"Kung magpapakamatay ka wag mo kong idamay!" sigaw ko at inapakan ko na yung gas. Pero takte! Magpapakamatay ba talaga siya?!

"Ano ba Sander?!" sigaw ko

"Pumayag ka na kasi" malungkot niyang sabi. Wala naman sigurong masama kung pumayag ako diba?

"Oo na! Baka masampahan pa ko ng PAWS pagnamatay ka!" sigaw ko

Lumiwanag naman ang mukha niya ng marinig ang sinabi ko at agad agad na sumakay sa kotse ko

"Maraming salamat Snow" sabi nito at akmang yayakapin ako, hinarang ko yung mga kamay niyang palapit sakin

"Pumayag lang ako magpaligaw, hindi pa kita sinasagot" oo tama ang narinig nyo- este nabasa, kinukulit niya akong magpaligaw sakanya

"HAHAHA oo nga, future girlfriend" sabi nito at kumamot pa sa ulo. Tss ang childish talaga

Sabrina Gomez

Naglalakad ako habang nakayuko, pang isang taon na, isang taon na Simula nung mawala siya sa tabi ko.

Nakakabitter nga kasi si Jhet umamin na kay Hailey, si Joshua naman may girlfriend na si Sander at Winter naman ay nagliligawan na.

Hays, buhay single nga naman.

15 minutes. 15 minutes na silang late! Uggh! Ano ba kasing plano ng mga yun?! Maghapon maglandian?! Uggggh!

Unang dumating si Winter at Sander na tila bwiset na bwiset na si Winter, ano bang bago wala naman

"Buti naman at sumipot pa kayo" poker face kong sabi

"Eto kasing si Sander nagdrama pa, parang tanga" nakabusangot na sabi ni Winter

At ayun patuloy sila sa pagiinisan. Ghaaaad! Di ba nila alam na naumukha na akong third wheel dito??!

Sumunod namang dumating si Joshua kasama yung girlfriend niya

"Sorry guys late kami, sinundo ko pa kasi sa airport tong si Bianca" paghingi ng paumanhin ni Joshua

"Hindi okay lang" nakangiti kong sabi

"Ahh guys eto nga pala si Bianca girlfriend ko, Bianca si Snow, Sander at Sabrina" pakilala ni Joshua "Mamaya darating si Jhet at Hailey" sabi rin nito

At ayun sweet din sila sa isa't isa, ugggh! Ako na talaga!

At syempre ang mga VIP, sila Hailey at Jhet ay sabay ring dumating, as usual

Pinakilala rin ni Joshua si Bianca kila Hailey.

Nagkaroon na unting paguusap hanggang mapunta sakanya yung topic.

"Nakamove on ka na ba sakanya Sab?" tanong ni Jhet. Nakamove on na nga ba ako?

Ngumiti lang ako bilang sagot

"Gusto ko na siyang puntahan" sabi ko

Tila nagulat naman sila sa sinabi ko, kasi nung namatay siya ehh hindi ako pumunta, tanging sila lang

"Sigurado ka?" tanong ni Joshua, tumango naman ako

"I guess this is the right time" sabi ni Hailey at sumangayon naman sila

"Wait lang may tatawagan lang ako" paalam ni Joshua kaya't tumango kami

It's been one year nung nawala siya. I already miss him. Walang minuto o segundo na hindi ko siya naalala

Nang makabalik si Joshua ay nagsimula na rin kaming umalis. This is it, malalaman ko rin kung asan siya.

Napagdisisyunan namin na sa van nalang nila Joshua sumakay para sabay sabay kaming makarating dun.

Habang nabiyahe ay nakadungaw lang ako sa bintana, I miss him so much, saan kaya siya nilibing?

Nakadungaw lang ako sa bintana. Parang familiar ang lugar na to? Yung dinadaanan namin? I know this way, di ko lang matandaan kung saan ito papunta.

Nakarating kami sa paruruanan namin. Nang makababa kami sa sasakyan ay agad akong napatingala

Yung simoy ng hangin dito, yung lupa na tinatapakan namin, at itong building nato, ang Devils Academy.

"Bakit niyo ko dinala rito?" taka kong tanong at nilingon sila.

Ang creepy nila, geeeez! Paramis! Lahat sila nakatingin at nakangiti sakin

"What's with the face?" tanong ko at tinaasan sila ng kilay

Nagulat nalang ako ng lumagpas ang tingin nila sa akin, at napunta ito sa likod. As in! Sabay sabay talaga sila!

"Guys, natatakot na ko sainyo" pagamin ko

Naramdaman ko ang presensya sa likod ko, geeeez! Matapang ako oo, pero pagdating sa multo tiklop ako!

"Sorry Sab" nakangiting sabi ni Hailey

"Lahat ng sinabi namin, hindi yun totoo" sabi rin ni Winter

"Magandang surprise to!" masiglang sabi ni Sander

"Enjoy kayo!" sabi rin ni Jhet. Watda?! Anong pinagsasasabi nito?

"Anong-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng kumaripas sila ng takbo at sumakay sa van. Teka iiwan ba nila ko??!

"Aiiish, papatayin ko talaga sila isa isa" bulong ko

Lumingon ako sa likod ko dahil kanina pa ako nakakaramdam na presensya. Ngunit laking gulat ko sa nakita ko

"Sorry Sab"

"Lahat ng sinabi namin sayo, hindi yun totoo"

"Magandang surprise to!"

"Enjoy kayo!"

Eto ba ang sinasabi nila? Ghad! Hindi ako makapaniwala

Agad niya akong niyakap ng mahigpit

"A-avery" naiiyak kong tugon

"Shh" sabi niya

"Buhay ka" tugon ko sakanya

"I'm back baby, I am" sabi nito at mas humigpit ang yakap

Sobrang Saya ko na malaman na hindi pa siya patay, na andito siya yakap yakap ako.

"I love you Avery Rivera" bulong ko

"I love you too Sabrina Gomez" sagot niya.

The end.

~~~~~~~~~~~~~~~~~
Goddess's Note: Oo na! Panget na talaga to! Pero thank you sa mga nagbasa, nagbababasa at magbabasa palang! Mahal na mahal ko kayoooooo!

Devils Academy [COMPLETED]Where stories live. Discover now