Chapter thirty one

8.9K 303 12
                                    

"Rocco!"

Pagkarinig niya sa pagtawag sa pangalan ng lalaking kayakap ay bumigat ang pagkakayakap nito sa kanya.

"I love you so much,baby" ramdam na ramdam niya sa bawat salita nito ang pagmamahal nito sa kanya.

Humagulgol siya ng iyak,kahit ng makarinig siya ng mga papalapit na yabag ng mga paa na papalapit sa kanila.

"Rocco,gumising ka" umiiyak niyang sinasabi ng paulit ulit dito.

"Huwag mo akong iiwan,Rocco,hindi ko kaya,please"

Pero habang dumadaan ang segundo na wala itong kibo ay sobra sobrang takot ang lumulukob sa kanyang dibdib. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg nito at doon ibinuhos ang kanyang pagtangis.

Hindi pwedeng mawala ang lalaking kanyang minamahal. Ayaw niyang mawala ang ama ng kanyang anak,magpapakasal pa sila.

"Sharmaine,we have to take him" narinig niya ang tinig ng isang lalaki na tinatapik siya at dahan dahan na inaalalayan sa pag angat si Rocco paalis sa pagkakadagan sa kanya.

Umuling siya,hindi niya ito kilala,niyakap pa niya lalo si Rocco.

"Huwag kang mag alala,ligtas ka na,pero kailangan natin dalhin sa ospital si Rocco,kung hindinay mauubusan siya ng dugo"

Kahit ayaw niyang bumitaw dito ay ginawa pa rin niya,may mga lalaking nagbuhat dito. Nakasunod ang mga mata niya kay Rocco,kahit ng alalayan siya ng lalaking kumausap sa kanya kanina ay hindi niya inihihiwalay ang mga mata dito. Pakiramdam niya,sa oras na bumitaw siya ng tingin sa katawan nito ay mawawala na ito sa kanya.

"Ate Shy!" Nakilala niya ang isa sa kambal kahit na isang beses palang niya iyon nakilala. Sinalubong siya nito ng may pag aalala sa mukha nito "Ate,okay ka lang ba?"

Hindi niya ito sinagot,patuloy lang siya sa paglalakad kasunod ng katawan ni Roy. Nang isakay ito sa isang sasakyan ay sumunod siya. Pinipigilan siya ng mga kapamilya ni Rocco,pero hindi siya nagpapigil.

She's holding his hand,she don't want to let go.

Nakarating sila sa pinakamalapit na ospital,dineretso kaagad nila ito sa ER. I was left outside with his family.

"Hija,I think we better admit you here,we have to make sure you are okay and the baby as well"

Naupo sa tabi niya si Sir Jeff,upang makausap siya na magpatingin. Pero ayaw niya,gusto niyang andon lamang siya kapag lumabas na ang doctor. Gusto niyang siya nag unang makaalam kung ano na ba ang lagay nito. Hindi siya matatahimik kung aalis siya at iiwan lamang ito.

Alam niyang madungis na ang itsura niya,magulo ang buhok at sira sira na ang damit. Kung hindi lamang sa long sleeve na ipinatong ni Rocco sa kanyang sirang damit kanina ay kita na ang kanyang kaluluwa.

"Ayos lang po ako,Sir,hindi ko po pwedeng iwan si Rocco" tumulong muli ang aking mga luha,kaya pinahid ko iyon gamit ang laylayan ng long sleeve na suot niya.

"Hija,naiintindihan ko ang pinag dadaanan mo,anak ko ang nasa loob at inooperahan,but you also have to think na may buhay pang iba dyan sa sinapupunan mo na umaasa sayo,kung andito lamang ang anak ko,sigurado ako na pipilitin ka niyang magpatingin para sa magiging anak ninyo,upang matiyak ang inyong kaligtasan"

"I'm sorry po,Sir,dahil sa akin nalagay sa peligro ang buhay ng anak ninyo" napaiyak akong muli ng yakapin ako nito.

Matagal na panahon na din na walang ama na yumayakap sa kanya upang aluin siya sa pag iyak. Ngayon pakiramdam niya ay yakap niyang muli ang kanyang ama na namayapa na.

Rocco Sanders Where stories live. Discover now