Chapter 40

6.3K 127 24
                                    

CHAPTER 40 - Fireworks

Syempre, sino pa bang magiging partner ko sa malanding parteng ito ng mga seremonyas pag may kasal? Edi si Marco! Natatawa nalang ako kasi nung mga binata na ang tinawag para sa garter ay wala nang naglakas pa ng loob na pumunta sa gitna. Siya lang and nandoon at nakangisi habang pinapaikot sa daliri niya ang garter.

"Alam naman na nating lahat ito, dapat isuot ni Dr. Marco ang garter sa legs ni Miss Senna." sabi ng bading na emcee... si Sasha. Kasama niya si Suzette sa page-emcee.

Sobrang hysterical ng mga tao. Hindi naman ako ang ikinasal dito. Basta, hawak ko lang ang bouquet sa buong oras na yun. Pinaupo nila ako sa isang upuan at naka-ngiting makalaglag panty si Marco na kasalukuyang nakaluhod sa harap ko.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Hindi ko kasi mapigilan ang pag OA na kalabog ng puso ko. Kinakabahan rin ako kasi tutok lahat ng tao sa amin, pati na rin ang mga DSLRs na panay ang flash.

"Go na, Kuya!" sabi ni Suzette at naghiyawan ang mga tao nang isuot ni Marco ang garter sa paa ko. Bawat dampi ng balat niya sa balat ko ay parang may kuryenteng nagflo-flow sa bawat nucleus ng cells ko.

Hindi ko na mapigilang mapa-ngisi. Nakikiliti na kasi ako. Ang lecheng boyfriend ko, hayan! Naka-kagat labi habang titig na titig sa akin at dahan-dahan, as in dahan-dahan niyang itinataas ang garter sa legs ko.

"Ayan na..." pang-aasar niya. "Malapit na." Husky voice pa!

"Dalian mo na para matapos na ito!" bulong ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako saka siya bumaling sa mga tao. "Konting suporta naman dyan!" sabi pa niya. Nasa bandang taas ng tuhod ko na ang garter, natatakpan na rin ng dress ko ang mga kamay niya. Hanggang saan mo itataas yan, Marco?!

"Higher! Higher! Higher!" sabay-sabay naman na sabi ng mga tao. Maging ang bride at ang groom ay naki-sama na rin sa pagcha-chant Higher!

"Higher, Papa Marco! Higher!" sabi naman ni Rapunzelle. Natawa nalang si Marco habang ako naman ay laglag ang panga doon.

"Paano ba naman yan? Higher raw, baby?" mapang-asar na sabi ng lechugas na Marco na ito.

Dahan-dahan kong naramdaman ang bawat dampi ng kamay niya sa hita ko. Utang na loob. Nakikiliti ako at, ah basta! Hindi ko ma-explain. Pakiramdam ko, sasabog na ako sa sobrang pula dito. Nakakahiya! Sa harap ng maraming tao, para akong mansanas na over-ripe.

Pumikit nalang ako ng mariin at hinigpitan ang pagkakahawak sa bouquet. Narating ng kamay ni Marco ang halos kalahati ng hita ko. Grabe! Akala ko, sasagarin niya na. Hindi pa ako handa!

"Tapos na!" sabi ni Marco kaya napamulat na rin ako. "Or do you guys want me to raise it a bit higher pa?"

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Marco.

"Nag-eenjoy lang, Marco?" sabi ni Vincent.

Ang sunod na nangyari ay ang sweet dance ng bagong kasal. After few minutes ay niyaya ako ni Marco sumayaw... Hanggang sa maya-maya, nakita ko na rin sina Suzette at Martin, Leo at Kaitlyn at marami pang ibang couples. Si Dr. Earl nga ay nandoon rin, nakikipag-sayaw.

"Namumula pa rin ba ako?" di ko maiwasang itanong habang sumasayaw kami sa gitna.

"Hindi na masyado." sabi niya. "Grabe pala ang epekto ko sa iyo."

"Parang hindi mo naman alam."

Maramahan siyang tumawa saka ako hinila lalo na parang nagyayakapan na kami doon.

"Grabe rin kaya ang epekto mo sa akin. Akala mo naman ikaw lang ang kinikilig doon. Ako rin kaya!" sabi pa niya. "At akala mo, ikaw lang ang may kumakabog na puso doon, ako rin! Lagi namang ganun eh, kapag kasama kita, o kahit kapag nababanggit lang ang pangalan mo o kung naiisip kita. Minsan nga, iniisip ko baka may sakit na ako sa puso."

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon