Scavenger Hunt

70 5 1
                                    

"ARGH! WALANG SILBI ‘TONG MAPA NA ‘TO!" sigaw ng isang babae.

"E BALIW KA PALA EH BALIKTAD ANG PAGHAWAK MO!" sigaw naman ng isa pang babae. "

“NAKAKAINIS! MATATALO TAYO NITO EH! NASAAN BA YUNG COMPASS NA BINIGAY SA’TIN?!" sigaw ng unang babae.

"Eto oh, parang alam mo naman kung paano gumamit niyan Jessy?"

"Kailangang subukan,Lily, ayaw kong matalo doon sa dalawang lalake na yun," sagot ni Jessy.

Sila ngayon ay kasalukuyang nasa isang scavenger hunt. Kailangan nilang mahanap ang isang kweba na merong ‘kayamanan’ sa loob. Pero, isang araw lang dapat ang tagal nila. Sila ay nagsimulang maglakad ulit sa loob ng isang kagubatan. May dala silang pagkain na tatagal naman sa kanila.  Ang problema lang, nawawala na sila, sa dahilan na maski isa sa kanila walang marunong gumamit ng compass. Ang kagubatan ay napakaraming puno, marami ring ibong umaawit, mga halaman na kakaiba sa kanilang mga paningin... at kung anu-ano pa ang nakikita nila.

"Jessy, nasaan na ba tayo?" tanong ni Lily.

"Sa tingin ko, nasa.... west?" Sabi naman ni Lily na pinaikot ikot ang compass at halatang walang kaalam-alam kung paano ito gamitin.

 "LAGOT! DAPAT EAST ANG NILALAKAD NATIN!" sigaw naman ni Jessy.

Hindi umimik si Lily dahilan para magtaka si Jessy. "Huyy ano ba Lily matatalo tayo neto ehh." Hindi sumagot si Lily kaya sinundan ni Jessy ang tingin ni Lily. Noong nakita ang tinitignan ng kaibigan, sila ay parang napako sa kanilang kinakatayuan. Isang ahas!

"’Wag kayong gagalaw,"  bulong ng isang boses.

Sinundan nila kung saan galing ang boses na ‘yon at nakita nila ang dalawang lalake na balak pukpukin ang ahas ng bato. Palayo nang palayo ang dalawang babae habang ang ahas naman ay palapit nang palapit. Labas-masok ang dila nito at tila sabik na sabik habang pumapasuwit papalapit sa kanila. Bigla namang napapikit ang dalawang babae dahil biglang pinagpupukpok ng dalawang lalake ang ahas.

"AAAAAAHHHHHHH!" sigaw ni Jenny.

"PATAY NA BA?! NAPATAY NIYO BA?!" Sigaw naman ni Lily habang takip takip ang mga mata.

"Oo patay na," sabay sagot ng dalawang lalake. Marahil ay napatay nila ito dahil sa kanilang matitipunong katawan ngayong nagbibinata na sila.

"Kahit kailan talaga ang duwag niyo pareho," sabi nung isang lalake.

"Oo sige, duwag na kami, ‘wag mo nang ipagdiinan Carl," sabi ni Lily na halatang naiinis.

"Buti pala napadaan kami dito, kung hindi tinuklaw na kayo nung ahas."

"Yeah yeah whatever. Thank you Carl tsaka Miguel," sabi naman ni Jessy.

"Bakit ba kayo andito? mali dinadaanan nyo," sambit ni Carl.

"Alam naming. Hmmm… ganito na lang, magtulungan tayo since isang araw naman tayo dito, meaning hanggang bukas pa tayo ng hapon dito at alam namin ni Lily na hindi kayo marunong magluto. Kami ang magluluto at gagamot sa inyo kung may matamo man kayong sugat. Kayo naman ang magdadala sa’tin sa cave chu chu na yun," sabi ni Jessy.

Nagkatinginan naman sina Carl at Miguel. "What's in it for us?" sabay nilang sabi.

Nagkatinginan naman ang dalawang babae, "Tss… our desserts for 1 week," sagot rin naman nilang sabay.

Tumingin ulit sa isat-isa ang dalawabg lalake at tumango. "Sakto ubos na pagkain namin," sabi ni Miguel.

 "Hay nako! Paano ba tayo naging quadruplets kung magkakaiba tayo?" tanong ni Lily.

"Hindi naman kasi lahat ng magkakakambal mag kakapareho," sagot namang sabay nina Carl at Jessy.

Nag simula na silang mag lakad.

SUMAPIT ang gabi na sila na ay malapit na sa kweba. Kailangan na nila ngayon kumain bago magpahinga para handa na sila maglakad bukas. "Paluto na ba yan?" tanong ni Miguel.

"Malapit na, wait lang!"  sagot ni Jessy na kasalukuyang nag luluto ng pansit canton.

"ARAY LILY! MASAKIT!"

" TALAGANG MASAKIT SINO BA KASING NAGSABI SA’YO NA UMAKYAT NG PUNO?!" sigaw naman pabalik ni Lily kay Carl.

"Lily! Kailangan niyang umakyat ng puno para makita kung nasan ang kweba na yun." Sabi ni Jessy habang binibigay sa kanila ang pansit.

"SHARAP!" sigaw ni Miguel. Ngumiti naman si Jessy.

SUMIKAT na ang araw at  nagpapatuloy na sila ngayon sa paglakad.

"AHHHHHHHH! TAKBO!" sigaw bigla ni Jessy. Nag taka ang iba kung bakit siya biglang sumigaw. Tumingin sila sa likod at nakita ang isang... tigre.

"AAAAHHHHHHH!" sigaw nilang lahat at nagsimula nag tumakbo. Kung saan-saan sila napapadpad at paikot-ikot pero nahahabol pa rin sila ng tigre.

"AHHHHH! AYAW KO PANG MAMATAY!" sigaw ni Lily.

Umakyat bigla ng puno si Carl, "AKYAT KAYO DITO! BILIS!" sigaw ni Carl.

Sumunod naman sila dahil wala na silang ibang pwedeng gawin kung hindi sila aakyat makakain na sila. "A-Ayaw ko pang mamatay." Sabi ulit ni Lily habang umiiyak.

"Ano ka ba Lily! Hindi tayo mamamatay!" sabi naman ni Miguel. Maski si Migue, hindi naniniwala doon dahil sila ay pagod na sa kakatakbo at hindi nila alam kung hanggang kailan nila kayang magtago dito sa puno. Ang tigre ay nakaabang pa rin sa ibaba.

"Nangangalay na ‘ko," matamlay na sabi ni Jessy.

"Kaya mo yan Jess nandiyan pa ang tigre, hantayin lang nating umalis," wika ni Carl.

"Hindi ko na talaga kay-- AHHHHHHH!"

"JESSY!"  Biglang napabitaw si Jessy dahil na rin sa ngalay. Bigla namang tumakbo palapit ang tigre. Ang lakas ng ungol nito na parang uhaw na uhaw sa laman ng tao.

"JESSY! TAKBO!" sigaw nilang tatlo.

Pero parang napako sa kinatatayuan si Jessy. Matalim ang titig ng tigre at tumakbong papalapit sa hindi makagalaw na si Jessy. Halatang hayok na hayok ito at sabik na makalapit sa kanya.

"JESSY TAKBO! BILIS NA JESSY!" sigaw nila ulit. Papapalapit nang papalapit ang tigre at handa na siyang sakmalin at sunggaban ang babae nang biglang--

"AHHHHHHHHH!"

***

 "AHHHHHHHHHH!" Sabay sigaw ng magkakapatid na nagising sa isang bangungot.

"Don’t tell me ganoon din panaginip niyo?" manghang tanong ni Lily.

"Yung tigre..." sabi ni Jessy.

" Hindi yun totoo, matulog na tayo ulit," sabi ni Carl.

Napahikab ito at isinawalang-bahala ang nangyari. Humiga na ulit ito na parang walang pakialam. “Goodnight," sabi naman ni Miguel. Naiwang nagtataka ang dalawang babae na tila iniisip, ‘Bakit pare-pareho kami ng napanaginipan?’.

Nagkibit-balikat na lang sila at nakatulog na ulit makalipas ang ilang sandali.

May ibig kaya iyong ipahiwatig? Yun ang hindi nila alam. Siguro, oo. Maaari namang, wala lang. Maraming bagay sa mundo ang mahirap hanapan ng paliwanag. Pero, mabibigyan pa kaya ang mga katanungang ito ng kasagutan? Yun ay hindi rin natin alam.

Life is a scavenger hunt, marami tayong pagsubok na pinagdadaanan at pagdadaanan pa sa tanang buhay natin. Maaaring delikado, maaring hindi. At kahit ano pa man ang mangyari, kailangan natin itong harapin.

Team HumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon