Sa Likod ng mga Ngiti

103 7 3
                                    

Isang lugar ang mapapansin na makulay dahil sa mga iba’t ibang kulay galing sa street lights na nakatayo sa may gilid ng bay walk. Masyadong maliwanag ang ilaw nito na kung saan kapag ika’y napadaan ay mapapatitig ka na lang sa ganda lalo na tuwing gabi. Ngunit kung ika’y ‘di nakatitig sa kumikinang na ilaw ay mapapansin mo ang mga taong namamasyal at nagpipicnic sa lugar. Merong nagtitinda ng balot, natutulog na pulubi sa daan na nakasapin lang sa kanya ay isang gusgusing karton at mga magkasintahang nag-uubos ng oras na nakatitig sa madilim na dagat. Sa mga oras ding iyon, mapapansin ang isang babae na nasa edad na bente pataas na nakaupo lang doon at nagsusulat sa kanyang maliit na notebook. Siya’y nakasuot ng isang t-shirt na puti at isang pantalon. Maamo ang mukha nito at napakaganda. Para bang napadaan lang ‘to sa lugar at kumukuha ng simoy ng hangin sa maruming polusyon ng bansang Pilipinas. Ngunit nang siya’y tumingin sa may dagat, saka may tumulong mainit na likido mula sa kanyang mga mata. Halata mo sa kanya na may mabigat siyang dinadala.

“Kailangan ko ‘tong gawin para sa kapatid ko,” sambit nito habang nakatitig lang sa madilim na kalangitan. Nag-ayos na ‘to ng gamit niya at saka tumayo. Naglakad siya nang naglakad hanggang sa makarating sa isang eskinita na hindi mo iisiping dinadaanan ng isang normal na tao. Madilim at makipot ang daan na ito at para bang may tututok sa’yo ng baril dito kapag nagtagal ka pa. Napatigil siya nang makaramdam siya ng takot ngunit nang maisip niya uli ang kapatid niya ay dire-diretso lang siyang pumasok dito. Nakakita siya ng isang pintuan na may nakasulat na “Wanted: GRO”. Wala siyang ibang inisip noong oras na ‘yon kung hindi ang kapatid niya na kailangan na mapagamot sa doktor. Pumasok na ‘to agad at nagulat siya nang makita ang mga babaeng nakasuot lang ng bra at panty habang nagsasayaw sa may stage. Meron ding mga babaeng nakasuot ng maikling shorts at tube na may mga hawak na tray at yung iba naman ay katabi na ng mga naglalasing doon. Agad siyang napasinghap nang makaramdam siya ng pagtapik sa kanyang balikat.

“Aplikante ka ba?” tanong ng isang babae na mahahalatang nasa edad kwarenta na. Tumango lang ito bilang sagot. “Pangalan?” tanong uli nito at saka tinignan siya nang maigi. Halata mong sinusuri nito ang katawan ng dilag at saka siya ngumiti.

“Angela.”

“Perfect! Bona, ayusan mo na ‘to!” sigaw nito at saka lumapit ang isang dilag na napakaganda din. Nakatube at shorts lang ‘to.

Niyaya na ni Bona si Angela na pumunta ng dressing room nila. Pinagsuot niya ito ng tube at shorts saka niya ito inayusan at linagyan ng make-up. Nang matapos na sila ay saka niya niyaya itong lumabas ngunit nagbigay ito ng babala, “Kung gusto mo ng malaking tip ay paligayahin mo lang sila. Maganda ka naman. Alam kong yakang-yaka mo na ‘yan.”

Nang pagkalabas nila ay napansin ni Angela na nakatingin na ang mga matang halata mong uhaw na uhaw na sa laman nito. Natakot ito ngunit ‘di niya pinakita sa lahat ang totoong nararamdaman niya. Taas noo niyang hinarap ang bawat customer na hihingan niya ng order sa gabing ‘yon. Ngunit hindi maiwasan ang mga kamay na gustong humawak sa pinakatatago niyang yaman. Hindi niya na napigilan at saka siya tumakbo sa may CR, ngunit sa kasamaang palad ay nakabunggo ito ng isang lasenggerong lalaki. Kinuha agad nito ang kamay ni Angela at saka pilit na pinasok sa CR ng mga lalaki. Sumigaw-sigaw si Angela ngunit wala sa kanyang nakarinig, ang tanging nangingibabaw sa tenga niya ay ang tugtog mula sa speaker ng bar.

Wala na siyang nagawa kung hindi ibigay ang sarili niya sa lalaking hinahawakan at tinitikman na siya na parang isang pagkain lang. Umiyak lang ito ng tahimik habang binabastos na ang pagkatao niya. Nang matapos maparausan ng lalaking ‘yon si Angela ay binato niya kay Angela ang limang libong piso na parang nagbato lang ng candy wrapper sa kanya. Pinulot naman ng kawawang babae ang pera at saka niya tinago agad sa bulsa niya.

Team HumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon