Kaya't binitiwan na niya ito, at mistulang malokong tingin na ang pinukol dito.

"Gosh! So you really are jealous. Saan, ha?" natatawang tugon na ni Max as she only raise her both hands for astonishment.

Napailing na lang si Moses sa kakulitan niya. "Ewan ko sa pinagsasabi mo. Diyan ka na nga." sagot pa nito, saka nagdesisyong pumunta sa gawi ng kusina para makainom ng tubig. Waring pangpaalis sa tensyon sa bawat rebelasyong sinabi.

Sinundan siya ni Max at kinulit ng kinulit parin. "Mose. Sabihin mo kasi ng malaman ko. Ano nga?" tanong pa nito.

Waring nagbingibingihan na lamang si Mose habang kumuha na ng pitsel at baso para sumalin na ng tubig. Yet as usual, di parin siya tinatantanan ng bestfriend.

"Geez. Ayaw mo talagang sabihin, ano? Ano nga kasi. Para kanang ewan talaga. Nung convention ka pa ganyan ha? Pinag-initan mo pa ng ulo si Ms. Lian. Nakakahiya kaya. Buti naroon si Kris---"

Para namang may napagtanto ulit si Max, dahilan para matigil siya sa sasabihin at di makapaniwalang humarap kay Moses.

"My god Mose! Hahaha. Seryoso Mosey? Y-your jealous over a highschool student? Really?"

Di magkamayaw'ng diin ni Max sa bawat salitang binibitawan. She just can't believe that her bestfriend could actually jealous over a Kristoffer Benzon. So is it?

Mukha namang natauhan si Moses sa konklusiyon ng kaibigan na kahit siya ay di rin batid kung ano. Kaya't pinanindigan na lamang niya ang di pagsang-ayon dito.

"Tss. Seryoso ka Max. Kanina ka pa pilit ng pilit sa selos na 'yan. Whose jealous, huh? Me? C'mon, hindi pa ako baliw para magselos lamang dahil lang dun noh." pagkumbinsi pa niya na mukhang di rin naman kinagat ng kaibigan.

"Sige magsinungaling ka pa. Pss, gusto mo pa atang ipaalala ko pa sa'yo eh. Yun 'yun diba? Before the convention actually started?" may pagdududa paring tugon nito.

"Tsk. Bahala ka." napailing na lamang ulit si Mose sa inaasta ni Max, kaya't kusa nalang siyang umalis sa harap nito at pumunta na lamang sa guest room kung saan ang kwartong pangtulugan niya.

Pero dahil makulit nga ang kaibigan ay sinundan parin siya nito which left him with no choice kundi atupagin na lamang ito.

"Urgh. I told you, I'm just bothered, but I'm not jealous, that's it. Okay na?" pinamulahan pa siya ng sabihin ito. Kaya't isang mapaglarong ngiti na naman ang ibinigay ni Max dito.

"Hm. Fine. Though I'm not still convinced." usal nalang nito habang malokong pinipiga parin ang tila tinatagong lihim ng kaibigan.

Kahit pinamulahan pa ay mas pinili na lamang ni Moses na umupo sa study table na mayroon sa kwarto niya at ngunot-noong isinegway ang topic tungkol sa documentary nila.

Ngunit di parin matinag-tinag si Max sa pangungulit dito at waring ineenjoy pa ang sariling kalokohan.

"Sa'n ka ba banda nagselos Mose, ha? Sabihin mo nga sa'kin? Is it the part that I said his--"

Di na nga niya natapos ang sasabihin ng tinakpan na ni Moses ang bibig niya.

"For the last time Max. I am not jealous. So don't you even dare mimic those words again or else gawin mo mag-isa 'tong project na'to." tugon pa nito.

"I highly doubt it. I know you. You can never do that. So tell me? What part did you actually got jealous, huh?"

Agarang sagot ni Max ng matanggal ang kamay ni Moses sa bibig niya. Kaya't wala na ring nagawa si Moses at napahilamos na lamang ng mukha.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now