CHAPTER 10

19.2K 302 11
                                    

Ininvite kami ni Liam sa kanyang condo unit sa free day namin, sakto kasing isa lang subject ang nakasched sa kanya nung araw na ito and kami naman ni Gerald ay libre. Medyo ok naman na ang mood ni Gerald, bumalik na sa dati niyang palabiro at masiglahing sarili. Di ko alam ano nangyari pero siguro sa pagpupumilit ko sa kanya minsan na maging ok siya e, pinakinggan naman niya ako.

Kinukulit ko kasi halos every break period kahit na nasa klase kami hindi ko tinatantanan kahit na pinagalitan na kami ng mga propesor namin hinaharot ko pa din ang loko, ayun medyo epektib naman din, di na sya masungit tulad ng dati.

Parang nagkabaliktad kami tuloy, ako na dapat na maging masungit e siyang naging palabiro at siya itong happy go lucky e naging seryoso, buhay nga naman oo.

Kinatok ko yung pintuan sa condo unit ni Liam, wala namang angal na sumama si Gerald kasi pinilit ko, malakas ako sa kanya e.

" Hey man," bati niya sakin.

"Sup bro," bati niya naman kay Gerald, "C'mon in,"

binuksan niya yung pintuan para makapasok kami, naka sando na white lang siya at shorts. Sa laki ng katawan niya, kita yung biceps at chest muscle niya.

"Liam matuto ka nga magtagalog, mauubusan ako ng inglis sayo," pangaalaska ni Gerald sa kanya.

"What?" kumunot ang noo ni Liam.

"Tol turuan mo kaya ng matuto," tawa ko naman.

Tiningnan lang kami ni Liam habang naguusap, kawawang tisoy, pwede namin murahin hindi pa din siya makakagets.

"Wala ako panahon magturo sa kanya, di ko nga maipasa pasa ang quiz ni Maam Natividad magtuturo pa ako ng iba, ikaw na tol tutal pareho kayo kano," pangaasar ni Gerald sakin.

"Loko, ano naman kung kano kami,"

"Wala lang, basta ba ako pa din number 1 bestfriend mo," pangungulit niya sabay akbay sakin at pisil sa pisngi ko. Adik lang, medyo natawa ako sa kanyang kalokohan, yan ang namiss kong Gerald.

"You two look like lovers to me," seryosong tono ni Liam.

Walangya oh pasimple lang bumanat pero matindi din.

Inalis agad ni Gerald ang pagkakaakbay niya sakin at parang nahiya. Di ko naman pinansin yun at pinatulan ko ang alaska ni Liam samin.

"Why? you jealous?" pilyo kong ngiti sa kanya. Si Gerald nashock sa sinabi ko pero parang wala lang imik.

"Suit yourselves, I have nothing against that," parang normal lang sa kanya tapos kumuha ng beer sa ref niya, "want some?"

alok niya kay Gerald, kinuha naman niya yun.

"Adik tong kaibigan mo ah," pasimple niyang sabi sakin, "parang robot lang,"

Natawa ako sa kanya.

"Hayaan mo na masasanay ka din tsaka kaibigan ka din niya," sagot ko naman.

Binigyan ako ng beer ni Liam pero tumanggi ako kasi magdridrive pa ako pauwi namin. Naintindihan naman niya yun.

"So what's up guys, what're our plans for tonight, I was thinking we could watch some movies but that's boring, any good places for hot babes in the city you guys know of?"

Tiningnan ko si Gerald, siya lang naman ang gimikero samin tatlo. Siya naman parang nagtataka bakit ganun ako makatitig sa kanya, adik talaga, playing innocent ang mokong.

"Tol kung gusto mo maghanap ng chiks kahit san ka pumunta makakapik up ka, sila pa ata lalapit sayo," sabi ni Gerald kay Liam na nakangisi.

"What?" kunot noong napatanong si Liam.

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon