12th Bloom

131 4 0
                                    

"Ayos din mga classmates mo ha?..Mga kaibigan mo?" Prenteng tanong ni Alois sa'kin.

"Kaibigan ko sila. Di lang halata." Sagot ko naman, habang nagpatuloy sa pagrereview para sa susunod na klase.

"Mukha nga." Kibit-balikat nalang din niyang sagot.

Seryoso naming binalik ang atensyon sa kanya-kanyang ginagawa. Siya na may ginagawang assignment, habang ako naman ay pagrereview parin ang inaatupag.

Isa na ito sa nakasanayan na naming gawin ni Alois nung mas naging malapit kami. Na kahit walang kailangan sa isa't-isa, basta magbonding lang, ok na. Kaya siguro napaisip ako nung natanong ako ni Trish sa posibilidad na maging kami. Ewan ko, di ko alam.

And speaking of them. Speaking of friends. May bigla akong naalala. Ewan ko, pero feeling ko, gusto kong malaman ni Alois ang tungkol dito.

"Siya nga pala." Panimula ko, bilang pagtawag sa atensyon niya.

"Hm? Bakit Li?" Pag-angat niya ng ulo para matingnan ako.

Tiniklop ko naman muna ang binabasang libro saka nagsalita.

"Sa susunod na weekend. Mukhang hindi tayo magkikita."

"Bakit? May pupuntahan ka?" Prenteng tanong niya.

Tumago ako bilang sagot. "Inimbeta kasi ako ng mga kaibigan ko nung highschool para sa reunion daw namin. Kaya baka hindi tayo magkita." Diretsa kong rason.

Mukhang nabigla naman siya sa sagot ko. Wari'y di makapaniwala na may mga kaibigan rin pala akong tinatago.

"Di nga? Seryoso? Ba't ngayon ko lang ata nalaman na may marami-rami ka rin palang kaibigan, ha?" Di makapaniwala niyang tanong.

Oo nga pala. Di ko pa pala nao-open sa kanya ang patungkol sa mga kaibigan ko. Kaya nagdesisyon akong simulan na ngayon.

"You see Alois, i'm not the first-approach person nor the techy-type one, na halos di na mabubuhay kung di makapagtext o makacall sa mga kakilala. Kaya siguro, ako rin ang tipong kaibigan na minsanan lang kung mangumusta. Naghihintay na sila ang mauna, may makita mang interesanteng balita patungkol sa kanila o ako mismo ang makamiss. Either of that three." Nakahalukipkip ko pang tugon sa kanya.

"Kaya hindi na'ko nagtaka kung nabigla ka man patungkol sa mga kaibigan ko." Pahabol ko.

Tumatango naman niyang pagsang-ayon. "So in that case. It was your friends who contacted you first? Tama ba?" Pagkonkluda niya.

Umiling ako, dahilan para mangunot-noo siya. "It's my cousin who contacted me. Magkaklase kasi kami 'nung highschool, and since his the much friendly one. Kaya ang mga kaibigan niya, naging kaibigan ko narin. As well as mine na naging kaibigan niya rin."

"Minsan nga naisip ko. I have long break the nuts between my friends, kung hindi lang sa pinsan kong nagsisilbing komunikasyon sa'min. I guess, I'm still lucky."

"So ibig sabihin 'yung tatlong kaibigan na kasama mo kanina, either they have your number or not, your social accounts. Or the least.. Just plain friends? Plain na magkakilala lang. Ganun ba Li?" Pagkonkluda niya ulit.

I smile, as if it was just a simple question to ask. "Isa 'yan sa natutunan ko sa pagiging marketer, Alois. Be socially friendly even your not too close with each others' matter. Kasi minsan, mas marami ka pang nakikilala sa pagiging social, kaysa sa piling kaibigan. And besides.." Napayuko ako at napahinto sa sasabihin, dahilan para bigyan niya ko ng makahulugang tingin wari'y nagsasabi na "besides what, Li?"

Kaya tinuloy ko ito matapos mapahingang malalim.

"Besides, It's hard for me to trust a friend." Saka ko siya matamang tiningnan. "At least, being social makes me still feel that I have many." Pahabol ko.

Ang kaninang kyuryoso niyang mukha ay napalitan ng pangamba. Na siyang pinagtataka ko.

"Why?" Prente kong tanong.

Wari'y nahiya pa siyang magsalita, pero agaran ring nagtanong nung huli.

"H-hindi naman ako kabilang sa mga socials diba?" Napahimas nalang siya sa kanyang batok, na parang kinabahan sa kung ano mang isasagot ko.

I gave him my warmest smile, as I utter my words to him.

"Silly, Alois. Huwag kang mag-alala. Nasa trusted ka na." As I chuckled, na kanina ko pa pala pinipigilan.

Nakahinga naman siya ng maluwang. "Buti naman, kung ganun."

So as the bell rings, kaya inaya ko na siyang gumaya para sa susunod naming klase.

"Halika na nga. Baka ano pang ibang maisip mo diyan." Saka ko siya hinigit patayo at sabay na ngang umalis.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now