"Good afternoon Sir."

"Good afternoon baby. Sabay na tayo sa room," mahinang sabi ni Silver. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka mamaya eh may makarinig sa amin. Tiningnan ko muna kung may tao sa hallway bago ko siya kinurot sa tagiliran.

Natawa naman si Silver sa ginawa ko sa kaniya. "Baby may kiliti ako d'yan."

Binuksan ni Silver ang pinto pagkarating namin sa tapat ng room. "Ladies first."

"Thank you Sir." Nginitian ko siya bago ako pumasok. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin pero wala namang bahid ng malisya sa ginawa ni Silver dahil hindi nila alam ang real score, maliban sa mga kaibigan ko na nakangisi na at kay Vince na natatawa.

Sinimulan na ni Silver ang discussion sa favorite kong klase ngayong sem, dahil prof ko ang boyfriend ko.

"Class, reminder yung sinet niyong site visit bukas." Nag-ingay naman ang mga kaklase ko dahil d'un. Karamihan ay excited, ang iba naman ay nag-alala dahil wala silang sasakyan, katulad ko. Tiningnan ko sila Hannah at mukhang na-gets nila ang problema ko.

"Rena, gusto niyo bang sumabay sa 'kin?" Napatingin kaming magkakaibigan kay Vince.

"May sasakyan ka?" tanong ni Sheila.

"Ah, meron."

"Yes!" Sabay-sabay na sigaw naming magkakaibigan.

Nag-sabi lang si Silver ng ilang reminders para sa mga dadalhin at kung ano ang dapat naming i-expect bukas, hindi din naman naiwasang magkwento ni Silver sa past experiences niya noong student din siya.

"Sir bakit parang ang saya-saya niyo po ngayon?" tanong ni Vince dahil kanina pa nakangiti si Silver.

"Oo nga po Sir!" dagdag ng isa pang kaklase namin.

Natahimik ang lahat dahil hinihintay ang isasagot ni Silver.

Malawak na ngumiti si Silver sa amin at napakamot pa siya sa batok niya, sign na nahihiya siya. "Well, sinagot na kasi ako ng nililigawan ko kahapon."

Naghiyawan ang buong klase kaya natawa ako. Kinikilig ako!

Kinalabit ako ni Hannah kaya tiningnan ko siya, nag-aabang na pala sila nina Charlene, Maibe, at Sheila kung i-coconfirm ko ang sinabi ni Silver. Oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin kahapon, magdamag kasi kaming magkausap sa telepono ni Silver.

"Oops?" Nginitian ko sila at apologetic na tiningnan.

Unti-unti silang napapangiti hanggang sa nakisama na rin sila sa ingay ng mga kaklase namin. Ang iba ay sumigaw ng 'Congrats Sir!' pero sila Charlene na man ay napasabi ng 'Sa wakas!'

Hindi na tinuloy ni Silver ang lesson dahil kinulit na siya ng mga kaklase namin kung sino daw ang lucky girl na niligawan niya. Hindi masagot-sagot ni Silver ang tanong dahil sikreto ang relasyon namin kaya pangiti-ngiti na lang siya. Ang iba naman ay tinanong kung sa school din daw ba siya nagtratrabaho, muntik na akong mapatawa ng malakas dahil sa tanong na 'yun. Nasa harap niya lang kasi ang hinahanap niya. Literal na nasa harapan lang ako ng nagtanong dahil sa seat plan namin.

"Okay class, tama na ang tanong sa love of my life ko." Nag-ingay ulit ang mga kaklase ko. "Pakitandaan ang mga reminders kanina dahil importante yun, nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes Sir!" sagot naming lahat.

"Good. Any questions regarding our site visit tomorrow?"

Walang nagtaas ng kamay kaya indication yun na wala ng ibanag katanungan.

"Okay. Class dismissed."

Forbidden EscapadeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt