala na basta gagawin ko ang lahat ng kaya ko maibalik lang yung dating relasyon ng dalawa.

"Teka bakit ka nga pala andito." Tanong ko sa kanya at sabay tumingin sa t.v. dahil nanalo si Baby roman ko. 

" Wala lang gusto ko lang, wala din akong magwa sa bahay eh. Masama ba? atsaka tulungan mo ko sa assignment sa business math, bad trip kasi yang mga fraction na yan ba't pa kailangan pag-aralan."Pagrereklamo niya, ABM kasi ang strand namin at tatlo ang subject namin na connected sa math ngayon kaya halos dumugo na ang mga utak namin.

At ayun nga ang nangyari, nanuod kami ng wrestling tapos movie tapos nag-aral kami at ginawa ang mga assignment namin. Hindi naging boring kasi andaming kalokohan ang naiisip ni Pipoy. Buti nga at wala sila tita ngayon sa bahay dahil kundi nakakahiya ang ingay namin.

"Anong gagawin natin dito?" tanong niya sa akin dahil dinala ko siya sa kusina. Tapos na rin naman lahat ang assignment namin at medyo nastress ako kaya magbebake ako, ito rin kasi ang ginagawa kong outlet everytime na naii-stress ako bukos sa pagbabasa at pag gawa ng mga videos.

"Magbebake ako ng cake, tulungan mo ko?" sabi ko sakanya habang kinukuha ko na sa cupboard yung mga kailangan ko.

"Marunong kang magbake?"tanong niya sa akin na mukhang hindi makapaniwala.

"Oo, Self study. Madali lang naman eh promise." sabi ko sakanyang at tumayo na rin siya at sinimulan akong tulungan.

"Ang swerte ng magiging boyfriend mo Ichi." sabi niya bigla habang hinahalo ko yung dry ingredients siya naman ang nagtutunaw ng chocolates.

"Hah? bakit naman." sagot ko sa kanya at napangiti na rin just because of the thought.

"Bakit naman hindi? Tignan mo marunong kang magluto, ibig sabihin di mo siya gugutumin. Pangalawa kaya mong pagtanggol yung sarili mo, baka nga siya pa ang ipagtanggol mo kapag nagkataon. Tapos ikaw pa yung syota na trophy kumbaga, yung ipagmamalaki kasi walang maipipintas sayo. Yung mga kaklase nga nating lalaki ay naiintimidate sayo, tinanong pa nga nila ko kung paano kita naging kaibigan, sabi kasi nila gusto ka daw nilang maging kaibigan kaso nga ayun nahihiya silang i-approach ka at sobrang sophisticated mo gumalaw, mas babae ka pa daw sa mga babae nating kaklase." kung kanina ay napangiti ako ngayon naman ay medyo na-ilang ako dahil sa mga sinabi niya.

 I mean that's too much, siguro ayun lang ang nakikita niya for now but I promise I have flaws too. Tungkol naman dun sa mga kaklase naming lalaki, napansin ko nga rin na hindi nila ako ina-approach, most of the time yung mga babae ang nakakausap ko maliban kay Pat atsaka kay Ley.

"Talaga sinabi nila yun? well simula siguro bukas ay sisimulan ko na silang kausapin or pansinin, medyo nahihiya rin kasi akong lumapit sa kanila kasi baka akalain lumalandi ako. Alam mo naman kapag bakla tapos nakitang maraming kasamang lalaki ay malandi na hahahaha." Pageexplain ko naman, di ko na pinansin yung ' ang swerte ng magiging boyfriend mo' part kasi nga naiilang ako.

"Pwede mo silang lapitan o kausapin basta ako pa rin ang nag-iisang boy bestfriend mo ha." sabi nito at mukhang naninigurado.

"Oo naman Poy, kaw pa malakas ka sa akin eh." sagot ko dito at nginitian siya.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ko at nag-flash sa screen ang 'Superman' kaya ibig sabihin si Jeric ang tumatawag. Sinenyasan ko naman si Pipoy na siya muna ang gumawa ng ginagawa ko at agad ko namang sinagot ang tawag.Hindi na ako masyadong lumayo kasi si Pipoy lang naman ang nandito.

"Hello Superman?" 

"Hello boss babes?" sagot nito na nakapag hatid ng ngiti sa akin. Hanggang ngayon kung iisipin, too good to be true pa rin ito. Na may seryosong lalaki ang magkakagusto sa akin pero eto na eh, eto na talaga.

"Ba't ka napatawag?" 

"Wala lang namimiss ko lang yung boses mong napaksarap sa tenga ko." Hala ka! feeling ko ako ngayon si Hailee steinfeld dahil hindi lang butterfly ang nasa loob ko kundi ' whole damn zoo' hahahahahah 

"Tse! yung totoo kasi."

"Totoo nga po boss babe gusto ko lang marinig yung boses mo. Ano po bang ginagawa nyo." Para naman akong nagmumurang kamatis dahil dito pero sige I'll enjoy the moment.

"Nagbe-bake lang, kakatapos lang namin gawin yung mga assignment eh."  

"Hah sinong kasama mo jan?may kasama kang magbake at gumawa ng mga assignments mo?" sabi nito at medyo tumaas ang boses pero hindi naman tunog galit.

"Si Pipoy lang, pumunta kasi dito eh nagpatulong sa mga assignment." 

"Ahhh okay, sige tapusin nyo muna yang pagbe-bake nyo boss babe. Babye muna." Alam nyo yung boses ng contestant pag natalo sa contest? ganun na ganun yung boses niya. Ni hindi nga ko nakapagba-bye dahil binaba niya agad yung phine. Jusko sinabi ko nga ba eh.

"Sino yun?"tanong ni Pipoy pagkababa ko n cellphone, siya naman ay hinahalo yung cake batter. Agad kong kinuha yung panghalo at mula sa kanya.

"Hindi ganyan ang paghalo Poy titigas yung cake kapag sobrang marahas yung paghalo. Si Jeric yun."sabi ko sa kanya at ako na ang naghalo nung batter. pagkalaon ay inilagay na ko na iyon sa oven at umupo muna kami sa sala para makanuod.

"Kayo na ba ni Jeric?" tanong niya nang maka-upo na kami sa sofa."Hindi pa nga, siguro papatagalin ko pa. Ayaw ko muna di pa ko ready. Pero pag ready na ako at sinagot ko na siya, sasabihin ko agad sayo, Okay?" sabi ko sa kanya at binigyan si ng assurance smile.

"O-okay." Ngumiti din naman siya pero mahahalata mo naman na hindi yun totoo. "Teka lang Ichi magbabanyo lang ako." sabi niya sabay tayo at derecho dun sa banyo.

Biglang may kumatok kaya agad akong tumayo dahil baka sila tita na yun, sakto din dahil malapit ng matapos yung binibake namin.

"Hello boss babe!" So ayun nga nagkamali ako, si Jeric pala ang kumakatok at nakapang-bahay lang pero gwapo pa rin naman eh.




The Unexpected You (GayXBoy)Where stories live. Discover now