Almost Indecent

Začít od začátku
                                    

Bahala na.

“Fine,” she nonchalantly said as she grabbed the cup from Rocky’s shaking hands. A round of applause from her friends cheered her and she took a gulp of the deadly iced tea.

Halos masuka niya ang iced tea nang gumuhit ito sa lalamunan niya. She never thought alcohol would taste like.. pain. “So eto na yung pampamanhid na sinasabi nila ha?” Barbs gingerly thought, suppressing the urge to vomit. Isang lagok lang and that’s it, she’s out.

Todo cheer sina Wes kay Barbs. Minsan lang kasing sumali si Barbs sa mga trip nila. Kahit hindi pa nauubos ni Barbs ang iced tea nito ay may nag-abot na naman ng panibagong baso sa kanya.

Agad na tinanggihan ni Barbs ang bagong baso. “No no no.. tama na yung isa. Papagalitan ako ng nanay ko!” palusot niya.

“Oh shut up, tomby! You can sleep at my place later naman! Come on, drink!!!” pilit ni Janine. Naging attraction tuloy ang pamimilit nila kay Barbs kaya may ibang schoolmates na rin na nakikisali sa kanila.

Tama na, Barbara, yan ang sabi sa kanya ng tiyan at utak niya.

Pero kasalanan ng kakaunting alcohol at low tolerance niya..

She gave in.

***

Boy, was she drunk.

Sabi niya three cups lang ang limit niya for that night. But her countdown was long forgotten after few minutes of drinking. Nasanay na siya sa pagguhit ng iced tea sa lalamunan niya, to the point na nagustuhan na niya ito. She’s lightheaded already; nagiging malamlam na ang paningin niya sa mga kaibigan niya. Her friends’ laughter was the only thing that made her somehow sober. Ibang klase kasi ang tawa ng mga kaibigan niya ngayon, parang mas masaya, mas lively. God, she thought, sana hindi talaga ako lasing para marecord ko ‘tong tawa nila. Will surely miss this.

Kaso may sagabal na naman sa kasiyahan niya.

Yung ringtone na yun.

She completely forgot Lean and their meeting. Dun lang niya narealize na wala pa sa Pop’s ang teacher nila. Muntik pa niyang mabagsak ang phone niya. With one eye shut, she read the text message.

From: Lean

San ka? Dito ako sa may locker room. Wag ka muna umuwi. Hatid ko kayo maya.

Bigla siyang nainis. Ano ba ‘tong pag-uusapan nila? Pwede naman sigurong makapaghintay yun during class hours! Kilala niya si Lean, kukulitin siya nito kapag hindi niya ito hinarap ngayong gabi. Walang pakialam si Barbs kung medyo nahihilo na siya, desidido siyang bumalik sa loob ng campus para kausapin si Lean.

Nagpaalam si Barbs na mag-cCR siya, not knowing na walang nakarinig sa sinabi niya. Tahimik siyang lumabas sa Pop’s. Sinubukan pa niya na maglakad nang straight pero gumegewang na siya.

Pucha, natatawa niyang sabi, lasing na ba ako? Napailing na lang si Barbs at sinubukang maglakad nang matino papunta ng Charleston Academy. Malakas ang kutob niya na bukas pa ang school ngayon, 7:30 PM pa lang naman at narinig niya mula kay Ms. Medina kanina na may faculty meeting sila tungkol sa graduation after ng championship. Ramdam niya na ginamit ni Lean ang free pass nito para hindi makaattend ng meeting.

Instead, he wants to meet with her.

Kelan ka pa nakinig kay Lean ha, Barbara? Lasing ka na. Mas okay pang kina Wes ka na lang magpahatid kahit pare-parehas kayong mga lasing. At least hindi awkward! Aasarin ka lang naman ni Lean na hindi marunong maghandle ng alcohol!

AnthologyKde žijí příběhy. Začni objevovat