Chapter 35

6.4K 106 37
                                    

Advance sorry sa typographical errors and grammatical errors. HAHAHA

-----

CHAPTER 35 – His Side Part III

 

Nang sundan ko si Senna ay hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya. I was still unsure. Hindi pa ako sigurado kung hindi ko na mahal si Kath at hindi pa rin ako sigurado kung mahal ko na si Senna. Feeling ko kasi, nalilito lang ako sa kanilang dalawa.

 

Pero sa oras na yun... Nasiguro ko na kung ano talagang nararamdaman ko.

“Senna...”Napalunok ako habang humahakbang palapit sa kanya. Nakatalikod siya sa akin, pero kita ko kung paano siya natigilan nang marinig niya ang boses ko. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya.

Aysus, itatago pa, eh kitang-kita ko naman. Dahan-dahan siyang tumayo at humarap sa akin. Nagulat ako nang ngisihan niya ako. Parang natutunaw yung puso ko. Si Senna yung klase ng tao na hindi niya ipapakita sa taong nanakit sa kanya na nasasaktan siya. Kaya ayan, umiiyak na siya pero nagagawa pa ring ngisihan ako. 

Hindi ako nakapagsalita. Nagkatitigan lang kaming dalawa. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. 

“Kainis naman.” Sabi niya habang iritadong pinupunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. Hindi ko na kinaya. Lumapit ako sa kanya pero bigla niyang itinaas ang isang kamay niya.

“No, wag mo akong lalapitan.” Sabi niya.

Hindi naman sa pagiging OA pero parang nagdurog ang puso ko nang sabihin niya yun. Ayaw niyang lapitan ko siya. Huminga nalang ako nang malalim at tinitigan lang siya habang umiiyak siya. Gustong-gusto ko siyang hawakan pero ayaw niya!

 

“So, okay na kayo?” tanong niya.

“Ha?” sagot ko. Anong okay na kami? Kami ni Katherine? Yun ba ang tinutukoy niya? Napa-mura ako sa utak ko. Malamang ay binigyan niya ng kahulugan yung nadatnan nilang eksena kanina.

“You look so happy, a happy f-family.” Sabi niya tapos parang naiiyak na naman siya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Umiling-iling ako. “Hindi, Senna. Hindi...” Wala na akong pakialam. Lumapit ako nang tuluyan sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. God, I miss her so much! Pero ano itong ginawa ko? Akala ko, makakabuti kung hindi ko muna ako magpapakita sa kanya lalo na’t hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Pero parang mali ata ang desisyun kong iyon.

“I’m sorry, Senna. I’m so sorry...” sabi ko. “I know, marami akong ieexplain. I’m so sorry.” Marami akong ieexplain, kailangan kong ipaliwanag ang lahat mula kay Katherine hanggang sa pagkalito ko sa nararamdaman ko sa kanya.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon