CHAPTER 30

16.3K 292 25
                                    




DERICK:



Matamlay at wala sa sarili akong bumalik sa ceremony. Kita kong mas dumoble pa ang mga tao sa lugar and di ko na nakita pa si James, siguro umalis na siya, ewan. 

Wala naman talaga dapat ako maramdaman na dapat ikaguilty kasi una, wala akong pinaasa kahit na sino man. Pangalawa wala akong sinaktan, I mean intentionally I know wala. Kasalanan ko ba kung kay Gerald tumibok ang puso kong ito. Kasalanan ko ba kung nasasaktan si James dahil sakin e di ko naman alam yun not until pinagtapat niya sakin ang lahat. Kaya wala ako dapat ikaguilty sa kanya. Di mo mapwpwersa ang isang tao mahalin ka and kahit anong pilit mong pigilan yun, kung talaga yung taong mahal mo ang pinili ng puso mo wala ka talaga magagawa. 

Naintindihan ko naman kahit papano si James, kaya I felt sorry for him pero alam niyang di ko siya mahal kaya diba dapat maging masaya nalang siya para sa akin? Hays.

“Ah sir nandito lang pala kayo, kanina ka pa po hinahanap ng lahat,” may biglang sumalubong sakin na babaeng secretary I think, “punta ka na po sa harapan para maumpisahan na ang event,”

Tumango nalang ako. Wala naman talaga ako gana pumunta dito pero sabi ni papa e magsabi lang ng kaonting speech ok na kaya nilakasan ko nalang loob ko at pumanik sa entablado.

“Ah yes please welcome in behalf of the business chambers and communty, the owner of Gold Water 5 star hotel, Mr Sergio Villafuente’s son, Derick Villafuente,” sabi ng emcee tsaka nagpalakpakan ang mga tao.

Tumayo ako sa harapan nila and I guess just say whatever comes to mind. 

“Ah uhmm maraming salamat, I really have no experience on this kind of stuff,” seryoso at honest kong sinabi na tila nagpatawa sa audience para gumaan yung mood habang yung iba namang business partners ni papa e mukang di natuwa sa akin, siguro kasi inexperienced ako? Ewan. Pero wala ako pakialam kaya pinagpatuloy ko lang, “my father envisioned this hotel that we can make a difference, equipped with eco friendly technologies and designs, we want to ensure the optimum convinience of our clients and customers while contributing something good to the environment. In behalf of my father we would like to share this great and worth it experience by building another branch of Gold Water hotel here in Cebu at this very site. We thank you for your overwhelming support and hope we can definitely make a difference not only on customer’s satisfaction but to the environment as well.”

Nagpalakpakan yung mga tao at ang daming flashes of lights na parang mabubulag na ako sa mga photographer. Nakita ko naman yung mga business partners ni papa e mukang satisfied sa ginawa ko kaya umalis na ako sa enteblado, tapos na papel ko dito. Gusto ko na makasama si Gerald. Hindi ko na pinansin pa yung mga naghihingi ng interview kaya dali dali na ako pumunta sa kotse na kanina lang e naghatid sakin dito. 

“Ah sir pwede niyo po ba ako ihatid pabalik sa Radisson Blu?” 

“Yes sir,” sagot lang niya.


Nakita kong sinundan ako ng mga taga media pero unti unti naman nakaalis na kami sa lugar. Bahala na ang mga business partners ni papa umasikaso dun, wala naman nasabi si papa na kailangan ko magtagal dun, need ko lang dumalo at magsabi ng kaunting speech tapos. Yun na yun.

Ngayon gusto ko lang makasama si Gerald at maenjoy ang bakasyon namin.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung may messages at meron nga, galing kay Gerald.

Gerald: Tol kung tapos na yung ceremony pwede mo ba ako samahan dito sa simbahan, sight seeing tayo, sto. Nino church ha.

Hmm wala si Gerald sa hotel? Ah sige sundin ko nalang kung ano gusto niya. 

“Ah e uhhm pwede niyo po ba ako ihatid nalang po sa may Sto Nino church? Malapit lang po ba yun dito?” tanong ko sa driver.

“Ah oo sir, hindi na ba tayo pupunta sa Radisson?” 

“Hindi na derecho nalang sa Sto. Nino,”

“Ok sir,”



----------- 


GERALD:


A few hours ago...


Nagikot ikot ako sa mall para may bilhin akong regalo para kay Riko. Alam ko mayaman si Riko and mabibili niya kung ano man gustuhin niya pero I want something special na hindi mapapantayan yung value. 

Tiningnan ko yung wallet ko, hays sakto lang dala kong pera, may ilan naman akong pera sa atm ko pero pang emergency ko na yun, ayaw ko naman simutin lahat yun. Nakabudget ang pera ko sa vacation trip namin sa Cebu pero di ko maiwasan gustong bilhan si Riko ng something na magugsutuhan niya talaga. 

Pangalawang balik ko na to sa mall kasi may inayos ako sa room. After nito balak ko magsight seeing kami ni Riko. Tutal nandito na rin lang kami e lubus lubusin na namin ang mga historical sights para maenjoy namin ang pagpunta namin. Good dala ko yung digicam ko. 

Napadaan ako sa isang store sa loob ng mall na nagbebenta ng mga singsing. Uy ang ganda nung isang singsing. Nakita ko sa nakadisplay na makintab siya at mukang mamahalin, kulay puti bagay to kay Riko sa isip ko. 

Siguro naman pwede ko bilhin dalawang pares na same design para promise ring narin namin ni Riko. Wow parang magasawa lang? kinilig ako para samin.

Pumasok ako sa jewelry shop at kinausap yung saleslady.

“Ah miss pwede ko ba makita yung singsing na yun na nakadisplay?”

Tinuro ko kung alin na singsing at tumango naman yung babae.

“Ah yes sir sandali lang,” kinuha niya susi niya at binuksan yung glass window para kunin yung singsing. 

Hinawakan ko yun nang binigay sakin, ang ganda talaga, hindi siya pambabae pero maganda ang style at design tiyak magugustuhan to ni Riko, excited kong naisip. 

“Magkano to miss?” tanong ko.

“10,000 pesos sir,”

Parang naubo ako nung nasabi yun nang babae, walangyo oh ang mahal naman. Pucha wala ako ganung kalaking pera at sa isang singsing palang yan balak ko kasi dalawa para sa promise ring meaning need ko ng 20,000 pesos. 

“Wala bang tawad yan dalawa naman kukunin ko e,” baka sakali lang naman.

“Sir wala e, on sale na nga yan e kasi 15,000 pesos yan,” eksplekar nang babae. 

Hay naku naman, gustuhin ko man pumili ng iba pero yun talaga ang nagustuhan ko para kay Riko at alam kong matutuwa siya nun. Tiningnan ko wallet ko, may 8 thousand lang ako so bali need ko pa ng 12 thousand. 

Di ko naman pwede galawin yung atm ko kasi pang gastos ko nalang yun dito sa cebu kung sakali ubusin ko cash ko ngayon. Hays hirap ang nakabudget yung pera, di naman kasi ako kasing yaman ni Riko, sakto lang na may pantustos lang ako sa pagaaral at makakain tatlong beses isang araw. Hays.

“Sige miss balikan ko nalang yan, huwag niyo pong ibenta ah kukunin ko po yang singsing,” bilin ko sa babae.

“Ok sir,”

Nagikot ikot muna ako sa mall at nagmuni muni pano ko magagawan ng paraan yun. I know aksaya sa pera pero para kay Riko naman kaya worth it. Tiningnan ko orasan ko kung anong oras na, maaga pa naman siguro di pa tapos ang event na yun. Nang nagtagal may naisip ako na paraan, tama yung relo ko, regalo sakin to nung birthday ko, mamahalin din to sa pagkakaalam ko. Kaya dali dali na ako pumunta sa pawnshop para matingnan kung pwede mapawn yung relo. 

“Ah sir magkano po kung isangla ko tong relo?” tanong ko sa lalaki.

Binigay ko yung Kenneth Cole watch ko sa kanya. Tiningnan naman niya ng maigi at nakipagusap pa siguro sa loob ng may ari, ewan.

“6,300 pesos,” sagot niya.

Sa isip ko hays pwede na at least pandagdag sa pambili ng singsing need ko nalang ng 5,700 para mabili ko na yung dalawang singsing.

“Sige boss isasangla ko po yan,”

May inayos na mga papeles o resibo ata yun tsaka naman binigay sakin yun pera. I guess babalikan ko nalang yung relo na yun pag may pera na ako. 

Nagikot ikot ako sa mall para naman may maisip pa ako na paraan para mabili ko yung singsing. Inisip ko kung ano pa ba pwede ko maisangla o maibenta man lang. Yung relo lang naman yung mamahalin na gamit ko aside sa cellphone ko na iphone 5. Pero naisip ko kung ibenta ko sa 2nd hand dealer tong iphone ko masyado naman akong lugi alam ko kasi sobrang barat bumili ang mga nun and worth 35 to 40 thousand tong iphone ko. Not mention nano sim pa, pano ko makokontak ngayun si Riko kung palitan ko ng murang cellphone na dapat e regular sim. 

Actually wala naman talaga sakin kahit barat nang bilhin tong cellphone mas importante ang singsing para sa akin. Problema ko lang yung simcard talaga kaya pumunta ako sa may bumibili ng 2nd hand cellphone. 

“Kuya kung sakali ibenta ko tong iphone magkano niyo naman kukunin?” tanong ko.

Tiningnan muna ako ng maigi tsaka yung cellphone ko. 

“Kuya maayos pa yan walang gasgas alagang alaga, need ko lang talaga ng pera e,” eksplekar ko.

“E siguro 8 thousand,” sinasabi ko na nga ba e babaratin talaga pero I don’t care at least alam ko mabibili ko na yung singsing.

“E pano yung simcard pano ko po magagamt yung sim sa regular na cellphone, gusto ko kasi same number pa din ako kaso nano sim na kung kunin ko sa iphone yun,”

“Meron naman dito office ng smart or globe pwede mo ipaayus sa kanila ang number mo para mapalitan yan into regular sim,”

Cool pwede pala yun sige ba.

“Pero kuya di ba pwede taasan ng konte ang bayad kasi bibili pa ako ng cellphone pangpalit dyan tsaka ipapayos ko pa yung number ko, please!”

Tiningnan naman ako ng lalaki na tila alam niyang desperado ako buti nalang dininig ng Diyos ang hiling ko at naawa si kuya ehehe.

“O sya sya 9,500 pesos last na yan,”

“sige pwede na ho yan, maraming salamat kuya!”

Nabili ko din yung dalawang singsing na pinaengrave ko pa ng pangalan namin Riko, medyo nagtaka yung babae pero di naman umimik tsaka wala naman ako pakialam sa iisipin niya. Excited kong pinagmasdan ang dalawang singsing nakabox, sh*t masaya ako matingnan kung ano reaksyon ni Riko dito. 

Inayos ko na rin ang sim ko buti post paid ako napalitan din ng same number yung sim at nakabili ako ng murang cellphone pangkontak lang. 

Ayos! Pumunta na ako ng Sto. Nino church para sa unang lugar na bibisitahin namin ni Riko. Tinext ko na siya na dito kami magkita pagkatapos ng event niya. Maya maya e nagreply naman siya na papunta na siya kaya excited akong nagabang sa kanya. 



DERICK:

“Oh bakit dito tayo?” bungad ko sa kanya nang makababa ako sa kotse. 

“Syempre para makapagsight seeing tayo,” ngiti naman niya na di ko talaga pagsasawaang tingnan.

“Sabi mo e,” yun nalang nsagot ko.

Nagpsalamat ako sa mamang driver at pinaalis ko na siya, ayoko naman maghintay siya sa amin kasi knowing Gerald alam ko gagala kami. Magtataxi nalang kami kung kinakailangan. 

“Tara pasok tayo sa simbahan,” excited ang mokong ah. 

Nang makapasok kami sa simbahan wala masyadong tao, wala kasi misa pero may ilang nasa upuan nagdadasal. Tiningnan ko si Gerald na tila ba naguusisa bakit nandito kami.

Nakita naman niya yun sakin kaya hinatak niya ako papasok sa isang bakanteng upuan at lumuhod siya, habang lumingon siya sakin.

“Magdasal muna tayo bago tayo gumala, tsaka isa din tong historical site kaya since nasa simbahan na tayo, magdasal na rin lang tayo para sa blessings na natanggap natin, lalong lalo na binigay ka sakin ni Lord,” seryoso niyang sabi, di ko alam kung kikiligin ba ako sa kanya o matotouch. Ngumiti ako sa kanya, kahit pilyo at maloko tong Gerald ko, alam ko mabait tong tao. Lalo ata nahulog loob ko sa kanya.

Tumango nalang ako at lumuhod katabi niya para magdasal. I guess madami din naman ako dapat na ipagpasalamat. Nandyan ang pamilya ko, mga kaibigan ko, at saka si Gerald. Masaya ako sa kanya at sana mabigyan din kami ng lakas ng loob harapin kung ano man problema ang haharapin namin in the future.


Pumunta kami sunod sa Magellan’s Cross na katabi lang naman ng simbahan. Tuwang tuwa ang loko habang nagpipicture taking kami. May mga babaeng nagbebenta ng ibat ibang kulay ng kandila na lumapit sa amin.

Bawat kulay daw e sumisimbolo ng love, health, at iba pa na di ko na alam, tumango nalang ako sa kanya, no harm in trying diba? At napansin ko nilagay niya yung mga kandila sa may Cross at may sinabi siya na di ko na maintindihan ewan. Nakatuon naman ang atensyon ko kay Gerald.

“Tol papicture tayo sige na,” excited niyang sabi.

Sakto naman may ilang turista na koreana ang dumaan kaya pinakiusapan namin na kunan kami ng picture sa may Magellan’s Cross.

“Ok one two three,” click flash, “another one you like?” 

Tumango naman kami ni Gerald. Abot tenga talaga ang ngiti ang ungas. Naka ilang pose din kami, may nakaakbay siya sa akin. Meron din nagaakbayan kami, may wacky shots, at may ibang pacute.

Binigay naman samin yung digicam habang kitang kita sa ngiti ng koreana ang pagkatuwa samin dalawa ni Gerald.

“You two are good couple,” nakangiting sabi niya na siya namang ikinamula ng muka ko langya.

“Thank you! He is very handsome right?” sagot naman ni Gerald na tiningnan ko naman siya ng masama, patulan ba naman ang comment na yun.

“Actually you two very handsome, you two lucky with each other,” sinserong ngiti ng koreana habang naglakad na sila ng kasama niya papalayo sa amin.

“O kita mo baby bagay daw tayo,” pacute namang ang loko.

“Hindi tayo bagay,” sagot ko na siya namang ikinagulat niya, “ tao tayo,”

Natawa naman ako sa reaksyon niya lol.

“HA HA Korni,” pagmamaktol na sagot niya.

“Biro lang di naman mabiro, ikaw nga dyan lagi mo ko inaasar,” 

“Ewan,” uy mukang nagtampo nga talaga ang loko.

“Joke nga lang sorry na,” 

“Dapat may kiss,” biglang sagot niya, at mukang seryoso ang ungas.

“Adik ka ba nasa labas kaya tayo, ang daming tao,” 

Pero nakita ko lumungkot ang muka ni Gerald at nagsimula na siyang maglakad. Hays, ano ba naman tong si Gerald kahit kelan parang bata talaga umasta. 

Humakbang ako papunta sa harapan niya at hinalikan ko siya, smack lang naman, lintek na, di ko to ginagawa in public pero dahil kay Gerald napapagawa niya ako ng mga bagay nato. Pulang pula ang muka ko habang yung mga tao na nasa paligid e panay tingin sa amin. 

Wala ako pakialam sa kanila, tiningnan ko nalang si Gerald. Mukang nagulat siya sa ginawa ko, ako nga rin e nagulat sa ginawa ko alam kaya niyang ayaw ko ng PDA pero si Gerald kasi e, di ko matiis. 

Nakita kong ngumiti ang loko at ayan nanaman ang nakakalokong ngiti niya na may dimples. Sh*t that always makes my heart melt.

“Ano sorry na?” mahina kong sambit habang yumuko ako kasi nahihiya na ako sa mga tao na nasa paligid ko.

“Ok na,” at bigla niya akong niyakap. Nagulat ako pero nilasap ko ang pagkakayakap niya, nahawaan na rin ata ako sa fetish niya nang amoyin ko siya, ambango din niya kasi, amoy Gerald yummy. Hehe.

“Oo na tama na nga yan pinagtitinginan na tayo ng mga tao,” hiya kong sabi.

Bumitaw na siya at ngumiti ng pgkalaki laki. Hahays kung ganito lang talaga lagi kami, masaya na ako. Para kaming bagong kasal kung umasta, kung tutuusin para na ngang honeymoon namin to yung bakasyon nato langya. 

“Tara libutin natin lahat ng pwede na natin mapuntahan,” yaya ni Gerald. 

Tumango lang naman ako. Nilibot namin lahat ng landmarks sa Cebu pero yung malapit lang sa syudad kasi di ko pa nasasabi kay Gerald na bukas na bukas din e pupunta kami sa may beach resort at doon kami magstastay for the rest of the week at mageenjoy.

Mga gabi na nang makabalik kami sa Radisson Blu hotel, pagod na pagod kaming dalawa pero una kong napansin sa kanya is that wala na yung relo niya, kanina kasing umaga suot suot pa niya yun and alam kong regalo yun ng tito niya from dubai nung kaarawan niya. Inisip ko baga tinago lang niya sa bag.

Nang nakarating na kami kwarto, hinayaan niya akong mauna pagpasok sa room which was weird, kani kanina ko pa siya napapansin na medyo kinakabahan e pero inisip ko lang na baka kasi nasa malayo kami at di pamilyar ang lugar pero mas napansin ko ang pagkakaba niya nang makarating na kami sa hotel. May hindi ba sinasabi sakin tong si Gerald?

Nang makapasok ako unang bungad sakin ang mga nagkalat na mga petals ng rosas? Huh rosas? Nasa sahig ng pintuan papunta sa loob ng kwarto. Lumingon ako bigla kay Gerald pero nakita ko siyang ngumiti sa akin na may halong kaba, adek siya ba gumawa nito. Pero dahil sa gulat ko at dala ng pagka curious ko kung ano ba ginawa ni Gerald sinundan ko ang mga rosas na nakalatag para sundan ko ba. Adek talaga tong si Gerald, sa loob loob ko sh*t kinikilig ako pero never ko pa naranasang may gumawa ng ganito. Hindi naman kasi ako babae and ang ungas kala niya ata babae ako para tratuhin ng ganito, adek lang? 

Pero naappreciate ko naman yun, kinikilig na nga ako, umeffort talaga ang loko, may pagkaromantiko talaga huh? Sinundan ko ang mga rosas papasok ng kwarto nang makita ko ang daming maliliit na kandila na nagkalat sa kwarto, sa bedside table pati na sa sahig na para bang naging alitap tap ang sinag ng bawat kandila. Adek talaga siya balak pa ata sunugin ang hotel langya, buti nalang walang pumasok na housekeeping nako lagot kami kung nagkataon. 

Ang ganda ng ginawa niyang setup, di ko pa nilalagay yung card sa slot kaya nakaooff lahat ng ilaw at yung munting kislap lang ng mga kandila ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Lumingon ako kay Gerald, di ko maexplain ang nararamdaman ko. He went through all this para sa akin? D*mn this guy deserves a cookie ahaha, ginawa niyang romantic ang kwarto ng hotel beside the fact na baka nga masunog ito pero romantic, nakakakilig. 

Sinabayan pa niya ang ngiting niyang yun na nakakatunaw. 

“Ginawa mo lahat ng ito?” di pa rin makapaniwala sa pinaggagawa niya.

“Oo naman tsaka para mas may chance,” sagot niya na tila nahihiya, ang cute niya ngayun.

“chance saan?” medyo naguluhan kasi ako.

Napansin ko may kinukuha siya sa bulsa niya, nanlaki yung mga mata ko nang makita ko ang nasa kamay niya. Is he doing what I think he’s doing? Adek lang walang same sex marriage sa pinas langya, saan kami magpapakasal, pano na ang mga relatives namin, di po nga nasasabi kena papa e, sh*t sh*t. OA lang e no magisip pero yun talaga nasa utak ko. 

“Uhm Derick Villafuente,” kinakabahan niyang sambit.

Nakatingin lang naman ako sa kanya tulala habang pinagmamasdan ko ang nangyayari sa harapan ko. Hindi makagalaw, ang lakas ng tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na ata ako ng malamig. Natouch ako sa ginawa niyang effort, romantic ang mokong pero mas pinakaba ako sa ginagawa niya ngayon. Hawak hawak nya ang isang box na alam ko e sing sing ang laman.

“Can you be my boyfriend?” habang lumuhod pa talaga siya, dramatic lang ang loko.

Phew boyfriend pala kala ko pa naman kasal na, dami kaya aasikasuhin kung kasal nandyan ang venue, mga gamit, pati na rin invitations, sh*t bakit ko ba iniisip mga yan ibig bang sabihin yan e kahit magpropose ng kasal si Gerald e tinatanggap ko na yun subconsciously? 

Bumalik ako sa huwisyo ko nang mapansin ko nagiiba ang titig niya sa akin, di ko namalayan matagal na pala akong di nagsasalita, sa dami bang pumasok sa isip ko e. Inakala niya siguro na nagdadalawang isip ako.

“Oo,” bigla kong sambit na medyo ikinagulat ni Gerald, mukang di niya inaasahan yung sagot kong yun, ako nga din di ko inaasahan ang sagot ko na yun. 

“Oo?” tanong ni Gerald mukang di pa ata nagsisink in yung sagot ko.

“Oo gusto kitang maging boyfriend Gerald,” klinaro ko na, baka slow ngayun siya e.

Nakita ko umaliwalas ang pagmumuka niya at napalitan ng sobrang galak. Ngumiti ng pagkalaki laki.

“YES! Sh*t di ko inaakala na sasabihin mo Oo kala ko kasi....” pinigilan ko nga siya magsalita, dami pa kasi satsat kaya hinalikan ko na ang ungas. 

Nakita kong nagulat si Gerald sa paghalik ko sa kanya pero maya maya e lumaban na rin siya ng halik. Ang lambot talaga ng kanyang mga labi, nilalasap ko ang matatamis niyang halik. Naramdaman kong hinawakan niya bewang ko papalapit sa kanya at hinawakan ko pa yung batok niya para siilin siya ng halik. Naging mapusok ang paghahalikan namin na walang nagpapatalo sa pagiging dominante. Bawat galaw ng mga labi ay tinutugunan naman niya. Naramdaman kong gusto niyang ipasok ang dila niya habang kinakagat niya ang labi ko. Sh*t this is hot. Pinagbigyan ko siya sa gusto niya na lalo namang nagpaagresibo sa kanya. Parang nageespadahan ang mga dila namin habang nilalasap ang bawat mainit na halik. Napaungol naman kami pareho habang sinisiil pa niya ako ng halik. He tastes sweet. Lalo lumakas ang bawat tibok ng puso ko at naginit ang katawan ko. Ako na unang bumitaw sa halik namin na siya naman hudyat para makahinga kami pareho. Kinapos kasi kami sa heavy make out session na yun ah.

Ngumiti si Gerald sakin habang hawak hawak niya bewang ko, ako naman e nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya habang pinagmamasdan ko siya. Kitang kita ko pano magningning ang mga mata niya sa repleksyon ng bawat kandilang nagmimistulang alitaptap. 

“I love you Derick Villafuente,” isang seryosong sambit niya na punong puno ng pagmamahal na ramdam ko abot sa puso ko.

“I love you Gerald Cinco,” I replied with the same intensity of emotions na nais kong ipabatid sa kanya.


Nakatayo kami magkalapit sa isat isa, nakatitig sa mata ng bawat isa na tila nangungusap sa tunay naming nararamdaman. 



To be continued...

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Where stories live. Discover now