Chapter 18

1.4K 25 2
                                    

Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay kumain na kami ng dinner dahil nagugutom na daw si Silver.

"Baby sharap ng luto mo," ani Silver na puno ang bibig. Natawa ako sa itsura niya dahil mukha siyang limang taon na di pinakain.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko habang pinapanood si Silver. Ako na din ang nagpresintang maghugas ng mga pinggan para naman makapagpahinga siya pero nakipagkulitan lang siya sa 'kin sa kusina hanggang matapos ako.

"Baby ang lamig ng kamay mo," sabi ni Silver pagkahawak niya sa kamay ko.

"Malamig po kasi yung tubig mula sa gripo." Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Silver at ipinasok iyon sa likod ng t-shirt niya.

"Baby malamig!" Tinawanan ko si Silver at tinanggal ang nakapaloob na kamay ko.

"Tara na nga sa sala, nood tayo ng movie." Hinila ko ang braso niya hanggang makaupo kami sa tapat ng TV.

"Anong papanoorin natin?" Napaisip ako sa tanong ni Silver, wala pa pala yung hard drive ko dahil hiniram ni Maibe.

"Legend of the blue sea lang ang meron sa flash drive ko, okay lang ba sa'yo?"

"Ano ba 'yon?"

"Korean drama tungkol sa isang con-artist at sirena." Ginaya ko ang sinabi ni Charlene sa 'kin n'ung tinanong ko rin 'yon.

"Ah, okay. Tara simulan na natin."

Inayos ko muna ang pagpapanooran namin bago tumabi kay Silver sa sofa.

Nakatapos kami ng tatlong episodes pero kalahati lang ata ang napanood ko. Si Silver naman kasi ang kulit kulit, hila siya ng hila sa 'kin papunta sa kaniya, wala naman ng space sa pagitan namin kaya ang resulta, nakakandong tuloy ako sa kaniya. Tapos parang hindi naman siya nanonood kasi naka-side siya sa TV at nakapatong ang ulo niya sa balikat ko habang nakayakap sa 'kin.

"Silver malapit nang mag-eleven." Ang bilis naman, sana dito na lang ulit matulog si Silver.

"Ayoko pang umuwi. Dito muna ako." Mas lalo pang sumiksik si Silver sa leeg ko. Marahang hinaplos ko ang buhok niya baka sakaling antukin at dito na matulog.

Ilang minutong gan'un ang posisyon namin, akala ko nga eh nakatulog na si Silver. Kaso lang unti-unting kumalas siya sa pagkakayap sa 'kin at iniharap ako sa kaniya. Napasimangot ako dahil d'un.

"Uwi na ako baby." Hinaplos niya ang pisngi ko bago ako marahang hinalikan sa labi.

"Dito ka na matulog." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin 'yun.

Sandaling napangiti sa 'kin si Silver. "Gusto ko baby. Gustong-gusto ko. Pero hahanapin ko pa kasi yung permit para sa site visit natin bukas." Napasimangot ako sa sagot niya. Sayang naman. Di bale, may next time pa, ayoko namang maging iresponsableng prof siya dahil sa 'kin.

"Sige. Sa susunod dapat dito ka na matutulog." Ngumiti siya sa 'kin at tumango.

"Sure baby. Kung gusto mo matulog ka din sa bahay."

"Eeh nand'un yung kapatid at pinsan mo, sabi mo. Nakakahiya naman."

"Minsan lang naman silang nand'un."

"Mahihiya pa rin ako."

"Hmmm, dapat h'wag ka nang mahihiya sa kanila, magiging kapamilya mo na rin naman sila eh."

"Oo na po, susubukan ko po." Pinisil ni Silver ang ilong ko bago siya tumayo na buhat-buhat ako.

I yelped in surprise when he jokingly let go of me. "Silver!"

Forbidden EscapadeWhere stories live. Discover now