CHAPTER 31

21.3K 331 107
                                    





DERICK:


We were on our way sa isang beach resort sa Cebu, yung hindi masyado commercialized and matao like doon sa Boracay para maenjoy naman namin yung quality time namin ng baby ko, naks naman kung makababy talaga ahaha. I still can't believe it, he is mine and I am his, parang me and him against the world lang? 

Pinagmasdan ko ang singsing na binigay sakin ni Gerald, ang ganda talaga, mukang mamahalin to ah and dalawa kami meron, promise ring daw sabi niya na habang suot namin yun, we will always be reminded of our love, korni no? Ewan ko ba sa mokong na yun kumekeso lalo pag nagtatagal, pero kilig naman ako namfucha lol.

Nasa loob kami ng isang van na inarkela namin para ihatid kami sa resort. Pansin kong tulog na tulog ang loko at nakasandal ulo niya sa may window. Ang gwapo niya talaga, tisoy, boy next door ika nga, di mo pagsasawaan titigan lalong lalo na kapag ngumingiti siya. Nakakatunaw ang mga ngiting niyang yun, ang cute kaya ng dimples niya. Hahays nahulog na ata talaga ako sa gayuma ni Gerald. 

Maya maya napansin ko hindi parin suot ni Gerald ang relo niya. Medyo kumunot noo ko dun, sa simula't simula pa lang alam kong alagang alaga niya yung relo na yun kasi bigay yun ng tito niya. 

Sa lalaim ng iniisip ko di ko namalayan nagring phone ko.


Riiing

Riiing


Si papa pala.

"Hello?" bungad ko.

"Riko nsa Cebu pa din ba kayo?"

"Ah yes pa, papunta kami ngayon sa resort bago umuwi ng Manila bakit po pa? May emergency ba? Need na ba namin umuwi?" hindi ako mapakali e, out of nowhere e tatawag siya, sanay kaya ako na si Kuya Tonton inuutusan niyang tumawag sa akin.

"Ah no walang problema,"

Phew, eto naman kasi si papa ginugulat ako. 

"Ah kala ko kasi ano," di ko na dinugtungan pa.

"Anyway Riko, I just called to congratulate you, you did a good job sa breaking Ceremony, the investors were amazed by you kaya maraming salamat at di mo ko binigo," ngumiti nalang ako kahit na di niya ako nakikita sa phone. 

"Sus ok lang yun, pero never ko na ulit gagawin yun pa ah, di ako sanay, weird, dapat si Kuya nalang ang umasikaso sa mga ganyan," totoo naman e di talaga ako sanay, ang weird lang for me na ganung atensyon na binibigay sa akin.

"Well we can't say that for sure, sa ngayon I'll support you with whatever you love doing," napakagat labi ako doon. Tiningnan ko si Gerald na mahimbing na natutulog. Kung ipagtapat ko kaya kay papa ang about sa amin ni Gerald di kaya siya madidisappoint sa akin? Lumungkot ng bahagya ang muka ko at yumuko nalang.

"Thanks pa," di ko mapigilang may bahid ng lungkot ang sagot kong yun.

Napansin naman yun agad ni papa.

"What's wrong Riko? Mukang tumamlay ka ata?"

Napaisip ako ng malalim, di ko namalayan na di pa pala ako sumasagot sa linya.

"Riko kilala kita, if there's something bothering you, sabihin mo sa akin," seryoso niyang sabi.

"I'm ok pa, pagod lang siguro, paguwi ko nalang magusap tayo, bye pa,"

Natakot ako, ayoko sabihin sa kanya sa ngayon. Tama paguwi ko nalang sasabihin sa kanya, bahala na si batman.

"Ok ingat kayo diyan, we will talk when you get here, by the way read the newspaper, your speech is the highlight of the business section, I'm proud of you son."

May kung anong kirot na tumusok sa puso ko nang marinig yun. Sana nga maging proud pa din siya sakin. Napagbuntong hininga nalang ako.

"Yes pa, ingats," at binaba ko na yung phone. 

I guess wala nang atrasan to, I have to tell them eventually pero sa ngayon mas gusto ko magenjoy muna na kasama si Gerald bago ang mga problema na sasalubong sa amin paguwi, and anong newspaper? Di ko alam na maheheadline ang hotel namin, sa dami dami ng pwedeng may kabuluhan dyan e.

Sa lalim ng pagiisip ko di ko namalayan may yumakap na pala sa akin, pinulupot yung mga kamay niya sa bewang ko at napatingin ako sa tabi ko, aba gising na pala si Gerald at nakangiti sa akin. 

"Ok ka lang? ang lalim ng iniisip mo ah," binigyan niya ako ng matamis na halik sa pisngi na siya namang ikinatuwa ko.

"I'm fine,"

Tinaasan lang niya ako ng kilay. Parang di naniniwala, kahit kelan talaga di ko maitago ang totoong expression ko sa muka. 

"May bumabagabag ba sayo?" nagaalala niyang tanong.

Napagbuntong hininga ulit ako at tumngin nalang ng derecho sa may harapan kung saan nasa parang rural area pa kami na parte ng Cebu. Yung driver nakaconcentrate naman sa pagdridrive at walang pakialam sa amin, mabait naman yung si manong.

"Natatakot lang ako sa kung ano sasabihin ng pamilya ko," honest kong sagot.

Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na lumungkot ang muka ni Gerald. 

"Baby, alam mo naman the last thing I want is for you na katakutan ang pamilya mo, mabait sina tito at Kuya Tonton tsaka yung mama mo kaya alam kong di ka nila itatakwil, mahal ka nila."

"Di mo pa nga nakikilala mama ko e," 

"Kahit na alam kong mabait yun kasi san pa magmamana ang baby ko," sabay ngiting nakakaloko sa akin. Hay nako.

"Sumbong kita kay papa e, parang sinabi mo nang di mabait dad ko," pangaalaska ko sa kanya na siya namang ikinagulat niya, "joke lang"

Tumawa siya ng bahagya.

"May pagkastrikto din kasi erpat mo e," nahihiya niyang sabi.

Umiling nalang ako. Ngayon pa siya natakot e walang hiya to kung umasta sa bahay at sa harapan pa nila papa at kuya ah.

"E ikaw di ka ba natatakot sa ano mang sasabihin ng pamilya mo?" seryoso kong tanong.

"Hindi," confident ang loko ah, "bakit naman ako matatakot dapat nga proud sila kasi may boyfriend akong kasing pogi mo, mabait pa"

"Ay nambola pa ang ungas," tinapik ko nga muka niya ng marahan hehe.

Ngumiti naman siya sa akin ng pagkalaki laki at kitang kita ko sa mga mata niya na punong puno ito ng pagmamahal.

Umiling nalang ako at ngumiti din sa kanya nang may naalala ako na gusto kong tanungin sa kanya.

"Baby nasan yung relo mo?"

Nkakita ko ang pagkabigla nito sa muka at biglang umupo ng derecho, parang pinipilit na maging kumpportable, kala niya siguro di ko nahalata. Napakunot noo ako dun.

"Ah naiwan ko sa Manila, nagmadali kasi ako magempake kaya naiwan ko tuloy,"

Why is he lying to me? Nakita ko palang yun nung pagdating namin sa hotel. Akala siguro niya di ko naalala makita yun. Lalo ata sumimangot ang muka ko. I don't like na pinagsisinungalingan ako and to think galing kay Gerald pa, meju may kumurot sa puso ko. Sakit lang ah. 

Hindi na ako umimik. Nabadtrip ako e. One thing about me kapag may nagpapabadtrip sa akin ng todo, di na talaga ako umiimik. Magpasalamat sila kung makipagbugbugan ako o sumagot ng pabalang kasi ibig sabihin nun di pa ako nun sobrang badtrip. Tumatahimik lang ako kapag badtrip na nga nasasaktan pa. Tsk.


May mabigat na feeling talaga sa dibdib ko. Di ko gusto yung pagsisinungaling sa akin ni Gerald.

Napansin ata yun sakin ni Gerald pero di alam kung ano gagawin niya, he knows kasi kung nagkakaganito ako, it means grabe ang dinadala kong emosyun. It's not a matter of inis or galit, more like hurt and dissapointed. 

Mga ilang oras din kami walang imikan hanggang makarating na kami sa resort. Sa inis ko di ko tuloy naappreciate yung ganda nito at dali dali nalang ako pumunta sa reception area para tanungin kung saan nakareserve yung cottage namin dalawa, nakita ko namang sumunod sa akin si Gerald na may halong pagaalala sa mga mata niya at tila nagdadalawang isip kong sasamahn niya ako papunta sa cottage o magpapaiwan sa reception area para magcool down ako. 

Kahit galit ako at nasaktan sa pagsisinungaling niya mahal ko pa din ang ungas na to hays. Kaya bumalik ako sa kanya at hinatak ang kamay niya. Di ako nagsalita galit ako e pero naramdaman kong hinigpitan ni Gerald ang pagkakahawak sa kamay ko na siya namang dahilan para makaramdam ako ng spark hehe at paglakas ng tibok ng puso ko. Ano ba galit nga ako, stupid heart!

Ramdam ko sa paghigpit niya ng hawak ang mga salitang di na kailangang sabihin pa, like he's sorry? At mahal niya ako talaga. Hays.

Binitawan ko na kamay niya nang nasa cottage na kami para mabuksan ko na yung pinto at makapasok. Pernes maganda yung cottage parang mini house lang, kumpleto sa gamit, may kusina, living room at bedroom na napakaganda ng design. Nilapag ko na mga gamit ko sa sahig at dumerecho sa may patio na parte ng cottage na may venetian blinds at sliding door na kitang kita ang dagat. 

Hinawi ko yung blinds para tingnan ang napakagandang beach na may mangilang ngilan na nagbabakasyon din.

Di ako umimik.

Ilang saglit pa naramdaman kong yinakap ako sa likod ni Gerald at pinatong ulo niya sa balikat ko.

"Galit ka ba? Sorry na baby," pabulong niyang sinabi. Hmf kung akala niya madadala niya ako sa paglalambing niya nagkakamali siya. Kailangan pa ng konteng lambing pa, landi lang? haha

Napagbuntong hininga ako. Kahit naman galit ako wala din naman silbi, mahal ko e. 

"Ayoko lang na nagsisininungaling ka, kung gusto mong pagkatiwalaan kita, kailangan wala tayong tinatagong sekreto sa isat isa at kailangan honest tayo, mahirap mabuo ang trust ko Gerald kapag mawala to," seryoso kong sabi which is true. Mahirap mabuo ang trust ko kapag mawala ito kaya dapat ingatan to ni Gerald. Di ako pachix o pakipot sadyang ganoon talaga ako. Masakit kasi kung binigay mo full trust mo sa isang tao at mababaliwala lang. Simpleng bagay lang yun pero ang laki ng halaga nun sa akin na kayang dumurog sa puso ko.

"Sorry," mahinang sabi ni Gerald, "promise I will always tell you the truth."

Ngumiti ako at humarap na sa kanya habang nasa bewang ko mga kamay niya. 

"So ano ang dapat mong ipagtapat sa akin," alam ko kasi meron, he wont lie kung wala.

Tiningnan niya muna ako sa mata, kinikilatis at alam niyang sinsero kong tanong yun kaya dapat di siya magsinungaling.

"Uhhm sinangla ko kasi ang relo," medyo binaling niya mga mata niya palayo sa akin para di ko siya matingnan ng derecho at nahihiya pa. Tumaas ang kilay ko dun, bakit niya sinangla? 

May problema ba si Gerald na di niya sinasabi sakin? Nagalala tuloy ako.

"Bakit?" tanong ko nang di na dinugtungan pa niya halata kasing naiilang siya sa topic, bakit kaya?

"Ah e uhmm," paligoy ligoy niya.

"Spill it out Gerald," gusto ko kasi malaman.

Napabuntong hininga siya.

"Una sa lahat kung ano man ginawa ko ayaw kong isipin mo na mali ang ginawa ko, in fact it was the best decision I ever did ok baby?" giit niya.

Tumango nalang ako. 

"Sinangla ko yung relo ko at binenta yung iphone ko para mabili ko yung sing sing and di ko yun pinagsisisihan, kahit pa maulit yun gagawin at gagawin ko pa rin, aksaya man kung isipin mo sa pera pero mas mahalaga sa akin ang ngiti na nakita ko sayo nang isuot mo yung singsing. Mas mahalaga yun sa akin Derick. I'm sorry I lied but I'm not sorry na ginawa ko yun, never in my life I'll be sorry kung mapapasaya kita. Mahal kita baby e," 

Uhmm errr bakit parang lumalabo ang paningin ko, ah teka may buhangin ata sa mata ko, sh*t wala pa nga kami sa beach napuwing agad? May isang luha na tumulo sa mga pisngi ko na agad ko namang pinahiran, kakahiya. Di ko kontrolado emosyun ko ngayun lintek na. Bat ganun, di ko alam ano iisipin ko, to kasing si heart masyado hyper gusto ata ako maheart attack. 
Saying na natouch ako sa ginawa niya is an understatement, napaiyak ba niya ako ng wala sa oras na hindi naman ako ganito. Badtrip I need some manly things to do, ginagawa na akong babae ng ungas na to. 

Yinakap ko si Gerald na sobrang higpit, nagulat naman siya pero hinayaan niya ako. 

"Umiiyak ka ba?" bigla niyang tanong.

Pinahiran ko kaya agad mga mata ko.

"Hindi ah napuwing lang ako,"

Ngumisi naman ang loko sa akin. Binatukan ko nga. 

"Aray naman ganyan mo ba tratuhin ang baby mong pogi?" pagpapacute ni Gerald.

"baby-hin mo muka mo!"

Tinulak ko na siya palayo sa akin at naglakad papunta sa patio nang inopen ko sa sides yung blinds at binuksan yung sliding door. Bago pa man ako makahakbang pa, tumalikod ako sa kanya at tiningnan siya ng maigi. 

"Gerald," seryoso ang tono ko habang tiningnan ko siya sa mata.

"Mahal na mahal kita,"


Nakitang kong may kung anong lalim na emosyun ang nakita ko sa mga mata niya. Tuwa? Pagmamahal? I think more than that. He smiled at me, a smile saying it all. 


He is in love.




------------- 



Nagpaalam ako kay Gerald na may bibilhin lang ako para sa movie night namin mamaya. Siya naman e nagpaiwan sa cottage after namin maligo sa dagat. Nagenjoy kami sa mga ilang activities ng resort tulad ng scuba diving, snorkling, may jet skiing pa ah. 

While I was on my way sa isang grocery store malapit sa resort, naisip ko na kunin yung relong yun ni Gerald. Di ko hahayaan na isangla niya yun, alam ko kasi may sentimental value yun sa kanya. 

Napatingin ako sa singsing na suot suot ko, nang dahil sa akin nagawa niya yun para sa akin? Minsan talaga napakaimpulsive ng taong yun hays.

Buti nalang alam ko kung saan binili ni Gerald yung singsing, obvious naman sa pangalan nakalagay sa box, so bali within that mall lang niya sinangla relo niya. Hahalughugin ko lahat ng stores at mall kung kinakailangan hmf.

Di ko namalayan nasa grocery store na ako. Naghanap na ako ng mga chichiriya at softdrinks pangchibog habang manood kami ng movies buti nalang talaga dala ko hard disk ko pati laptop, pwede ko naman dun ikabit yung TV sa cottage para manood ng nadownload kong movies.

Kumuha narin ako ng alak, wala lang baka kung sakali e mapagtripan naming uminom, nagkibit balikat lang ako.

Napansin ko may nakatitig sa akin na guy na obvious turista din. Mukang galing manila kung sa porma.

Tiningnan ko siya ng masama, rude kaya mangtitig ng tao na di mo kilala, tsk.

Umiling nalang ako at dumerecho sa counter para bayaran mga nabili ko.

"Ah sir may discount card po ba kayo?" tanong ng cashier.

"Ah wala e, icredit card ko nalang pwede ba yun?" 

"Ah yes sir,"

Inayos na niya lahat lahat at binayaran ko na yun habang nilagay na sa mga plastic bags ang binili ko.



---------- 



Nakarating ako sa cottage na malapit na magdilim. Naamoy ko naman bigla mula sa kusina ang bango ng niluluto ni Gerald, wow ha marunong magluto ang ungas na yun? 

"Ger?" tawag ko mula sa sala.

"O andyan ka na pala, nagluto ako ng hapunan natin, tara upo ka na sa lamesa," mukang masaya siya ah.

Nilapag ko na lang mga pinamili ko at pumasok sa kusina kung saan nakalagay din yung dining table. May nakalagay na food sa table, mukang masarap.

"Chicken curry?" tanong ko.

"Tumpak, tara kain na tayo, niluto ko talaga yan para sayo," masayang sabi niya.

"Marunong ka magluto?" 

"Oo naman, ano kala mo sa akin hindi marunong sa kusina? Pwede na nga akong magasawa e," sabay ngiti sakin with those dimples, kinlig ako langya.

"Ows asawa?"

"Bakit ayaw mo ba akong maging asawa?" panunukso niya.

Adek lang niya ah. Asawa agad? Di pa ata alam ni Gerald na walang ganun sa pinas lol.

"Ewan ko sayo, kain na nga tayo," tinikman ko yung niluto, "wow masarap ah"

"Opkors para sa future husband ko kaya ginalingan ko," hay naku ayan nanaman mga kasweetan ng loko, di ko mapigilan kiligin sa mga pinagsasabi niya. Sino ba tatanggi sa kanya maging asawa, ang pogi na nga marunong pa sa gawaing bahay haha, perfect husband lol.


Sarap na sarap kami kumain ng hapunan namin. Matapos naman yun e pumunta na kami sa kwarto kung saan nakalagay ang malaking flat screen at sinet up ko na yung hard disk at laptop ko para mag movie marathon kami. 

Pareho kami nakaupo sa kama pero ang likod ko nakasandal sa kanya habang yakap yakap niya ako at siya naman e nakasandal sa may head board ng kama habang nakatalukbong kami ng kumot, ang lamig kasi ng aircon and I like how Gerald embrace me kaya hinihimas himas ko braso niya na nakayakap sa dibdib ko habang kumakain kami ng chichiriya nanonood ng The Walking Dead. Hindi pala movie marathon, series marathon pala lol.

Bawat may nakakagulat na eksena na lumalabas yung mga zombies lintek napapausog ako bigla papunta kay Gerald para lalo ko siyang naiipit, wala lang naman sa kanya at minsan pa nga e naramdaman ko siyang tumawa sa reaksyon ko. Ramdam ko kaya sa likod ko na nakadikit sa dibdib niya ang pagtawa niya, nakakakiliti hehe. Ang init pa naman niya, I love how his body embraces me. Hinigpitan naman niya yung yakap niya kapag nagugulat ako at napapatabon muka ko sa mga braso niya na nakayakap sa akin. Bakit kaya di natatakot ang loko? The show is freaking scary!

"O sh*t, O sh*t takbo na, ano ba yan munt@nga lang? bakit pa kasi di nila nilock yung selda kapag natutulog ayan zombie food tuloy sila, kapag ako nandyan bahala nakasirado talaga selda ko," komento ko nang naging zombie yung isa nilang kasamahan kasi namatay sa loob ng cell block dahil sa swine flu ata.

"Ewan baka kailangan magbawas ng characters, cute nung si Beth no?"

Napalingon ako bigla sa kanya at sumimangot. BETH? CUTE si BETH? 

"Kaseloso naman ng baby ko, ahaha," at hinalikan ako sa labi, smack lang naman na siya namang ikinapula ng pisngi ko. Hmf fine, he is forgiven, pasalamat siya palabas lang ito naku pag nagkataon I'll castrate him. Ouch. 

Tinuon ko nalang panonood ko sa palabas. Bawat panggulat na mga scenes, napapahawak ako ng mahigpit sa mga braso ni Gerald at napipisil ito. What? Magugulatin ako e, di ko nga alam bakit ito pinanood namin, sabagay kesa sa mga chick flicks mas gusto ko na ang horror at gore movies, maingay nga lang ako tsk. Buti naman di naiirita si Gerald sa kaingayan ko sa panonood nito, may naiintindihan ba siya sa bawat rants ko sa mga eksena? Lumingon ako bigla sa kanya and nakita ko siyang nakatitig pala siya sa akin the whole time? What the? Nanonood ba siya ng palabas o ako ang pinanonood niya. 

May kung anong emsyun ang nasa mata niya nang mahuli ko siyang nakatitig lang sa akin, ngumiti lang naman siya.

"What? May dumi ba ako sa muka? Sorry maingay ako,"

Umiling lang siya at nakangiti pa din na tila nageenjoy siya sa nakikita niya, adek lang?

"ang cute mo manood ng horror movie," biglang bulalas niya na nagmistulang kamatis sa pula nanaman ang pagmumuka ko. 

"Cute mo muka mo, panoorin mo nga, sayang yung palabas ang gandang show pa naman oh," pangumbinse ko nang di na niya ako titigan sa likod, nakikiliti ako just by thinking about it, weird lol.

"Ok baby," at pinatong niya ulo niya sa balikat ko bago niya hinalikan pisngi ko habang yakap yakap pa din ako at tinuon yung pansin niya sa palabas. Hindi naman ako umimik, pero deep inside kinikilig ako. Parang I feel secured habang ginagawa ni Gerald ito, parang ayaw niya ako pakawalan sa mga bisig niya which makes me happy. Ngumiti nalang ako at nanood.

"Huwaaaaah No! Herschel," napasigaw ako, nalungkot ako lalo na nung nakita ko pinugutan na siya ng ulo sa lupa. 

Nakita siguro ata yun ni Gerald kaya tinaas niya ang kanang kamay niya para haplusin ang pisngi ko tsaka naman niya pinalingon ako sa kanya para matingnan niya ako mata sa mata. Hinalikan niya ako ng marahan na nagpapikit sa akin. Mmmm yummy.

Pernes ang galing ni Gerald dumiskarte para di ako malungkot sa scene na yun ah.

Maya maya pa e medyo naging mapusok na ang halikan namin, kung saan saan na naglalakbay ang mga kamay ni Gerald. Hinimas himas na niya dib dib ko, pababa ng pababa habang napaungol na ako sa ginagawa niya. Mukang nagustuhan naman ni Gerald yun kaya pinasok niya kamay niya sa loob ng t shirt ko at naramdaman ko ang mainit niyang mga palad na hinihimas ang tyan ko papunta sa dibdib ko, nakiliti ako na parang nakuryente sa bawat haplos ng kamay niya sa katawan ko.

------------------------------

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Where stories live. Discover now