CHAPTER 23

15.4K 277 7
                                    




DERICK:


Nakita ko si Evan na papalapit sa amin na may kung anong ngiti sa kanyang labi. Naginit dugo ko sa kanya, parang gusto kong sapakin ang pagmumuka niya para mawala ang angas niyang ngiti. I don’t know kung nagseselos ba ako o hindi pero may kung anong inis talaga ako na nararamdaman sa kanya. 

“Gerald!” tawag niya habang ngumingiti to sa kanya.

Nakita ko sa tabi ko si Gerald na medyo sumeryoso ang pagmumuka. 

“Mauna muna kayo, maguusap lang kami ni Evan” seryoso niyang sabi. 

Ngumiti lang naman si Evan sa amin bago ibinaling niya ang atensyon niya kay Gerald. 

Ok Im jealous. Ugh.

“Tara na Derick,” habang hinila ako ni Liam.

Lumingon ako para tingnan ulit silang dalawa pero mukang may seryoso silang paguusapan at naglakad na papunta sa di mataong lugar sa kabilang dereksyon. Gusto ko sila sundan, di ko alam bakit basta gusto ko lang, ewan naiinis ako.

“Where do you think you’re going?” sabay hablot ni Liam sakin para pasamahin ako sa kanya.

“Ah eh,”

“Leave them be Derick, hayaan mo sila magusap,”

“Why?”

“Para hindi na kayo guluhin ni Evan,judging from Gerald’s attitude a while ago, he’s happy to be with you, trust him, ok?”

Kumunot noo ko.

“I do trust him, yang Evan na yan ang di ko pinagkakatiwalaan,” pagsimangot ko.

Natawa naman si Liam sa pagmumuka ko, kainis pati siya tinatawanan ako. 

“What?”

“Nothin you just look adorable pouting like that,” 

Nakita ko siyang namula sa pisngi. Is he blushing? Weird.

“Ehem, anyway, I know Gerald loves you so don’t worry about it, tara na nagugutom na ako kain muna tayow,”

“Hays ok,” ano pa nga ba magagawa ko diba.

He chuckled again. 

Tiningnan ko nga siya ng masama. Kainis. 

“Are you sure you guys aren’t together? You act like a possessive girlfriend.”

“I am not possessive and sino may sabi ako ang babae samin,”

I just didn’t realize what I’ve said and bigla ako nahiya sa sinabi ko in front of people walking around. Pinagtinginan nila ako na para bang may nakatatak na weirdo sa ulo ko. Nagmistulang kamatis na siguro ang muka ko sa pula na siya namang ikinatutuwa ni Liam para lalo akong alaskahin. 

Sinapak ko nga sa braso makaisa.

“Ouch, that hurts dude,”

dinilaan ko nalang siya na parang bata. 

“Real mature,” and he rolled his eyes.

Natapos nalang yung free period namin pero wala pa din si Gerald. Gusto ko siya hintayin pero sa isip ko magkikita pa naman kami sa next class namin, magclassmates kami e. Liam went ahead sa next subject niya and nagpaalam na sakin. 

What ticks me off is that bakit di man lang kumain na kasabay namin si Gerald. Ganun ba kaimportante ang pinaguusapan nila ni Evan para di sumipot sa break namin? Imposible matakaw kaya yun. 

I dunno medyo may kung anong pumipiga sa puso ko na parang mas nag spend siya ng time kay Evan na yun kesa sakin. D*mn I really act like a possessive girlfriend ugh. To think hindi pa nga kami nun. What if magsawa siya mangsuyo sakin kasi hindi ako ganun ka vocal sa feelings ko. Heck mas may feelings pa ata ang bato kesa sakin. Di naman sa manhid ako, di lang talaga ako marunong magpakita ng emosyun. Hays these d*mn thoughts is killing me. Nasaan si Gerald?

“Huy!” biglang bulaga sakin ni Gerald nang papalapit na ako sa building namin.

Part of me ay natuwa makita siya ulit pero part of me ay parang naiinis na ewan. Nagtatampo ako, and worse di ko alam bakit.

“Oh bat nakasimangot ka?” 

“Ewan ko sayo!” inis kong sambit.

“Uy ano ginawa ko?”

“Wala,”

“Oh wala naman pala e bat ganyan ka?”

“Ewan ko sayo,”

“Ang labo mong kausap, alam mo ba yan?”

“Ewan,”

Nakikita ko naiinis na din si Gerald sakin pero ewan nagtatampo ako sa kanya. Ugh, I hate myself, why am I feeling this way. Naiinis talaga ako pero di ko kaya magalit, parang gusto ko siya katabi at kausap ngayon pero nagtatampo ako sa kanya. Ewan ang labo ko nga talaga. He is making me confused as hell. What is he doing to me?

Tiningnan ako ni Gerald na para bang may napakahirap na math question na pilit niyang hinahanapan ng sagot. Nagkunot ang noo niya habang patuloy na inistudyuhan ako. 

“Nagseselos ka ba?”

Bigla akong namula sa sinabi niya.

“hindi ah!,”

“Bakit ka ganyan?”

“Ano ibig mong sabihin?”

“Bakit parang nagmemenopause ka ata ngayun,”

binatukan ko nga, kainis e.

“Aray sakit nun ah, pag di ka umayos diyan hahalikan kita!” bulalas niya.

Natigilan ako sa sinabi niya at gulat na tiningnan siya. 

Nasa hallway na kami and I know may mangilan ngilan na estyudante ang nagsisipaglakad doon papunta sa mga klase nila.

“Subukan mo makakatikim ka sakin,” banta ko sa kanya.

Nakita kong ngumisi siya na para bang may pilyong iniisip. Oh no! hell no, iniba ata niya ang interpretasyon sa sinabi ko. Kumunot na talaga noo ko at papasok na sana sa klase namin nang hinatak niya ako pabalik sa kanya at naglapat ang aming mga labi. 

Di ako makagalaw sa gulat ko pero ramdam ko ang labi niya sa labi ko. Ang lambot, hindi to una kaming naghalikan pero d*mn di pa rin ako nagsasawa halikan siya. Napapikit ako at nilasap ang halik niya. Nagpaubaya na ako sa bawat galaw ng aming mga labi. Ang lambot at bawat halik ay lalong nagpabilis sa pintig ng aking puso. Naginit ang aking muka, di ako makahinga and then bigla siyang bumitaw.

Tiningnan niya ako na may halong ngiting pilyo. Ako naman tulala and was thinking, what just happened? 

Lumabas ang dimple niya sa kanyang cheeks habang ngumiting nakatingin sa akin.

“I love you,” simpleng salita lang galing sa kanya.

Sh*t natunaw ata ako sa kinatatayuan ko lintek na. Napipi ako at tila walang masabi sa kanya. 

“Tara na malalate na tayo,” ngumingiti pa din siya sakin. Ang cute ng ngiti niya, nakakatunaw.

I blinked my eyes for a while nang mahimasmasan ako, nasa hallway pala kami. May ibang estyudante na napatigil sa kinatatayuan nila at gaya ko gulat din na nakapako ang mga tingin nila sa amin. Halos pati bibig nila nakanganga. 

Hinablot ni Gerald mga kamay ko para pumasok na kami. Naglakad ako na para bang wala sa sarili. Sh*t kakahiya, i felt my blush crept all through out my face langya. This is all Gerald’s fault. Kainis siya!

Ngiting aso pa ang loko!

Hinablot ko kamay ko palayo sa kanya nang nasa classroom na kami at iniwasan ko ang mga titig ng mga classmates namin. Nagtataka ata sa sobrang pamumula ng muka ko habang yung iba na nasa hallway pumasok na rin sa klase na walang imik. 

Patay talaga tong mokong na to sakin mamaya. Pero kahit anong inis ko, aminin ko kinilig ako sa kanya. I hate my life. Ugh.

Buti nalang pumasok na yung professor namin kaya pansamantalang napawi ang awkwardness sa klase. 

Di ko na pinansin ang mga ilang makahulugang titig samin na mga classmates namin, habang yung professor namin ay naglelecture sa harapan.

“Huy galit ka?” mahinahong pagaalala ni Gerald.

Di ko siya kinibo. Naiinis pa din ako sa kanya. 

Wala naman ako talaga pakialam sa nangyare sa hallway. Nagtatampo pa din ako about kanina na hindi siya sumipot ng mahigit isang oras sa free period namin. Ganun ba kaimportante ang usapan nila ni Evan para the whole time na yun e sila magkasama? Kala ko ba ako mahal niya, biglang nagpalpitate ang puso ko nang sinabi yun. At namula nanaman muka ko habang iniisip ko nang sinabihan niya akong mahal niya ako sabay nakakatunaw na ngiti niyang yun. Badtrip hirap magalit sa kanya.

“Tol nakadrugs ka?”

Lumingon ako sa kanya na kung anong bilis at tiningnan ko siya ng masama. OK nevermind, i hate him! Nakakainis.

“Ano nanaman ba pinagsasabi mo?”

“Wala lang kanina lang tahimik ka at seryoso, then bigla lang mamumula na parang kinikilig, ako ba iniisip mo?” ngumiti siya while wiggling his eyebrows, nagpapacute ba tong mokong nato.

Tinalasan ko ang tingin ko sa kanya na lalong nagpasingkit sa akin sa sobrang badtrip. 

“Sorry na,” bigla niyang sambit habang tinataas dalawa niyang kamay na parang sumusurender. Good, dapat alam niya sino boss, hehe. 

Napagbuntong hininga ako.

“Ano pinagusapan niyo ni Evan?” medyo seryoso kong tanong.

Sumeryoso din naman siya kaya alam niyang masinsinang usapan to.

“I just told him na mas maiging maging friends nalang kami,”

“pfft, right,” my sarcasm dripping all over my words. 

Tiningnan lang naman ako ni Gerald at umiling.

---------- 


Nagmalling kami ni Gerald after klase. Di na ako badtrip sa kanya, di ko naman talaga siya matitiis. Ang mokong parang bata kung umasta, excited lang sa pagmalling?

“Tol laro tayo arcade,” 

“ang laki laki mo na naglalaro ka pa niyan?”

“Oh e ano naman sige na tol, pleaaaaase,” pagpupumilit niya. Nagpupuppy dog eyes pa, di naman bagay haha.

“Sige laro ka na dito nalang ako,” 

“Ayoko gusto ko kasama kita,”

Inakbayan ako sa leeg at pwersahan talaga akong hinila sa may mga arcade. Ano pa nga ba magagawa ko kundi pagbigyan.

Maya maya kanina ko pa siya napapansin pasimpleng tumitingin sakin habang naglalaro kami. Kapag nahuhuli ko siya e bigla naman niya binabaling ang atensyon niya sa harapan niya. What a weird guy. Sabagay hindi magiging Gerald siya kung di siya may pagkaweird.

Nasa may arcade kami na gumagamit ng baril barilan, though I thought di ako mageenjoy mukang naenganyo na rin ako maglaro. Although paminsan minsan nahuhuli ko pa din si Gerald na pasulyap sulyap sakin, hanggang sa di ko na talaga makayanan.

“What?” bigla kong sambit.

“Anong what?”

“Kanina pa kita napapansin na panay tingin sa akin,”

Ngumiti sakin si Gerald. Hindi talaga nakakasawa tingnan ang ngiti ni Gerald, ang cute niya.

“Wala lang, masaya lang ako.”

“Bakit naman?”

“Kasi parang we’re on a date,”

Tiningnan ko siya na para bang may sinabi siyang alien language.

“Huh?”

“Wala tara kain tayo sa food court, ano gusto mo?”

Tumango nalang ako sa kanya. Minsan nagugulat nalang ako sa mga pinagsasabi niya, ngayon ko lang napansin very vocal at showy talaga pala si Gerald kapag may gusto siyang tao. 

Inakbayan ulit ako ni Gerald sa leeg bago naglakad kami papunta sa food court. Gutom na rin kasi ako, gusto ko ng burger steak yum! Napansin ata ni Gerald na marami ako iniisip kaya bigla ko nalang naramdaman may humalik sa pisngi ko at sabay bitaw sa pagkaakbay sakin. Napatingin ako sa kanya at nabigla sa ginawa niya. Aba ang mokong abot tenga ang ngiti pero ang layo niya sa akin. Kumunot ang noo ko, alam niya siguro babatukan ko siya. Sabing ayaw ko ng ginaganun ako sa harap ng maraming tao e. 

Ngumiti lang siya na tila nanghaharot, kainis. Hinabol ko nga sya ng makatikim ng isang malupit na kutos. 



To be continued...

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon