A Christmas Miracle

77 4 2
                                    

JULIE’S POV

"JULIE NASAAN NA ANG WALLET KO!" Sigaw ng nanay ko sa baba habang ako ay tarantang-taranta sa paghahanap.

"ANO BA JULIE ANG BAGAL BAGAL MO! PAG AKO NAKAABOT DIYAN NA HINDI MO PARIN NAHANAP ANG WALLET KO HINDI KA KAKAIN NG ISANG LINGGO!" Mas binilisan ko naman, nasaan na ba kasi yung wallet na yun?

Naririnig ko na si nanay, malapit na sya naku po... AYUN!

"Mama eto po oh," sabi ko ng pagkapasok niya sa kwarto.

"ARAY KO PO! MAMA MASAKIT!" Napasigaw na lang ako kasi pagkakuha ni mama ng wallet piningot nya tenga ko at hinihila ako pababa.

"IKAW PA BAGAL BAGAL KA PA! ALAM MO NA MAMIMILI PA KAMI NG MGA ANAK KO NG PANG PASKO MAY BALAK KA PANG KUNIN ANG PERA KO!"

 

"M-Mama hindi ko p-po k-kukunin ang pera mo."

"PASAGOT SAGOT KA PA AH! ‘WAG NA ‘WAG MO KONG TATAWAGIN NA NANAY KASI ANAK KA LANG SA KABIT! SWERTE MO AT PINAPAKAIN PA KITA!" At tinulak niya ‘ko sa may sofa, buti na lang hindi ako nauntog sa pader.

Lumabas na si Mama at ang tatlo kong kapatid. Oo anak lang ako sa kabit ni Papa, kaya siguro ginaganyan ako ni Mama dahil hindi niya ako anak.

Nagulat naman ako at agad kong pinunasan ang luha ko nang bumukas ang pintuan. Pumasok ang panganay na anak ni Mama na si Ate Kira.

"Julie, ‘wag kang maingay kay Mama, panigurado ni-lock niya nanaman ang kusina para ‘di ka makakain. ‘Wag kang mag-alala, may pagkain akong kinuha. Nandun sa kwarto ko kaya ‘pag gutom ka kunin mo na lang d’un." Sabi ni Ate at niyakap ako.

"’Wag ka nang umiyak Julie. Para sa akin hindi ka anak sa kabit." Sabi niya at ngumiti sa akin.

"Salamat Ate Kira." Sambit ko at pinunasan ang luha ko.

"Oh sige mauna na ‘ko, baka mapansin pa ni Mama na hindi ako nakasunod. Bibilhan rin kita ng pamasko, promise." Pag kasabi n’un ni Ate hinalikan niya ‘ko sa noo at lumabas na siya.

Ibang-iba si Ate Kira kaysa kay Mama at sa dalawa pa niyang anak na si Tessa at Mimi. Si Ate lang at Mimi ang mabait sa'kin, ang nag aalaga sa'kin at ang nagmamahal sa'kin.

Nasaan kaya ang tunay kong nanay? Ganito rin kaya ang magiging trato niya sa akin?

Sabagay, sanay na akong palagi na lang siyang ganito sa'kin. Matagal na at nakakasawa na rin. Sa tanang buhay ko, hindi ko kailanman naranasan ang pagmamahal ng isang ina. Hindi ko naranasang alagaan tuwing nagkakasakit ako. Hindi ko naranasan ang aruga ng isang ina. Puro masasakit na salita ang lagi kong natatanggap. Ang hiling ko lang naman… ay mahalin ako ng nanay ko.

***

MAKALIPAS ang walong oras, natapos rin ako sa paglilinis. Nakakapagod, nagutom tuloy ako. Umakyat ako sa kwarto ni Ate at kumuha ng kanin at ulam na nasa lalagyanan na nakatago sa may cabinet niya.

Team HumbleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon