CHAPTER 33

14.5K 246 26
                                    




DERICK:



“Riko kamusta yung bakasyon niyo sa Cebu?” tanong ni papa.

“Ok naman masaya,” tipid kong sagot, kailangan ko pa bang idetalye yung nanagyare samin ni Gerald wag na uy, di ko namalayan namula ang pisngi ko habang kumakain kami ng hapunan.

My brother looked at me like I’m weird. Tinaasan lang niya ako ng kilay.

“Mukang in love si Riko ah,” pangaalaska niya.

Napatingin naman si Papa sa akin na ikinailang ko. Ugh, I don’t want to talk about it kasi alam ko katakot takot na mga tanong ang nakaabang sakin. 

“Tumigil ka nga diyan kuya, dami mo alam,” bara ko sa kanya.

Ngumisi lang naman siya sa akin.

Hindi na kami pinansin ni papa sa hapag kainan. 

Kukunin ko sana yung baso ng juice nang naramdaman ko nanaman yung sakit na para bang tinutusok ng maraming karayom at kinukuryente yung kanang bahagi ng kamay ko. Napangiwi ako sa sakit and nakita naman yun nila kuya.

“Are you ok Riko?” tanong ni papa.

Triny ko baliwalain nang di sila magalala. 

“Ah oo pagod lang siguro ako,” palusot ko.

Napapansin kong padalas na ng padalas yung sakit na nararamdaman ko sa kanang bahagi ng kamay ko. Sa una kala ko carpal tunnel syndrome lang yun pero habang tumatagal e palala ng palala ito at paakyat na sa mga braso ko. Di ko naman gusto magalala silang lahat sa akin kaya minabuti kong di sabihin sa kanila. Besides I’m sure spasms lang ito, konteng pahinga lang at ice mawawala ito. 

“Nga pala Riko, dahil sa success ng pagtanggap ng hotel natin sa Cebu may ilang business partners natin na gusto makipagsosyo sa atin ng lubusan, gusto nila tutukan yung project sa Cebu for its potential there,”

“Ah ok,” yun nalang sagot ko.

“Kilala mo ata yung isa sa kanila, si Mr. Tanjuanco ang isa sa mga gustong tumutok sa project na yun, which means he will be our business partner for the project,”

I rolled my eyes on that, of course sila ang gusto sumunggab sa opportunity na yun para mapalapit sa pamilya namin. For sure si James ang nagpwersa sa Dad niya. Which means mas mapapadalas ang business meeting nila papa at yung Tanjuanco na yun and by business meeting usually mga walang humpay na paguusap sa dalawang magkumpare ang usually kinahahantungan, pati buhay namin na mga anak nila e papakialaman pfft.

Think of it as mga chismosong mga kapitbahay pinasosyal lang LOL. Keshu kung may gf na ba ako o may asawa na si Kuya, or kamusta ang mom ko sa states ganun din sa side ni James. Di maiwasan ang patalbugan ng achievements na napapasok sa usapan nila tsk.

“Naalala ko diba girlfriend mo yung anak ni Mr Tanjuanco?” tanong ni papa.

“EX-girlfriend,” binigkas ko talaga yung EX nang magets niya.

“Mabuti yan para makapagkwentuhan kayo ulit, tsaka may anak pa siyang isa na lalaki, kasing edad mo din baka maging kaibigan mo din yun,” pagpupumilit ni papa.

“Pa please!” napasigaw ako sa walang oras na kinagulat nila kuya at ni manang na nasa tabi lang ng dining area, “wala na ko gana, akyat na po ako, sorry,”

Tiningnan lang ako ni papa and I know papagalitan ako sa wala kong modo pagalis sa hapag kainan but di ko na gusto kung saan patungo yung usapan e. Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at humiga sa kama, nakatulala sa kisame. 

Binasa ko yung text sa phone ko na nasa tabi lang ng night stand. Si Gerald pala nagtext.

Gerald: Hi baby huwag kalimutan kumain, i love you.

Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Napangiti ako sa kanya. Ang swerte ko talaga sa kanya. Pogi na mabait pa, sabi pa nga ni Toni Gonzaga tinapay nga lang hiningi ko binigyan lalo ako ng burger with fries pa lol.

Derick: Hi din baby, ikaw din kumain ka na rin ah.

Gerald: nuks naman ang sweet ng baby ko, pakiss nga!

Derick: adek yoko lang magpalipas ka ng gutom lalo nat panay practice niyo sa soccer.


Pero sa loob ko kinikilig na ako sa mga walang humpay na kalandian namin sa text. Lakas maka PBB teens LOL.

Gerald: Ay ganun ba, di mo pala ako love?

Ay adek nagdrama ang ungas, loko talaga to haha.

Derick: Mwaaah yan solb na ba?

Gerald: Hindi pa, sad pa rin ako.

Derick: E ano pa ba gusto mo? Sapak you like?

Gerald: huwag yan masakit, pwede yung ibang sakit nalang na may sarap? ;)


Aba ang loko napakapervert. Namula tuloy ako nang mabasa yun agh.

Derick: Ewan ko sayo!

Napaka manyak talaga ng boyfriend ko. Sabagay lalaki siya e, doble pa ata ang kalibogan niya tsk. 

Gerald: huhu

Nagdrama na talaga ang ungas. Hays di ko matiis ang loko. 

Derick: O huwag na sad, mwaaaaaaahugs, yakap tight. I love you baby

Gerald: Mwaaaaahugs love you more baby.


I rolled eyes.

Kung makapaglandi talaga talo pa PBB teens lol. 

Derick: O sya sya tulog na tayo, may pasok pa bukas, good night baby ko.

Gerald: Good night baby ko na love na love ko in the whole universe.


Kung makawhole Universe naman wagas ahah, di na ako nagreply at natulog na sa kama na walang iniintinding problema. Everything will be alright.


-------------- 



Katatapos lang madugong exam namin sa isa namin subject and sakto naman free period namin ni Gerald. Napagpasyahan namin pumunta sa may tambayan namin malapit sa soccer field, yung sa isang bench na may malaking puno. 

“Baby ano gusto mong pangalan sa magiging anak natin?” biglang sambit ni Gerald na ikinasamid ko sa iniinom kong juice. 

Kahit kelan tong si Gerald laging nanggugulat. 

“Adek ka ba, just in case di mo alam, iba ang anatomy ng lalaki sa babae” iritar kong sagot.

Ningisian lang naman ako ng loko, ayan nanaman ang kanyang nakakalokong ngiti at sinasadya pa talaga magpacute sa dimples niya agh. Imbis na naiinis ako e kinkilig tuloy ako langya. 

“Alam ko naman yun, pero syempre iniisip ko lang kung magadopt tayo o di kaya surrogacy ba yun? Gusto ko pangalan ng anak nating babae e ay Rica Geraldine,” 

aba seryoso talaga ang loko lol. Natuwa naman ako, ibig sabihin ba nun hindi na siya maghahanap ng iba at ako na talaga ang gusto niyang makasama habambuhay, ang sweet, tumalon ang puso ko sa tuwa. Hindi ako iiwan ni Gerald. Lalo ata ako nainlove sa kanya, ang swerte ko talaga. Ikaw ba naman magkaboyfriend na ubod ng pogi at bait not to mention sweet tsaka gusto ka niyang maging tatay ng mga anak niya LOL.

Lalanggamin ako nito namfucha. Napangiti nalang ako sa kinauupuan ko. 

“Uyyy ngumingiti siya, meaning kinikilig yan,” panira moment talaga tong si Gerald, e so ano naman kung kinikilig wala na siya dun amf.

“Ewan ko sayo, tsaka e ano naman kung lalaki ang anak natin, ano pangalan niya?” pinatulan ko nga ang kalokohan niya na siya naman ikinatuwa ng ungas. 

“Syempre Gerick,” pagmamayabang niya.

“Bakit naman Gerick?” pagtataka ko.

“Syempre pinaghalong Gerald and Derick, o kitams parang Kimerald lang ahaha,” sabay tawa ang ungas. 

Binatukan ko nga, sobra kasing nageenjoy. Hays mahal na mahal ko talaga ang lokong toh. I can’t see my life without him. Sobra na talaga ako nainlove kay Gerald. Di ko akalain na itong tao na to na kinaiinisan ko nung una kaming magkita sa jeep papuntang Liceo para magenroll ang siyang naging boyfriend ko at future husband and father ng mga anak namin. Sh*t kinilig ako isipin yun. Iniimagine ko lang si Gerald na nakikipaglaro sa mga anak namin lalo ako nahuhulog ang loob ko sa kanya. 

Napayakap ako sa kanya na siya namang ikinagulat niya kasi di ko yun ginagawa in public. Naramdaman ko naman ngumiti si Gerald habang yakap yakap ko siya. Mahal ko talaga siya and ramdam na ramdam yun ni Gerald. 

Napansin ko na naglalakad si Evan sa di kalayuan may hawak hawak na libro mukang nagcracramming ang loko. Bumitaw na ako sa pagkayakap kay Gerald at tinawag si Evan. Yeah close na kami, mabait naman pala tong si Evan, parang siya yung shy type sa barkadahan namin. Act lang pala niya yung dati na parang ang yabang yabang niya. Kung si Gerald ay hyper at maloko, Si Liam yung walang pakialam sa mundo, ako naman yung seryoso at snob, si Evan naman yung mala dalagang pilipina lol. Swak na swak ang barkadahan namin and nagustuhan ko na talaga siya. 

“Evan!” tawag ko.

Napalingon naman samin si Evan. 

Kumaway siya at kumaway naman si Gerald at sinenyasan na lumapit sa amin.

“Ui mukang abala ka sa pagaaral ah,” sambit ko nang nakalapit na siya sa amin. 

Ngumiti naman siya sa amin.

“Badtrip kasi tong professor namin last minute ba naman maganunsyo na may graded recitation and ito pa 6 chapters ang topic kainis,” napakamot sa ulo si Evan.

Natawa naman si Gerald sa kanya at tumayo para akbayan to.

“Alam mo tol take it easy, idaan mo nalang charm baka bigyan ka niya ng uno,” suggest nito.

Aba ang loko tinuruan pa ng kung anong kalokohan tong si Evan. Scholar student kasi si Evan kaya di nakakapagtaka na lagi sa library ang loko. Akalain mo ba naman matalino pala siya. 

“Huwag mo ngang turuan ng kung ano anong kalokohan si Evan,” saway ko kay Gerald na siya namang ikinatuwa lalo, tsk.

“Ah eh sorry tol, di bading ang propesor ko,” depensa ni Evan.

“Ok lang yan iconvert mo nalang, isang kindat mo lang yan for sure mahuhulog na yun sa bitag mo,” puro talaga kalokohan ang ungas.

“Loko,” natatawang sambit ni Evan.

“Tara kain muna tayo, nang may laman tyan mo pang study mo,” suggest ko.

Tumango naman si Evan.

“Antayin lang natin si Liam patapos na rin yung klase niya nang magkasabay na tayo sa canteen,” suggest ni Gerald na ikinatuwa naman ni Evan. 

May napansin ako kay Evan patungkol kay Liam. Kahit naman di na nila sabihin kitang kita naman. Alam kong pilit na ginagawa nilang maging magkaibigan ang turingan nila since alam ko di mahal ni Liam si Evan. In fact di ko nga alam kung bakit wala pa din gf s Liam e, wala din naman tong bf, assumero lang ako na baka bisexual yung bestfriend ko, wala naman kasi tong nababanggit sakin about sa love life niya. Last thing I know was nung pagamin niya sa akin noong nasa states pa kami and biglang napatahimik ako sa iniisip ko. Di kaya? Nah, imposible, di naman pwede na mahal niya ako diba? Sinabi niya kaya noong unang pagkikita namin dito sa campus, he liked a girl nung nagkasakit siya sa Naga pero matagal na yun. So since ako assumero baka nga yung pagtatapat niya dati sakin ay bilang kapatid na pagmamahal lang. Ay nako sumakit ulo ko kaya di ko na inisip ang mga yan. Basta andito lang ako kung need ni Liam ng suporta sa lovelife. Syempre importante sa akin ang ungas na yun. He is my bestfriend.


“Tol nagtext si Liam sa canteen nalang daw niya tayo pupuntahan, tara na,” sabi ni Gerald. 

Tumango naman si Evan, mukang excited pero di pinapahalata. Nagsimula na sila maglakad at tumayo na rin ako nang may naramdaman akong biglang malakuryente na sakit na dumaloy sa likuran ko papunta sa dalawa kong paa. Napatumba ako sa lupa habang iniinda ko yung sakit na para bang pinupunit yung balat ko at sa sobrang sakit di ako makatayo at nanatiling nakaluhod sa lupa habang pinipilit kong tumayo.

Nakita ako bigla nila Gerald at natarantang tinulungan ako patayo habang si Evan ay umalalay sa kabilang banda ng katawan ko. 

“Tol ok ka lang?” pagaalalang tanong ni Evan.

“Baby?” kitang kita ko sa mata niya ang tinding pagaalala niya na para bang mangiyak ngiyak na to.

“Ano ba ok lang ako,” tumawa ako sa kanila, pilit na tinatago ang paunti unting sakit na nararamdaman ko sa katawan. Ayaw ko ipahalata sa kanila lalo na kay Gerald. Ayoko siya magalala syempre nasasaktan ako pag nagaalala siya. 

Pinagmasdan lang ako ni Gerald na tila di naniniwala at ayaw talaga ako bitawan sa pagkakahawak niya sa akin.

“Ano ba kayo sus, napatid lang ako noh, ang OA niyo naman,” pinilit kong tumawa para naman mas convincing.

Nagtaka lang si Evan sa akin at tumango naman si Gerald pero andun pa rin sa mata niya ang pagaalala niya.

Tumayo ako na parang wala lang kahit may ilang kirot pa din na nararamdaman ko sa mga paa ko at pinakita na natapilok lang ako. Naglakad na ako papunta sa canteen and sinundan lang naman ako nila. 

Actually ako man din medyo natatakot na sa nararamdaman kong pabigla biglang sakit na nararamdaman ko sa katawan. Nung una sa kamay lang bakit ngayon pati sa likod at mga binti ko na. Pero binaliwala ko nalang. Di naman siguro nakakamatay yun, siguro stressed out lang ako.

Kumain kami sa canteen nang dumating na si Liam para salubungin kami. Wala naman nagbring up ng topic about sa pagkatumba ko kaya I appreciate it sa kanilang dalawa. 



------------------ 



Ring...

Ring...


Sinagot ko yung tawag gamit wireless bluetooth ko kasi nagmamaneho ako ng sasakyan, uwian na kasi tsaka nagprapractice sina Gerald, Evan, at Liam sa sports nila. Ako lang naman ang di athletic sa amin apat, sadyang iba lang talaga talent ko, more on artistic side kasi ako. Mahilig ako sa music and since nung bata pa ako e pinagaral ako ng music lessons kaya kahit anong instrumento magaling ako tumugtog lalong lalo na ang piano. Yun ang pinaka forte ko kum baga. 

“Riko hello?” bungad ni papa sa kabilang linya. 

“Yes pa ano po yun?” tanong ko.

“May utos ako sayo, tapos na ba klase mo?”

“Ah oo tapos na pauwi na nga po ako e, bakit ano po yun?” tanong ko.

“Pwede mo ba madaanan dito sa opisina ang mga files na kailangan ni Tonton?”

“Bakit nasaan si Kuya?” 

“Nasa meeting sa isang branch ng hotel and since pauwi ka naman na, dalhin mo na tong files na to para di na siya dumeretso pa dito, matatagalan pa ako umuwi and kailangan yan ng kuya mo,”

Kainis naman bakit di nalang bumalik si kuya sa opisina at siya magkuha nun, hays sabagay baka pagod nga yun at mas gusto dumerecho na umuwi and since free naman ako sige na nga ako na kukuha.

“OK I’ll be there,”

“Sige salamat Riko,”

“Ok pa,” at pinutol ko na yung linya, nagmamaneho eh mahirap na maaksidente.


Nakarating ako sa opisina after 30 minutes and nagsimula na ako pababa ng kotse ng may nakita akong familiar guy na papunta sa parking lot. Siguro pauwi na rin to and sa tantya ko di rin niya ako inaasahan na dadating sa lugar na yun. 

“Ano ginagawa mo dito?” inis kong sabi.

Tiningnan lang ako ng masama ni James and nilapitan niya ako. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hinarap siya ng buong tapang.

“Bakit di mo tanungin ang daddy mo,” galit niyang sabi siguro pinantayan lang niya sa inis ng boses ko.

Di ko nalang siya pinansin at binangga ko siya sa braso para maglakad papunta sa entrance. Pero bago pa man ako makalayo hinablot niya kamay ko para paharapin sa kanya at kwenelyuhan niya ako. 

“Kung hindi ka man lang mapapasakin, sisisguraduhin ko walang makakapag may ari sayo,” banta niya sa akin.

Ano ako gamit? Walang nagmamay ari sa akin, loko talaga to. Buong pwersa ko tinanggal yung mga kamay niya sa kwelyo ko at di ko na pinatulan pa siya. Psychotic ang dating e. I rolled my eyes at him na lalong ikinainis niya. Di man niya ako hinabol na at nagsimula na ako pumasok sa building. 

Alam kong galit siya pero may kung ano sa banta niya. Medyo di ako mapakali nang marinig yun sa kanya, sana lang e wala siyang gawing masama kay Gerald, hinding hindi ko talaga siya mapapatawad kung nagkataon.

All the way to the office my mind was preoccupied by what he said. May kung ano sa akin na di ako mapalagay kaya parang tulala ako na pumunta sa office ng dad ko.

“Oh Riko andito ka na pala,” bungad niya sakin.

Tumango lang naman ako. Siguro di napansin ni papa ang kakaibang kinikilos kasi busy nga siya. May kinuha siyang mga stacks ng folder at binigay sa akin.

“Dalhin mo nalang yan sa bahay, kakailanganin yan ng kuya mo and by the way nagpunta dito ang anak ni Mr. Tanjuanco para sa project na pinagtutuunan niya ng pansin. Sayang di kayo nagpang abot,”

kumunot ang noo ko dun. I see so business related pala ang pinunta ng ungas na yun pero kahit na ayoko ganito kaclose magwowork ang dalawang pamilya namin. Usesero kasi ang ama nun kaya ayoko pang pati buhay namin e pakialaman nila. Tumango nalang ako kay papa at nagpaalam para umalis na at nang makauwi na ako. 


To be continued....

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon