"Tama ka! Sa totoo lang nakakamiss ang buhay estudyante."

"I agree." Nakakamiss talaga 'yun. 'Yung wala ka lang iisipin kundi assignment at kung may pa-surprise quiz ang Prof. at syempre ang pag re-review.

"Balikan na natin sila? Para ma-discuss na 'yung tungkol sa plano. Gusto ko nang matapos 'to para makabalik na tayo sa school."

She smiles, widely. "I love that idea!"

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kama at inangkla ang kamay sa braso ko tsaka kami sabay na naglakad papunta sa mga kasama namin. Pag dating namin ng sala, hindi naman namin sila nakita.

"Nasaan sila?" Tanong ko.

"Ewan ko! Iniwan ko silang lahat dito eh." Sagot naman ni Majah.

Ilang sandali lang bigla silang nagpakita pero this time may kasama silang isang pamilyar na mukha. Hawak hawak siya ni Damon habang may nakatutok na silver knife sa leeg nito.

"Sino siya?" Tanong ni Majah.

"Tauhan ni Manuel." Sagot ni Damon. Kaya naman pala pamilyar ang bampirang 'to. Siguro nakita ko na siya na umaaligid kay Manuel.

"Naramdaman naming umaaligid kaya nilabas namin." Sabi naman ni Papa.

"Paano 'yan? Kung may nakikinig na tauhan ni Manuel sa'tin for sure alam na niyang hindi na tutuparin ni Damon ang deal nila ni Manuel." Pangangamba ni Majah.

"Ayaw naman niyang mag salita kung nasabi na ba niya kay Manuel 'yung tungkol sa pagputol ni Damon sa deal." Sabi naman ni Mama.

Naglakad ako papalapit sa bampirang hawak ni Damon tsaka ko kinapa 'yung bulsa.

"Baby! Bakit mo siya hinahawakan?!!" Damon scolded.

"Baby tumigil ka nga, may hinahanap lang ako!" Magselos daw ba?

Kinuha ko mula sa bulsa niya 'yung cellphone niya.

"Anong gagawin mo sa cellphone niya?" Tanong ni Damon sa'kin.

"Kung tama ako ng hinala baka ito ang ginagamit nila para sabihin kay Manuel 'yung mga naririnig niya sa'tin. Malalaman natin dito kung nasabi na ba niya kay Manuel 'yung pagputol mo sa deal."

"Ang talino mo talaga baby. Gusto sana kitang halikan kaya lang busy pa 'ko mamaya nalang."

I just rolled my eyes. Pati ba naman sa harap ng magulang ko kapilyuhan padin ang sinasabi niya? Kaloka!!

Sinimulan ko nang tignan ang cellphone niya. Una kong chineck ang mga huling dinaial niya at lahat ng ito ay mula pa kagabi para sa iisang number lang na ang naka pangalan ay Manuel. Sunod ko namang tinignan ay messages sa inbox. Wala pa naman akong nababasa na tungkol sa pagputol ni Damon sa deal. Next naman ay ang sent items, ang huling message niya kay Manuel ay...

** Nasa bahay ni Damon yung babaeng kalahating bampira. **

'Yun palang. Wala pang tungkol sa pagputol ni Damon sa deal.

Tumingin ako dun sa bambira at ngumisi. "Hindi pa niya nasasabi."

"Malalaman din niya!" Pagmamatapang niya.

"Hindi kung mamamatay ka!" Papa said.

"Magkakasundo tayo dyan, Albert." Pagsangayon ni Damon kay Papa habang nakangisi.

"Ako na ang gagawa!" Pagsisingit ni Mario kaya nabaling ang tingin namin sa kanya. "Siya ang pumatay sa mga magulang ko kaya ipaubaya nyo na siya sa'kin." Dagdag niya.

"Sige, hindi kita pipigilan dyan!" Damon said.

Lumapit si Mario papunta dun sa lalake habang punong puno ng galit na nakatitig dito. Inabutan siya ni Papa ng silver knife tsaka ito pumwesto sa harap nung bampira.

Itinapat ni Mario ang knife sa puso nung bampira at napaiwas nalang ako ng tingin nang maitarak na niya 'yung kutsilyo sa puso nito. Kay Majah nalang muna ako tumingin na halatang nandun ang simpatya niya sa nararamdaman ni Mario sa pumatay sa magulang nito.

Nang ibalik ko ulit ang tingin sa kanila, binitawan na ni Damon 'yung bampira na ngayon ay nasa sahig na at literal nang walang buhay.

Tinapik lang ni Damon ang balikat ni Mario na nakatitig lang dun sa bampirang kapapatay niya lang.

"Ngayong wala na siya, siguradong magtataka si Manuel kapag hindi siya nakapag report dito." Mama said.

"Nasa akin ang cellphone niya. Pwede natin siyang i-text para linlalingin kaya lang siguradong hindi magtatagal malalaman din niyang patay na siya." Sabi ko naman.

"Edi kailangan makabuo na tayo ng plano bago niya malaman." Damon said.

"May naisip ako!" Sabi ko. Tumingin sa'kin ang lahat. "Hayaan nating isipin ni Manuel na gagawin nga ni Damon ang deal nila. Magdadala siya ng half vampire kay Manuel sa teritoryo nito habang nasa paligid lang tayo para humanap ng tyempo para sugurin siya at patayin. Pero syempre kailangan natin ng half vampire na tutulong sa'tin para linlangin si Manuel na maging alay na kalahating bampira at tulong pa mula sa mga kaibigan nila Mama na hunters para sa pag patay kay Manuel. Alam naman nating hindi sila madaling kalaban pero kung marami tayo at may kasamang mga expert siguradong magagawa natin 'yun."

Biglang napunta si Damon da harap ko pagkatapos kong masabi 'yung naisip kong plano. He's just smirking, amusingly at me. "Ang talino talaga ng mahal ko." He comments. Bigla niya 'kong hinalikan sa labi ng mabilis.

I slapped him on bis chest. "Damon, magseryoso ka nga!" I scolded him.

"Sorry." Natatawa niyang sabi. Grabe talaga siya!

Papa cleared his throat kaya napatingin kaming dalawa sa kanya. "Sinong half vampire naman ang pagpapanggapin nating alay?" Tanong niya.

"May kakilala ako!" Damon said.

"Sino?" Tanong ko.

"Isang kaibigan."

"Tutulong ba siya?" Papa asked.

"Sigurado 'yun. May galit siya kay Manuel eh."

"Okay. Kung ganun sabihan na natin sila Lucy tungkol sa plano." Mama said.

"Pero paano kung may tauhan din dun si Manuel na nagmamatyag?" Tanong naman ni Majah.

"Wala silang maririnig kung isusulat lang nila Mama ang plano." Suggest ko.

"Magandang idea 'yan, sweetheart." Mama said smiling. I just smiled back.

--

Sorry natagalan sa UD, lapit na siyang mag end. Kapit lang. 😂
Keep voting babies. ☆

The Immortal's SecretTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang