Pangwalo

120 9 0
                                    

CHAPTER EIGHT

Someday

He said that he will wait for me until I am ready for to enter into a relationship.

We're on the last year of college, graduating to be exact.

Yeah, Apat na taon na siyang nanliligaw sa akin pero hindi parin siya sumusuko at palagi niyang sinasabi sakin? “Walang sukuan ‘to!”

“Panda-babe!" sigaw niya sakin noong nakita ko siya sa labas ng room namin, naghihintay. Ganyan ang palaging routine namin araw-araw.

Lumapit siya sa akin at hinalikan yung pisngi ko bago kunin yung mga libro ko.

“Ayiiee!! Kayo na! Baka langgamin na ako dito?”sabi ni Elisse

“Ewan ko sayo.”

“Kinilig ka naman Panda-babe” sabi niya sa akin at inakbayan ako.

“Baka ikaw.”

“Oo naman! Ngiti mo palang kinikilig na ako.”

Namula naman ako sa sinabi niya. Grabe din yung lalaking ‘to sa loob ng apat na taon di parin nauubusan ng pang-bola sa akin.

“Ayoko na talaga! Grabe kayo pati ako kinikilig! Sige na una na amo, may gagawin pa ko eh!”sabi ni Elisse at umalis na siya.

“Ano nangyari dun?” tanong ko kay Gab pero nagkibit-balikat lang siya.

“Wala kang sense kausap alam mo yun?”

“Grabe ka, sa loob ng apat na taon na magkasama wala pa akong sense kausap niyan” sabi niya sa akin at nagsimula na kaming maglakad.

Sa tingin ng lahat parang may relasyon na kami kaso may isang kulang.

Label.

I don’t know kung bakit kailangan pa ng label , mas mahalaga naman yung magkasama kayo palagi. Yung masaya kayo sa isa’t-isa.

“Libre mo nalang ako para magkasense ka.” I joked.

Nasa tapat na kami ng kotse niya at ipinagbubukas niya ako ng pinto.

“Ano totoo Panda-babe? Manliligaw ba ako o taga-libre lang sayo? Pasalamat ka at mayaman at gwapo ako kung hindi ay maghihirap ako kakalibre sayo.” sabi niya at pinangigilan yung magkabila kong pisngi.

“Both” sabi ko sabay tawa.

Nakatitig naman siya hanggang matapos akong tumawa.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakatitig parin siya sa akin. At take note nakangiti pa siya.

“Stop staring at me, Alam kong maganda ako.”

“I can’t help to stare at you, because everyday that god gave me to be with you, Those days cant help me to fall and fall in love with you again. I will never give up on this. I love you, my panda-babe.”

….

Hanggang ngayon di parin ako makamove-on sa sinabi niya. Because I felt guilty after he said that. Feeling ko pinapaasa ko nalang siya. Pero may takdang panahon para maging ayos na ang lahat.

And after the graduation will be the right time.

Kasi naniniwala ako sa sinabi ng Teacher ko noong highschool ang pag-ibig ay inihalintulad niya sa isang bagong biling cellphone.

“Inipon mo ng matagal na panahon yung pambili mo ng cellphone noong nabili mo yun sobrang iniingatan mo dahil dream come true pinaghirapan mo siya ng matagal ng panahon kaya iingatan mo siya at matatakot kang mawala sayo yun dahil matagal mo ng hinihintay yun, Kesa sa mumurahin sa una lang maganda pero sa huli wala ka ng pakialam kung mawala man yun dahil mura lang naman yung pagkakabili mo sa kanya at pwede mo siyang palitan” yan ang naalala kong sinabi ng Teacher ko.

RegretWhere stories live. Discover now