Panglima

124 9 0
                                    

  CHAPTER FIVE

Mood

Naka uwi na ko at hindi ko na nakita si Gab sa campus. Ewan ko ba dun napaka kasi. Pero syempre nag-aalala din ako dun sa lalaki na yun. Baka kaya ayaw na kong makita ulit nun? Baka kaya galit na sa akin yun?

Simula noong sinabi sa akin ni Elisse kung sino talaga si Gab ay nagulat at nabahala na din ako.

Pamilya pala niya ang may-ari ng school namin, isa siyang hearthrob, matalino at higit sa lahat  minamahal siya ng buong school. Mr. Perfect kung tawagin siya ng mga taga-rito.

Gulat na gulat ako noong sinabi sa akin ni Elisse yun. Maging siya ay hinahangaan din si Gab. Pero may isa siyang sinabi sa akin.

Hindi siya basta basta nakikipagkaibigan sa sino-sino lang..

Kaya nagulat  siya na kaibigan ko yung lalaking yun. Maging ako man ay nagulat.

Bakit nga ba?

Napabuntong-hininga nalang ako.

“Alliana, nandyan na ang daddy mo.Pinapababa ka na at kakain na.”sabi ni Manang Mercy

“Sige po Manang susunod na po,Salamat.”sabi ko.Tumango nalang siya at lumabas na sa kwarto ko.

Ako naman ay nag-ayos saglit tsaka bumaba na. Naka panjama lang ako dahil wala akong balak magtagal sa hapag-kainan namin.

Pagpasok ko pa lang sa dining room namin ay nakita ko agad na prenteng naka-upo habang tumatawa ang mag-inang makakapal ang mukha. At noong nakita nila ako ay pekeng umubo si Kylie.

Noong nakalapit ako sa kanila ay tinignan ko agad si Daddy. “Welcome back, Dad.”

“Have a seat.”sabi niya lang at hindi pa nag-abalang sagutin ang sinabi ko kanina.

“Let’s eat.” sabi ni Dad kaya nagsimula na ang lahat na kumain.

“Kamusta naman Albert ang negosyo mo sa Korea?”tanong ng Tita ko.

Napairap naman ako.Sumisipsip na naman siya nakakaasar lang.

“It’s totally okay.” maikling sabi ni Dad.

“Tito I have a good news to you.’ ’sabat ng pinsan ko.

“What is it?”

“I will be the representative for a contest tommmorow.” proud na sabi niya.

“Good. So what’s the contest all about?”

“Hair and make-up contest and I will be the Model.”proud na sabi niya.

Napatawa naman ako sa sinabi niya.Akala ko naman ay kung anong Contest na ang sasalihan.

“What’s funny, Azy?”tanong sakin ni Daddy.

“I’m just happy for her.”sarcastic na sabi ko

“So sarcastic, Alliana.”sabi ni Dad kaya napatahimik ako.

“Very good Kylie, Just continue studying so that you will have a chance to be a CEO of our Company.”sabi ni Dad.

Lalo pang bumigat ang loob-loob ko sa sinabi ni Dad. I want to cry right now.To inform my Father that she have a daughter too.

But I can’t. Ayoko.

Ayokong matutong maging mahina.Ipapakita ko sa kanila na hindi ako madaling sumuko. Kayang-kaya ko ‘to! Di ko hahayaan na ang pinaghirapan ng pamilya ko ay mapupunta lang sa wala.

RegretWhere stories live. Discover now