T.U.Y-9

2.6K 76 2
                                    


"Talaga ba bessy? Uwian na, nasayo na pala ang korona eh." Eksaheradang reaksyon ni Ley nang malaman nya yung tungkol sa panliligaw ni Jeric.

Nandito kami ngayon sa labas ng room, matatanaw mula dito ang dam at ang mga bundok kaso sa kabilang banda naman ay ang kalunsuran. Kitang-kita kung paano nahahati ang malinis at maduming hangin.

Wala kasi ang prof namin kaya napagdesisyunan muna naming tumambay dito. Nakakairita kasi ang ibinubugang lamig ng aircon masyadong peke mas maganda pa rin dito na sariwa at totong hangin, meron ka pang view na pangmalakasan.

"Pero bessy, sa Jollibee talaga at may kaharap pa kayong bata?" Tanong naman ni Pat.

"Wala naman kaso sa akin yun, tinanong lang naman nya ko kung pwedeng manligaw tsaka ayaw ko din nung masyadong effort baka masayang lang diba. Si tutuy naman busy sa pagkain yun kaya di kami inintindi." Medyo kinikilig pa rin ako pag naalala ko kung paano nya tinanong sa akin kung pwede ba syang manligaw. Hahahaha edi ako na malandi!

"Alam mo bang crush ko yan si Jeric nung highschool ako, ang galing kaya magsayaw nyan! Tapos ikaw pala ang kinahuhumalingan nyan! Langya, ganda ng bessy natin oh!" Saad ni Ley na nakatawa pa. Bwisit tong baklang to! Ang gwapo-gwapo kaso gwapo din ang hanap.

"Hahahahaha well, isa ata ito sa kapangyarihang taglay ng brilyante ng hangin! Hahahahaha eme eme lang." Pabiro kong sagot.

"Taray naman pala ni amihan hahahahaha makahiram nga ng brilyante kay danaya pero kidding aside bessy may gusto ka na din ba sa kanya? Kasi sya, tignan mo naman humaling na humaling sayo. Kung hindi nga lang sya gwapo malamang stalker ang tawag sa kanya kaso nga gwapo kaya ang tawag sa kanya secret admirer hahahaha." Sabi ulit ni Ley napansin ko namang tahimik sa Pat at nakatingin lang sa kawalan.

"Hindi ko pa alam. Sa tingin ko kasi hindi naman sapat ang pakiligin nya lang ako, you know? Ayaw kong magpadala sa bugso ng damdamin atsaka di pa naman sya officially nanliligaw eh, manliligaw pa nga lang diba! Malay mo naman maconfirm ko din pero for the mean time i-eenjoy ko muna yung "panliligaw" kuno nya tutal mukhang nageenjoy din naman sya eh" sagot ko naman sa kanya.

"Ay oh! Nasayo na talaga ang korona hahaha kung ibang bakla yan, sunggab agad ang mga beks pero itong lola mo pa-demure ang drama! Hahahaha." Saad nya ulit.

"Alam mo Ley minsan naiinis din ako sa ibang katulad ko, natin kasi parang priority nila yung tawag ng laman. Parang they're giving the society the reason para hindi sila respetuhin, para bastus-bastusin lang. That's one of the reason why I decided to be a youtuber, to break the stereotype, para patunayan na hindi lahat ng katulad natin ay ganun." Sabi ko out of nowhere. Tumabi ako kay Pat at pinagmasdan din kung ano  man ang tinitignan nya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumingin sya sa akin at ngumiti.

"Kaya idol ko tong bessy natin eh!" Sabi ni Pat na nagsalita na rin sa wakas.

"Truly! How to be you ba?" Pagbibiro ulit ni Ley at sabay sabay na lang kaming tumawa.

Pagkatapos nun ay pumasok na rin kami ng room dahil padating na ang susunod naming prof. Napansin ko din na panay ang titig ni Earl sa akin. Hinuli kong nakatingin sya sa akin atsaka ko sya nginitian para na din siguro pasasalamat kasi balak nyang tulungan nun si tutuy nung nawawala ito. May kabaitang taglay naman pala tong fuccboi na to. Pero agad din nyang inalia ang tingin nya sa akin at yumuko. Arte hah!

--------------------------------

"Good morning!" Bati ni Jeric pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom, nasa likod ko naman sila Ley at Pat. Sinenyasan naman ako ni Ley na hihintayin na lang nila ako sa baba at sumang ayon naman ako.

"Good morning din! May pasok ka pala ngayon." Tanong ko sa kanya, halata naman kasi nakauniform sya.

"Ah oo magkatabi lang tayo ng room, eto schedule ko oh hehe." Sabi nya at iniabot sa akin ang kopya ng schedule nya at kumamot pa ng batok.

The Unexpected You (GayXBoy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang