T.U.Y-1

5.9K 122 5
                                    

"Chain samahan mo naman ako bumili ng mga gamit ni tutuy, mabilis lang tayo promise" sabi ni tita sa akin, dahil bukas na nga ang umpisa ng klase.

"Sure tita, no problem po" sagot ko at pinatay na ang cellphone ko.

Pagkatapos magpalit ng damit ay lumabas na kami ng gate at naghintay ng tricycle.

"Chain dyan ka na sa likod dito ako sa loob." sabi ni tita ng may dumating na, pero may isa ng nakaupo sa loob at isa din sa backride.

"Ano ba yan ang sikip" sabi nung lalaki na naka fuccboi outfit na katabi ko dito sa backride.

Ano ba ang fuccboi outfit? Syempre hindi mawawala ang cap, yung t shirt na mahaba na akala mo ay duster na ng nanay mo, jogger pants pero minsan ay pwede ding ripped jeans at isang pair ng white a nike shoes na madalas ay class a lang naman.

 Di ko na lang pinansin dahil baka maging big deal pa.

"ayaw kasing umurong eh" aba puta, di na nga ako kumikibo, sumusobra na to ah.

" Edi sana nag taxi ka para maluwag." bulong ko, yung tipong gusto kong marinig nyang may sinabi ako pero ayaw kong maintindihan nya. Gets nyo?

"Bubulong-bulong kala  mo naman matapang." UTANG NA LOOB, BIGYAN NYO PO AKO NG MARAMING PASENSYA SA TAONG TO. KAPAG NAKAGAWA PO AKO NG KASALANAN DAHIL SA KANYA PATAWARIN NYO PO AKO PLEASE.

Nakarating na lang kami dun sa paroroonan namin na bwisit na bwisit ako at dun din sya bumaba ah

Pagkatapos nung tagpong yun ay pinalangin ko na lang na hindi ko na sya makakrus ng landas muli. Pano ba naman panira sya ng araw jusko.

"Aray!" Sa pinagkamalas-malasan nga naman oh.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh" fuccboi na fuccboi talaga magsalita.

"Edi sorry! Kala mo naman napilayan ka kung maka-react!" Beast mode na ko mga bessy. Punong-puno na ko.

"Tch." Sabi nya at nilagpasan na lang ako. Aba weirdo ang koya nyo.

"Chain tara na. Uwi na tayo, nabili ko na ang lahat ng kailangan." Sabi ni tita na walang kamalay-malat sa nangyayari. Pano ba naman bukod sa busy sya sa pamimili ay maingay din dito kaya ayun di nya napansin.

"Sige po tita." Pagkatapos nun ay nakauwi naman kami nh matiwasay. Thank God at di ko na siya muling nakita.

-----------------------

Naglalakad ako patungo sa bagong school na papasukan ko. Siguro may karapatan naman akong sabihin na naeexcite at kinakabahan ako dahil first day ito ng pagiging senior highschool ko. At oo inabutan ako nun, wala naman problema sakin yun eh kasi maski ako nakikita kong halos lahat ng kabataan ay hindi pa handa magcollege. Simpleng math o di kaya pag construct ng tamang grammar ay di magawa eh kaya siguro mabuti na rin ito.

"Hello po, goodmorning ate guard. Ito po ba yung building ng mga shs?" Masaya kong bati dun sa ate na guard. Dapat daw kasi sila ang una mong kakaibigan sa unang araw ng pasok para kahit wala kang i.d. ay papasukin ka nila.

"Oo dito nga iho." Nakangiti nya din sagot. Nakakahawa nga talaga siguro ang pag-ngiti.

Sabi sa reg card ko ay 5th floor daw ang room ko at nasa pinakadulo. Pero sa kasamaang palad ay walang elevator kaya eto ako ngayon nakapag leg work-out ng wala sa oras jusmiyo Marimar.

Andami kong nakakasalubong na mga shs din katulad ko, yung iba ay may mga kakilala na kaklase nila nung highschool pa na malabong mangyari sakin dahil sa kabilang ibayo pa ako nag highschool. Kakalipat ko lang kasi dito dahil nagtatrabaho na sa abroad yung mama at papa ko kaya dito kay tita nila ako pinagkakatiwala. Okay lang din naman sakin yun dahil bukod sa cool yung tita at mga pinsan ko, alam ko naman na para sa kinabukasan din namin yung ginagawa nila.

The Unexpected You (GayXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon