Bed 19

60.8K 1.4K 116
                                    

Pia's POV

Mabilis kong itinulak si Wage palayo sa akin at nakita kong muntik na itong mawalan ng balanse kung hindi lamang ito nakahawak sa gilid ng bintana.

"MOMMY! WHO'S THAT MAN?!" malakas na tili ng anak ko kaya natatarantang lumapit ako dito at binuhat siya.

"C-come on, Baby. We need to get dress na for your Tito Warren's birthday."  hinatak ko na lang iyong malaking bag sa may kama pati na din iyong dress ko na nalaglag na pala sa sahig.

Paglabas namin sa kwartong iyon ay pumasok kami sa isa pang guest room at inilapag ko ang anak ko sa kama.

"Mommy, answer me po." nakahalukipkip pa ito at nakanguso habag nakatingin sa akin. Tumabi naman ako rito sa kama at hinaplos ang buhok niya.

"Friend siya ni Tito Warren mo." simpleng tugon ko rito. It's the safest answer that I can give to my daughter right now.

"Then why is he holding you like that, Mommy?" umupo ito sa kandungan ko at pinindot-pindot ang mukha ko. Napangiti naman ako sa gestures nito.

Kapag ganito ito ay selos lang naman lagi ang dahilan. Ayaw niya daw kasing may lalaki na malapit sa akin pero hindi niya naman sinasabi ang dahilan.

"Nadulas kasi si Mommy and He just have to do that for Mommy's safety, hmm?" sagot kong muli rito. Nakita kong ngumiti na ito ulit kaya napangiti na din ako.

Hinilamusan at pinalitan ko na ng damit si Ingrid atsaka ko naman inasikaso ang sarili ko. Pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit namin para mabilis na lang mamaya kapag umuwi kami.

Pagbaba namin ay nagsisimula ng dumating ang mga bisita. Magkahawak kamay namin tinungo ng anak ko ang daan patungo sa garden kung saan idinaraos ang party.

Agad naming nakita ang grupo nila Yell dahil sila lang naman ang maingay kaya dumiretso kami doon. Nakita kong tahimik lamang na nakaupo roon si Xiara habang kandong-kandong ang anak niya. Inirapan ko ito bago ngumiti kay Sandro.

"Tita Pia!" bumaba ito sa kandungan ng ina at masayang lumapit sa akin. Yumuko ako para halikan ito sa pisngi na agad din naman niyang sinuklian.

"Hi, baby boy. Kamusta?" tanong ko rito habang nakangiti.

"Ayos lang naman po ako, Tita Pia. Kayo po?" 

"MOMMY!" napatingin ako sa anak ko na nasa tabi ko pa din pala at nakita kong nakanguso ito.

Masama ang tingin na ipinupukol niya kay Sandro at bigla na lang siyang lumapit sa akin para akapin ako. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Sandro samantalang natawa naman ang mga kaibigan ko.

Napapailing na lang ako at niyakap sa beywang si Ingrid.

"Why are you shouting, baby? Di ba I told you a while ago that you must behave?" hinaplos ko pa ang mukha nito habang nananatili pa din ang tingin kay Sandro.

"Why are you calling him, Baby? I thought I am just your baby!" pagmamaktol nito at lalo pang nagkanda-haba haba ang nguso.

Natawa lang kami pare-pareho habang napapailing naman si Sandro na lumapit kay Xiara.

"Because he is also a baby, Ingrid. Bakit ang nosy mo today?" pang-aasar ko dito pero yumuko lamang siya at humalukipkip.

Napabuntong hininga na lang at humingi ng paumanhin sa kanila. Maya-maya pa ay nagsimula na ang party at wala akong narinig kundi ang awayin ni Ingrid si Sandro. 

Tumabi kasi sa akin si Sandro at bumulong pa sa akin na kung pwede daw niyang asarin si Ingrid. Napatawa na lang ako at hinayaan sila. 

Mas lalo pang umingay sa parte namin nang dumating ang iba pang kaibigan nila Simon at Kuya Warren.

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Where stories live. Discover now