"Let me think of it first, 'Ma."

Sumimangot ang ginang. Halatang hindi nagustuhan ang kanyang sagot.

"Basta, whether you like it or not, si Raquella ang papakasalan mo."

"Ma, sinabi ko naman na pag-iisipan ko. Mas maraming babae diyan na kasing edad ko o di kaya ay mas matured kaysa kay Raquella. Give me a time, may nililigawan naman ako, malapit ko na iyong mapasagot."

Tumaas ang kilay ng ina.

"Whoever she is, she's a fool. Nagpapakipot lang iyan. Sige na, aalis na ako. Ganyan ka naman palagi! Hindi mo ako mapagbigyan." Anito na nangongonsensya.

"Mama naman..."

"Hmp! Ewan ko sa'yong bata ka. Siya, sige ako'y aalis na. Hinihintay na ako ng mga amega ko."

Inakbayan niya ang ina. Hinalikan sa pisngi at hinatid palabas ng opisina. Pupunta na naman ito sa majongan. Samantala ang ama ay kasama ang mga amego sa golf court. At siya? Heto, dito sa opisina, nakakulong kasama ang tambak na trabaho araw-araw.

Bilang nag-iisang anak, nakaatas sa balikat niya ang malaking responsibilidad. Nagkaroon din siya ng ilang karelasyon ngunit hindi nagtatagal dahil nawawalan siya ng oras at panahon sa babae.

Palagi siyang naiiwan sa ere. Walang may nakakaintindi sa kanya. He had 5 years of relationship, na akala niya noon ay sa simbahan na kahahantongan ngunit hindi pala, dahil sa hiwalayan din nagtapos ang lahat.

Nakipaghiwalay ang babae dahil puro na lang daw trabaho ang inaatupag niya, paano pa kaya kung kasal na sila? Ganun pa rin ba ito? Maaga kasi nagretero ang ama dahil nagkasakit ito noon ng malubha. Mabuti na lang at naagapan.

Wala siyang nagawa kundi saluhin ang maagang pamamahala sa kompanya.

Isinara niya nag pinto matapos mawala ng ina sa paningin. Bumalik siya sa harap ng nakatambak na trabaho.

Saan ba siya makakahanap ng babae na pwedeng iharap sa magulang? For God's sake! Labing limang taon ang tanda niya kay Raquella. And she's still studying, yet.

Ano bang kalukuhan ang pumasok sa utak ng mama at ipapakasal siya sa isang isip bata?

Si Raquella ay anak ng best friend ng ina. Ngunit namatay na ito. Kaya naman, parang anak kung ituring ng kanyang ina si Raquella. Mas close pa nga yata ang dalawa kaysa sa kanila na mag-ina.

Ipinilig niya ang ulo at hinarap na muli ang trabaho.

"WOOOH! Woooh! Yeahh!" Sigawan at hiyawan sa loob ng bar. Dagdagan pa ng dumadagundong na musika. Kahit nakakabingi ang ingay, walang may paki-alam. Hataw na hataw pa rin sa pagsasayaw ang mga tao.

"ROCKY, your phone is ringing!"

"What? I can't hear you!"

"I said your phone is ringing! Kanina pa nag-iingay sa table." Lisa pointed her phone on the table.

Nakuha naman agad ni Rocky ang ibig sabihin ng kaibigan. Umiilaw din kasi ang hand phone niya. Umalis siya sa gitna at kinuha iyon sa mesa.

"Tita, Marge?"

"Hello? Raquella?"

Tumakbo palabas ng bar si Rocky dahil hindi sila magkarinigan ng kausap.

"Raquella, naririnig mo ba ako? Bakit ang ingay, nasaan ka bang bata ka?"

"Tita, Marge. Opo naririnig na kita. Napatawag po kayo?"

"Naku, hija! Matutuwa ka sa ibabalita ko." Excited na sabi ng kausap. Naexcite rin tuloy siya.

The 15 Years Age GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon