CHAPTER 16

17.6K 311 19
                                    

DERICK:



It has been a weird day for me, Ewan ko bakit pero parang halos buong araw di ko mapigilang mapatitig kay Gerald ng sobrang tagal at parang may kung ano sa dibdib ko na lumalakas ang tibok nito. Di ko mapigilang magisip na parang may kung ano kay Gerald. I mean, tinangka niya ring halikan ako diba? Sino ba namang nasa tamang pagiisip na straight guy na hahalikan ako. Straight nga ba siya? Ako straight nga ba ako? Ewan naguguluhan na ako sa mga nararamdaman ko. Inamin ko na may paghanga ako kay Liam pero nagkakagusto pa din naman ako sa babae ah? Yun nga lang parang lately nawawala na interes ko sa kanila. Kahit nga yung lagi kong iniisip si Hannah medyo napapalitan na unti unti. 

Di ko nalang namamalayan sarili ko na napapatingin ako kay Gerald ng di ko sinasadya lalo na kapag free period at nandun siya sa kabilang sulok ng classroom may kausap. Paminsan minsan nahuhuli niya akong sumusulyap sa kanya kaya bigla kong binabaling sa iba atensyon ko. 

“Tol!” sabay akbay sakin, di ko namalayan nilapitan na niya pala ako, “Ok ka lang?”

“Uh O-ok lang,” bakit ba parang nauutal ako sa kanya.

“Sure ka?” may halong pagtataka yung expression ng pagmumuka niya.

“Ah oo naman bakit?”

“E kasi uhm,” prang nahihiya siyang sabihin habang hinawakan niya yung likod ng leeg niya, “kanina ko pa kasi napapansin na parang panay ang tingin mo sakin, ibig ko sabihin, uhm may problema ba? Galit ka ba sakin?”

Namula ako sa sinabi niya, napansin din niya pala niya. Ako nga din di ko alam kung bakit. Parang di ko na alalm at kilala sarili ko. 

“Ah eh di ako galit,” halatang namumula ata ang pisngi ko, di ako makatingin sa kanya ng derecho, langya.

“Tol bakit parang namumula ka?” pagtataka ni Gerald.

“Ha?” gulat kong sabi, sh*t ano ba tong nangyayari sakin bakit ganito ang pakiramdam ko kapag andito si Gerald.

“OK ka lang?”

“Teka CR lang ako,” pagmamadali ko at di ko na siya tiningnan pa, sana hindi niya mapansin ang kweirduhan na tong pinaggagawa ko.

Bigla nalang ako umalis sa upuan ko at dumerecho sa pintuan na kung saan tinitingnan ako ng masama ni Anne. Wala naman talga ako pakialam sa kanya, hindi nga kami nagapansinan matapos mangyari sa bahay nila and wala lang yun sakin. 

Dali dali akong pumasok sa Male CR at tumungo sa lababo na may salamin. Sh*t ang pula ng muka ko. Ang init nga ng tenga ko at ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang weird ng nararamdaaman ko sa mga panahon ngayun. Matapos kong muntikang magpaubaya sa libog ko sa kwarto a ni Gerald parang medyo may kung ano sa akin na nagbago. 

Di ko na mapigilang pansinin ang bawat kilos ni Gerald, ang kanyang muka na napakagwapo, tikas ng katawan, at ang pagiging makulit niya, bakit ba naiisip ko ang mga ganito sa kanya. 

Naalala ko ulit ang nangyare sa kwarto niya. Nakapatong ako sa kanya, ramdam ko ang bigat at lalim ng paghinga niya habang nakatitig sakin na puno ng pagnanasa. Ang mga matatamis niyang labi, mapupulang labi na gustong gusto ko halikan, ano kaya lasa ng halik niya? Sh*t i really need to stop thinking about this. Ano ba nangyayari sakin. 

“Tol,” hingal na hingal at biglang sambit ni Gerald sa likuran ko. Mukang hinabol nga ako ng mokong.

Tiningnan ko siya sa salamin. Nakita ko sa mga mata niya ang pagaalala, mukang naguguluhan sa kinikilos ko, ako nga rin e di ko alam kung ano kinikilos ko lintek na.

Naghilamos ako bigla para mahimasmasan ako at mawala ang pamumula sa muka ko man lang.

“May sakit ka ba?”

“Ah wala,” tumalikod na ako para harapin siya, medyo basa pa ang muka ko at ilang bahagi ng buhok ko.

“Bigla ka lang umalis, kung may bumabagabag sayo nandito naman ako, baka makatulong ako,” mahinahon niyang sambit habang papalapit siya sakin.

“Ok nga lang ako!” napasigaw na ako, di ko na kasi alam gagawin ko, pinagnanasaan ko si Gerald. Habang papalapit siya sakin parang gusto ko siyang yakapin at halikan, halik na na may pwersa at may pagnanasa. Sh*t kapag lumapit pa sakin si Gerald baka di ko mapigilan sarili ko.

Nagulat si Gerald sa pagsigaw ko pero imbis na masaktan siya sa inasal ko e nagalit din siya. Nagsalubong ang dalawa niyang kilay at halatang nababadtrip na sa kinkilos ko, ako man din mababadtrip sa sarili ko kapag lagi ko ba namang tinutulak papalayo ang kaibigan ko.

“Ano ba problema mo tol ha?” nakalapit na siya sakin ng husto para biglang hawakan ng mahigpit ang kwelyo ko gamit ang dalawa nyang kamay.

Damn he’s hot kapag galit siya, langya pati ba naman yun iniisip ko pa. Nakapang iinit ng katawan ang kanyang reaksyon and mas lalo akong natatakot para sa sarili ko kung di ko mapigilan sarili ko.

Lalo niya hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ko at lalong bumilis ang tibok ng puso ko, biglang may kung anong sumanib sa katawan ko at nanginit ito. Tinitigan ko ang pagmumuka ni Gerald, mata sa mata, hindi ko maiwasan mapatitig sa kulay light brown na mata niya at napatingin sa mga labi niya. Wala na, bahala na si batman.

“Nababadtrip na ako sayo ah!,” inis niyang sambit.

Bigla kong hinawakan ang dalawa niyang kamay na siyang kinagulat niya at tinulak ko siya ng pagkalakas lakas papunta sa may pader ng CR. Nagulat siya sa biglang pagtulak ko at magkadikit yung aming katawan. Ang bango niya, may halong cologne at amoy niya na nakakalibog.May kung anong pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya. 

Tumigil ang oras.

Naglapat ang aming mga labi, nung una parang hindi siya gumagalaw at halatang natulala sa nangyayari. Nilalasap ko ang lambot ng kanyang mga labi. Mga ilang segundo naramdaman ko hinahalikan na rin niya ako pabalik. Hindi ko alam kung ikagugulat ko ba ito pero binaliwala ko na yun. Damn ang sarap ng feeling, ang sarap niya rin humalik and biglang parang naglaho lahat ang nasa paligid ko. Parang tumigil ang panahon para sakin at mistulang wala na akong marinig kundi nakatuon lang ang buong atensyon ko sa halik na yun. 

Naging mapusok ang paghahalikan namin, ramdam ko ang pagbigat ng aming mga hininga at pagbilis ng tibok ng aming mga puso, para bang sasabog na ito sa aking dibdib. Ang init ng katawan niya, at bawat segundong lumilipas lalong umiinit ang paghahalikan namin. Binuksan ko ng bahagya ang labi ko at naramdaman kong pinasok niya ang dila niya at nakipaglaro sa dila ko. Hindi ko alam bakit nagugustuhan ko ito, kakaiba ang sensasyon na binibigay sa akin ng halik na ito. 

Natigilan lang kami sa paghalik namin nang humugot kami ng hininga at para kaming hiningal sa oras na iyun. Di ko namalayan pinikit ko pala ang mata ko para mas lasapin ang sarap ng paghahalikan namin. 

Medyo bumalik na ako sa huwisyo ko, bahagyang magkadikit ang aming mga muka at ramdam ko ang bawat paghinga niya sa mga pisngi at bibig ko. Nakatingin ako sa mga mata niya, may kung anong expression ang pinahihiwatig sa loob nito na para bang, naguguluhan, saya, at punong puno ng pagnanasa, tama ba yung nakikita ko?

“Sh*t sorry Gerald,” bigla kong tinulak sarili ko papalyo sa kanya. Hindi ko na alam kung ano nangyayari sakin, balisa ang kinikilos ko.

Ginulo ko buhok ko sa pagkainis sa sarili kong nararamdaman at bigla nalang ako kumaripas ng takbo papalayo sa restroom.

“Te-Teka Riko!” nauutal na sigaw ni Gerald, siguro hinabol niya ako di ko na alam basta gusto ko lang umalis muna, lumayo, mapagisa. 



GERALD:


Hinalikan ba niya ako?

Tulala ako at hindi makapaniwala sa nangyare, hinabol ko lang naman siya kasi nagaalala ako sa kinikilos niya. Pero mabilis ang pangyayari, di ko nalang namalayan naglapat na ang mga labi namin, nilalasap ang tamis ng aming mapusok na paghahalikan.

Napangiti ako ng bahagya habang hinawakan at hinimas ko ang labi ko, sh*t di ko madescribe bakit ganito nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso, ayaw na ata kumalma ang puso ko sa sobrang saya. Ang pinakaka asam asam ko, natupad na rin sa wakas. 

Habang parang lutang ang isip ko sa kasiyahan napawi agad ito at hinanap ko si Riko, gusto ko siya makausap. Tama, kailangan namin magusap ng masinsinan.

Lumabas ako ng restroom at tinangkang hanapin siya ulit. Ano ba tong taong to? Ang bilis makapagtago. Hays. 



DERICK:


Di ko alam kung saan ako napadpad basta ang alam ko lang kanina pa ako lakad ng lakad na tila wala sa sarili. Hinalikan ko si Gerald, Dammit, what’s wrong with me? Lately parang nagiging impulsive na ako sa mga kilos ko at lalong lalo na lately parang pinagnanasaan ko ang isa ko pang bestfriend. I mean hindi naman ganito ang naramdaman ko kay Liam. Ibang iba talaga ang nararamdaman ko ngayun na lalong nagpapagulo sa utak ko. Hindi ko alam pano haharapin siya, nahihiya ako.

THUD..

Biglang nabungo ko ang isang lalaki sa harapan ko kasi naman hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Pasensya, lutang pa din ang pagiisip ko at kung saan saan ito napupunta. 

“Ah sorry pare,” paumanhin ko nang inangat ko ang ulo ko para tingnan ang isang brusko at maskuladong estyudante din.

Nakasemikalbo siya at may ilang tattoo sa kanang kamay. May kasama siyang dalawang kaibigan niya na pawang malalaki din ang katawan. Yung isa chinito na overweight at yung isa e may katangkaran at malaki din ang katawan.

“Ikaw si Derick Villafuente diba?” maangas na tono ng semi kalbong lalaki.

Napansin ko medyo napalayo ako ng nilakaran kasi parang nasa likod na kami ng campus na halos walang dumadaan na mga tao.

“Pano mo alam ang pangalan ko?” pagtataka ko. Hindi naman ako natatakot sa kanila, bakit naman?

Hinawakan ng dalawang lalaki ang mga braso ko na magkabilaan para hindi ako makapalag.

“Teka bitawan niyo ako, ano ba problema niyo ha?” inis kong sambit.

“Ikaw ang problema namin,” may kung anong galit sa boses niya.

“Ano ba ginawa ko sa inyo, bitawan niyo ko!”

“Hmf,” angas na ningitian niya ako.

Pwe!

Dinuruan niya ako sa muka habang nakatitig siya sakin na para bang naghahamon. 

Aminin ko para natapakan ang ego ko sa ginawa niya, ni minsan wala pang dumura sa akin lalong lalo na sa muka ko. Hindi ako hayop.

“Hindi mo ba alam boyfriend ako ni Anne,” 

Ah so may boyfriend pala si Anne.

“Oh e ano naman ngayon,” pangmamatigas ko. 

Bigla niyang hinawakan at ginusot ang harapan ng uniporme ko habang sinasakal niya ako nito.

“Tang ina mo gagu ka, sa susunod pipiliin mo ang makakabangga mo ha,” sigaw niya sakin na puno ng galit.

“Ano ba ginawa ko sa inyo ha?”

“Sabi ni Anne e pinagsamantalahan mo daw siya, gagu ka pala e!”

THUD!

Biglang nanghina ang katawan ko, ang sakit ng tiyan ko. Sinuntok niya ng pagkalakas lakas ang sikmura ko na akala ko ay mawawalan na ako ng ulirat pero tough luck mukang buhay pa ako at gising na gising para maramdaman ang kung ano pa mang panggugulpi sa akin ng mga lokong ito.

THUD!

Parang nahilo ako sa biglang pagyanig ng kapaligiran ko. Ouch! Sakit nun ah, sa muka ko pa talaga tinamaan.

Nagpumiglas ako pero hinawakan ako ng dalawang mokong nato para di ako makawala. 

Di ko na alam ano nangyayari pero mukang nahihilo ako sa suntok na yun, nayanig ata utak ko. First time ko masuntok, ayaw ko na maulit uli pa.
Akmang susuntukin ako uli nang may narinig ako sumigaw sa likuran ko.

“RIKO!”

Tumigil ang talong loko at napatingin sa likod ko. 

Boses yun ni Gerald, sure ako. Pero di ko siya makita. Dumura ako, nakita ko may dugo sa lupang dinuruan ko. Nahihilo pa din ako.


“Gagu kayo ah, pakawalan niyo si Riko!” 

Naramdaman kong nasuntok niya ang isa sa humahawak sakin kaya nahulog ako at natumba sa lupa.

Tinadyakan naman ako ng kalbo kaya namilipit ako sa sakit. Buti sana kung tumama sa braso ko e hindi ako masasaktan ng ganito pero wow bulls eye sa sikmura ko nanaman ang tinamaan, ang sakit pala dun kapag matamaan. Susuka ata ako nito ng dugo. 

Namilipit ako sa sakit habang hinahawakan ko tiyan ko at gumulong para makita ko na nakipagsuntukan pala si Gerald sa mga lalaking humahawak sakin kanina. 

Ah kaya pala ako binitawan. 

“Gerald..ugh,” umubo ako habang tinatawag siya.

Kahit naman makipagsabayan siya sa suntukan dehado pa din siya, tatlo laban sa isa. Hinawakan siya nung matabang lalaki habang pinagtulungan siya ng dalawa. 

Sh*t nahabag ako sa nakikita, sinasaktan nila si Gerald. 

“Umalis ka na!” sigaw niya sa akin, habang hinahawakan siya.

Ano ako hilo, hindi ko syempre pwede siya maiwan. Gusto ko bumangon pero talagang napuruhan talaga ako sa sikmura ko, ang sakit talaga ng husto.

Lumingon sakin yung kalbo na akmang pupuntahan ako pero tinadyakan siya ni Gerald kahit hinahawakan ang dalawa niyang braso. Kaliwat kanang suntok ang tinamo ni Gerald sa muka niya pati sa katawan, naawa ako sa kanya. Gusto ko bumangon kaya pinilit ko at lumapit sa kanila.

“Tama na!” sigaw ko.

Binaling ulit sakin ang atensyon yung kalbo at hinawakan ang kwelyo ng uniporme ko. 

“Huwag mo siyang saktan!” nanghihinang sigaw ni Gerald.

Tinadyakan nanaman ako sa sikmura ko gamit ang tuhod niya, bakit ba paborito niya yun sa akin langya. Di pa nga ako nakakarekober sa sakit ayun isang malakas na tadyak nanaman. 


“HOY ANONG NANGYAYARI DIYAN?” sita ng isang janitor na napadaan sa lugar namin.

Biglang kumaripas ng takbo ang tatlo at iniwan kami ni Gerald sa lugar na iyon. Napahiga ako sa lupa habang namimilipit sa sakit. Sana man lang e braso nalang nila ako pinagtatadyakan huwag sa sikmura, parang isusuka ko na ata ang bituka ko nito.

Napaluhod naman si Gerald. Mas grabe pa ata ang tinamo niyang galos at bugbog pero parang mas ok pa siya kesa sakin. Nilapitan niya ako.

“Tol ok ka lang ba?” pagaalala niya.

“Ako nga dapat magtanong niyan sayo,” napangiwi ako sa sakit habang pinagmamasdan ko ang muka niya na namamaga, lalo na sa bandang kanang bahagi ng pisngi niya. Duguan ang labi niya pero tila di siya apektado.

“Ok lang ba kayo dalawa?” lumapit samin yung janitor.

“Kuya pwede niyo ho ba ako matulungan dalhin ang kaibigan ko sa health office?” 

“Ah oo sige sige,” at tinulungan ni manong ako makatayo habang inaalalayan ako nilang dalawa.

“Ikaw iho ok ka lang ba?” tanong ni manong kay Gerald.

“Ok lang,” napangiwi siya sakit pero halatang iniinda lang niya ito.

“Sorry,” pabulong kong sabi habang nawawalan ako ng ulirat.

Di ko na alam ano nangyari basta bigla nalang nagdilim ang paningin ko at wala na. 




...................................



Nagising ako na nasa isang malambot na higaan. Naririnig ko ang mga yapak ng sapatos sa paligid pero ng minulat ko ang mga mata ko nakita ko nasa isang health office kami ng campus. Tinangka kong bumangon pero napahiga agad ako sa sakit ng katawan ko pati muka ko. 

Lumingon ako sa paligid at nakita ko nasa tabi ko pala si Gerald. Nakaupo siya sa isang silya at nakasandal ang ulo niya sa higaan ko habang hawak hawak niya kamay ko. Napansin ko may pressure dressing sa muka si Gerald at ilang band aid sa galos sa braso at kamay. Hinubad na rin niya ang uniporme niya at naka sando nalang siya, ang ganda talaga ng katawan niya kahit ntutulog siya.

Ang payapa ng muka niya habang natutulog. Rinig ko ang di gaanong kalakasan na paghilik niya. Para siyang bata, cute kung matulog. Parang may sariling pagiisip ang kabila kong kamay at dahan dahan itong lumapit sa payapang muka ni Gerald. Hinawi ko ang buhok niya. Sorry, yun lang naisip ko. Dahil sakin nasaktan din siya.

Yung oras na yun lang napagtanto ko na hinahawakan nga talaga ni Gerald ang kanang kamay ko ng mahigpit. Medyo nasiyahan naman ako habang ramdam ko ang init ng aming mga kamay. Hinigpitan ko ito ng bahagya, hindi naman siya nagising kundi parang gumalaw lang ng kaunti.


“Oh gising ka na pala,” biglang sabat ng isang nurse na pumasok sa kurtina namin. 

Medyo nagising si Gerald nang binati ako ng nurse pero halatang groggy ang mokong habang hawak hawak niya kamay ko.

“Naku kayong mga bata kayo, kaya ang anak ko di ko pinapasali sa mga frat frat na yan, ano ok ka na ba iho?”

Akala siguro ng nurse e kasali kami ng frat, di ko na siya kinorek pa, nanghihina pa ako e.

“Yang kaibigan mo mas madami pang sugat kesa sayo pero ayaw ka iwanan at humiga sa kabilang higaan, tigas din ng ulo oo,” sermon ng nurse.

Napatingin nalang sakin si Gerald na tila kagigising lang.

“ok ka na ba tol?” pagaalala niya.

“Ok lang medyo masakit lang ang katawan ko,” nanghihina kong sambit.

“Wala ka namang fractures iho pero gusto ko sana ipadala kita sa ER baka may internal hemorrhage ka, ang lalaking pasa ang nasa tiyan mo,” sabi ng nurse.

“Huwag na po,” at bumangon na ako sa kinahihigaan ko.

“Teka tol,” habang inaalalayan niya ako.

Napansin ko hawak hawak pa din niya ang kamay ko at nakita niya yun kaya bigla niyang binawi ang kamay niya at namula siya. Namamaga na nga ang muka ng mokong nagblush pa siya? Di ko mapigilang matawa, ouch ang sakit.

“Teka hindi ba kayo magpapahatid sa ER?” sambit ng nurse habang pinipigilan niya akong umalis.

“Hindi na po salamat nalang kaya ko naman na,” sagot ko.

Napakunot ng noo nalang ang nurse pero wala siya magawa. Umalis na kami sa healh office at lumabas ng campus. Di ko namalayan halos matapos na ang araw ng nagising ako, kanina pa pala kami sa clinic. Tapos na siguro lahat ng klase namin at napagpasyahan namin iwanan nalang mga gamit namin sa room, bukas nalang namin babalikan.

Inupo muna ako ni Gerald sa isang bench malapit sa clinic. Walang masyadong tao ang dumadaan dito kasi sa bandang katapusan ito ng campus.

“Tol kaya mo pa ba? Pumunta kaya muna tayo sa ER?” pagaalala ni Gerald.

“Huwag na,”

“tigas talaga ng ulo oo,”

Napatawa ako ng bahagya at sumeryoso agad naman uli.

“Tol sorry ha,” tiningnan ko na siya sa mata.

Nakikita ko sa mga mata niya ang halo halong expression pero higit sa lahat ito’y puno ng pagaalala at lungkot, di ko alam kung bakit.

“Sorry saan?”

“Sa lahat,” sabi ko.

“Wala yun, alam mo naman nandito lang ako lagi para sa iyo.” Ngumiti siya sakin.

“Hindi, uhm ibig ko sabihin sa lahat, hindi lang yung nadamay ka sa gulo, basta lahat,” 

“Ano ba ibig mong sabihin?”

“Di ko sinasadyang halikan kita,” di ko kayang tingnan ang muka ni Gerald.

Di muna umimik si Gerald, nakiramdam lang ako sa kanya. Maya maya ay nagbuntong hininga siya.

“pinagsisihan mo ba na hinalikan mo ko?”

Nagtaka ako sa tanong niyang yun. Hindi ba siya nagsisisi din?

“Bakit ikaw hindi? Alam ko mali ginawa ko...”

pinigilan niya ako sa pagsasalita.

“Wala akong pinagsisisihan at hinalikan din naman kita diba?”

napatingin ako sa kanya, di ko alam kung ano sasabihin ko at napanganga lang ako habang nagsasalita siya.

“Riko...” huminga siya ng malalim habang humuhugot ng lakas para sabihin ang gusto niyang sabihin. 

“Hindi ko pinagsisihan na hinalikan kita and gagawin ko ulit yun kung may pagkakataon. Matagal na kitang gusto, hindi ko na alam gagawin ko pero talagang di ko na kayang itago pa sayo ang nararamdaman ko,” parang ang bigat ng dinaramdam niya mistulang unti unting gumagaan base sa boses niya.

“Mahal kita Riko.”

Sa mga sandaling iyon di ko na alam kung ano ang sumasagi sa utak ko bastat naramdaman ko nalang naglapat uli ang mga labi namin. Nilasap ko ulit ang tamis ng kanyang halik habang napapikit na ako at tumigil ang oras para sa aming dalawa.






To be continued

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang