20th Bloom

106 5 0
                                    

"Why does I have the feeling. Na mukhang ako ata ang magiging consultant mo ngayon?"

Prenteng usal ko na agad naman din niyang ikinaangat mula sa pagkayuko sa swing na kasalukuyang inuupuan niya.

"Kanina ko pa hinahanap ang presensya mo. Nandito ka lang pala sa playground na dating sanctuary ko." Dagdag kong usal ng hindi parin siya umiimik.

"Any problem, Alois?" Pagtuloy ko parin sa pagsasalita. Saka ako umupo sa katabing swing na kinauupuan niya.

Pinagmamasdan lang parin niya ang bawat galaw ko. Hangang sa mukhang natauhan siya. Tipid na ngiti ang ginawad na sa'kin.

Umiling siya. "Nah. It's nothing, Li. May iniisip lang. Maliit na bagay lang naman." Pagdahilan niya.

"You sure?" Paninigurado ko.

"Yeah. Nothing to bother."

Pagsigurado niya naman. Na di ko naman kinagat.

"Nothing to bother? How can't I be bothered if after the Christmas celebration eh parang lutang ka na pag kasama ko?"

"I felt it Alois. May problema ka. So let me help you for now. Just tell me, and I'll listen." Pagkumbinsi ko sa kanya.

"Why, Li? Natakot ka bang mag-isa ng kasalukuyang lutang ako. Did I badly made you alone that time?"

Natigilan ako saglit sa tanong niya. Dahilan para mapaisip na rin ako. Then only one thought says it all.

"Oo." Walang paligoy kong sagot.

He chuckled. Na agad ikinabalik ng wisyo ko, at prenteng naguluhan na sa inasal niya.

"I didn't expect that coming from you. Guess, I'm wrong then." As he genuinely smiled.

He checked his phone, as he look at me again. "It's 28th of December right now. Kung ganun bukas na pala ang alis niyo pauwing probinsya niyo."

Isang tango lamang ang naging sagot ko. "Maalarm clock na naman ang buhay ko dun kay te Med." As I chuckled. "Sa susunod na araw naman kayo sa inyo. Diba?"

Tango lang din ang binalik niya sa'kin. "Kaya ba hinanap mo'ko?"

I shrugged. "Partly, I guess."

"Then congratulations! You found me." Pagpapasigla niya ng usal. As I playfully pushed my knuckles on his shoulder.

"Sira." Natawa narin ako.

"Teka? Sino si te Med?" Tanong niya.

"Hay nako. Auntie kong madadada. Kaya nasabi kong maalarm clock nga ang buhay dun. Palibhasa kasi, matandang dalaga kaya parang sumpungin."

"Lagi nga akong napapagalitan nun. Actually, kaming tatlo talaga nina Clyd at Rodney mapagbuntungan." Natawa nalang din ako ulit

"At dahil kami nga ang dakilang sira ulo din. Pinatitritripan lang naman naming ibackstab pag nakatalikod. Minsan nga sinusumay pa namin ang bawat galaw at salita niya." As I again laughed all over.

"Naku~ masama na 'yan. Hinay-hinay ka na lang Li. May sabi-sabi pa naman na kung sinong nangtitrip ang siyang magmamana."

"Kaya nga. Pero huy! Loko ka. Huwag naman sana." Paghampas ko sa braso niya.

Napalitan nga ng kasiyahan ang pag-uusap namin. Nang may naalala ako bigla.

"Wait lang. Diba may sasabihin ka pa sana sa'kin nung Christmas?Tama nga pala. Ngayon ko lang natandaan. Ano pala 'yun?"

Para namang natigilan si Alois ng matanong ko ang tungkol dun. Nagtaka man ay binalewala ko nalang din.

"A-ah.. Y-yun ba? Ano. E-ewan. Di ko na matandaan eh. Kalimutan mo nalang. Di naman din 'yun importante." Di mapakaling sagot niya.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now